Chapter 1

28 0 0
                                    

Hi mga sib :))))) dahil mahilig ako sa mga horror stories sa wattpad lalo na't paborito ko ang Class 3C naisipan kong gawan din ng horror story ang vicerylle

Sooooo hope you like it guys :)))))))

...................

First day of school ngayon at busy ang mga estudyante sa paghahanap ng kanilang classroom

Ang iba ay masayang nakikipagkwentuhan ang ilan naman ay excited na sa panibagong yugto ng kanilang buhay estudyante

Kabaliktaran naman ito kay karylle na kasalukuyang tinatahak ang daan papunta sa kanyang classroom

Labis na kaba ang kanyang naramdaman simula nung malaman nya kung saang section sya napabilang dahil sa tanang buhay nya ay hindi nya pinangarap na mapabilang sa section na iyon labis na kaba ang lagi nyang nararamdaman tuwing maririnig nya ang section na iyun sa kadahilanang di rin nya alam

Lalo namang kinabahan si karylle ng biglang lumamig sa paligid nya na para bang may nagmamatyag sa bawat hakbang nya.Saglit na huminto si karylle saka tiningnan ang buong paligid ngunit wala naman syang nakita maliban lang sa mga estudyanteng nakakasabay nya sa paglalakad

Ring...ring.......

Agad namang tiningnan ni karylle ang tumatawag

Best Marian Calling

Agad naman nya itong sinagot

"H-hello? B-best"

"BEST!!!!!! So ano? Nakita mo na kung saang section tayo?" Bungad agad sa kanya ng kaibigan sa kabilang linya.Napabuntong hininga muna ito bago sagutin ang kaibigan

"4D.4D ang section natin.............Magkaklase tayo" pagkasabi nyang yon ay wala naman syang nakuhang sagot mula sa kaibigan

Saglit silang natahimik nang magsalita na si Marian

"Good......Buti nalang magkaklase tayo sige bye na best pangako bukas papasok na ako" kinakabahan na sambit ng kaibigan nya mula sa kanbilang linya

"B-bye" yun lang at binaba na agad ni karylle ang kanyang phone saka pinagpatuloy ang paglalakad.Nandon parin ang pakiramdam nya na may nagmamatyag sa kanya ngunit ipinagsawalang bahala na lamang nya ito dahil baka malate pa sya

Pagkarating ni karylle sa nasabing classroom ay napakunot naman ang noo nya sa nakasulat sa papel na nakadikit sa labas ng pinto ng kanilang classroom

" ¡ Bienvenido al infierno ?" Bulong nya sa kanyang sarili

Nakaramdam naman ng kaba si karylle di nya alam kung anong ibigsabihin ng nakasulat pero kinakabahan sya sa ibigsabihin nito

Di naman napansin ni karylle na tinanggal na pala ito ng isang estudyante at tinapon sa basurahan

"Tskk mga tao talaga ngayon ang lalakas ng trip" agad naman itong nilingon ni karylle at napagtantong lalaki pala ito

Nakakunot lang ang noo ng lalaki pero napatingin din ito agad sa gawi ni karylle

Agad namang umiwas si karylle at pumasok na sa loob

Pagkapasok ni karylle ay bumungad naman sa kanya ang mga kaklase nyang nagbabatuhan ng papel ang ilan ay nagtsitsismisan ang ilan ay natutulog at ang iba naman ay nakikinig ng music habang naka plug ang kanilang earphone sa kanilang tenga

Agad namang umupo si karylle sa bakanteng upuan katabi ang bintana at agad din namang napatingin sa may pinto nang may pumasok dito

Nakita naman ni karylle yung lalaki kanina na ngayon ay may kasama ng dalawang lalaki.Sinundan lamang ito ng tingin ni karylle hanggang sa makaupo ito agad namang umiwas ng tingin si karylle nang tumingin din ang lalaki sa kanya

Showtime Academy (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon