Chapter 2

6 0 0
                                    

Makalipas ang isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas mula nung mangyari ang incident.

Kasalukuyan nasa canteen ngayon si karylle kasama si marian

"Ano bang nangyari? Simula nung pumasok ako pansin ko ang pagiging matamlay mo even our classmate, parang ang tamlay nila tapos" kunot noong tanong ni marian habang kinakain ang sandwich na binili nya, kunot noo lamang na tinignan ni karylle si marian

"Di mo alam?" Umiling lamang si marian sa tanong iyun ni karylle. Nagtaka naman ang dalaga kung bakit hanggang ngayon di parin pinapaalam ng may ari ng paaralan ang nangyari sa kaklase nila

"Pagod lang siguro" kibit balikat lamang na sagot ni karylle at pinagpatuloy nalang ang pagkain.Kahit hindi kumbinsido sa sagot ni karylle ay ipinagsawalang bahala na lamang ito ni marian

Habang naglalakad si marian at karylle di nila napansin sina anne na naglalakad din, huli na ng mabangga ni karylle si anne

"Heyyy!! Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo TANGA!!" pasigaw na sabi ni anne habang ang dalawang kasama nya ay mataray lang ding nakatingin sa dalawang magkaibigan.Tila nagpantig naman ang tenga ni marian dahil sa sinabi nito sa kaibigan nya samantalang si karylle napayuko lang at humingi ng sorry

"Bobo! Ano pang magagawa ng sorry mo ha? Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!" Si Anne

"Hoyy!! Sumosobra ka na ahhhh di sinasadya nung tao ha? Ikaw din naman di tumitingin ah" nanggagalaiting sabat ni marian pinigilan naman ito ni karylle

"How dare you para sabihin yan kay anne ha?!!" Di narin mapigilan na sabat ng isa sa kaibigan ni anne

"Coleen tama na" suway ni anne. Tinignan lamang ni anne ng masama sina karylle " may araw din kaung dalawa sakin" dagdag pa nito habang nakaturo sa kanilang dalawa

Pagkaalis ng tatlo ayy napahinga naman ng malalim si karylle

"Next time wag mo nang gawin yun" kalmadong sabi ni karylle sa kaibigan

"What? Pinagsasalitaan ka na ng kung ano ano tapos ok lang sayo? Ano ba karylle kaibigan kita kaya ipagtatanggol kita naiintindihan mo?" Ani marian bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang classroom nila

Napabuntong hininga na lamang si karylle di nya napansin na may katabi na pala syang lalaki

"Bakit di ka pa pumupunta ng classroom natin?" Napatingin si karylle sa nagsasalita at napagtanto nya na classmate nya ito.Sa pagkakatanda nya vhong ang pangalan nito

"Vhong? Ahhh wala sige punta na ako" tinignan lmang ni vhong si karylle habang papalayo ito

"Tsk I hope walang mangyaring masama sayo" bulong ni vhong sa sarili

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Showtime Academy (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon