[4] Kalokohan ng isang sirena

43 2 2
                                    

nag isip ako ng magandang gawin .

JOKE ! hahaha , wala talaga akong maisip eh . Wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain ng kumain hanggang sa naging LAMON na ang itatawag nyo .

3 weeks pa bago magpasukan , sobrang bagot na bagot na ako . Minsan pag wala akong kasama sa bahay,umaacting ako sa salamin. Kunwari artista ako . Minsan naman pag aalis ako , Sumasakay pa ako ng jeep kahit 20 seconds lang nandun na ako sa pupuntahan ko .

Ang laki pala ng naiidulot ng BOREDOM . ~_____~ Minsan nga,pumunta ako sa 7/11,tapos labas pasok ako dun,nakakainis lang kasi biglang humawak yung guard saken , baka holdaper daw ako !

Minsan naman nag gagala ako pag gabi at kumakatok sa mga pintuan ng kapitbahay at sumisigaw ng TAPOOOOOON PO ? , o kaya nag dodoorbell at nagpapahabol sa aso . -________-

At ang huli kong nagawa sa unang linggo ng May , nagpadeliver ako sa jollibee , sa kfc , sa yellowcab , pizzahut at kung ano ano pang  resto , pero ibang address ang sinabi ko . ~______~

Sa ngayon,yun pa lang naman ang nagagawa ko sa 1st week ng May . Grabe ba ? haaaay . Wala naman akong mapuntahan kasi nasa probinsya sila tita .

Andito lang ako sa bahay kasama si Manang . I love Manang . I love it . Leche ! nababaliw na talaga ako . :[

Ano anong mga bagay pa kaya ang magagawa ko sa loob ng 3 linggo ? Baka mamaya , bumaril na lang ako ng tao . Minsan nga natatakot na ako sa mga pinag iiisip ko kasi masyado ng brutal grabe . (_. _)

Pag naman gusto ko ng katext walang nagrereply,kaya nag iimbento ako ng number . Isa lang masasabi ko sa lahat ng ginawa ko ngayong linggo at sa mga gagawin ko pa ........

LORD PATAWAD. :D 

Haay ewan , ganto naman na talaga ang buhay ko , boring . Kelan kaya darating ang Prince Charming ko? Yung magsasabi ng mga katagang "HI MY PRINCESS,I CAME HERE TO LOVE YOU" yung mga ganon ?

Hanggang panaginip na lang ba lahat ? Ganon ganon na lang ? Tatanda naba talaga akong dalaga ? Eto ba talaga ang landas na bigay ng dyos para saken ? hindi na ba magbabago to ? 

Di ba pwedeng yung medyo challenging yung buhay ko . Yung parang maglalaban ang tao at zombies para lang saken , magkakagera ang dalawang makisig na prinsipe ng England at iba pang bansa para lang mapangasawa ako .  ^O^

Yung araw-araw bibisitahin ako ni Nickhun , ni Baekhyun , ni Choi jong hun, at ni Lee min ho sa bahay . XD

Yung mas pipiliin ako ni Daniel Padilla kesa kay Kathryn Bernado . Yung ganoooooooon ang gustoooooooooooo ko ? 

Simple lang ang hiling ko sa buhay . Bakit ayaw pang ibigay ? haaaaay .

Nagpaalam ako kay Manang,sabi ko pupunta lang ako ng mall . Pumayag naman agad sya dahil sabi ko nakapagpaalam na ako kala mama . *___*

On the way na ako,naglalakad-lakad ako papunta sa may sakayan ng taxi . Kaso napalingon ako kasi may tumatawag saken .

"Pssst !! Ate !" ako ba tinatawag nun ? Pero di muna ako lumingon . Nakiramdam lang ako .

"Ateeeeeeeee !!!!! " halos magtinginan lahat ng tao sa sidewalk .

"ATEEEENG NAKA BLUE!"  lumingon na ako,kahit alam kong hindi lang ako ang nakablue sa lugar na yon lumingon pa din ako . Malay nyo ako pala dubuuhh ?

 Nakatingin sya saken ... Isang Beggar , naks english yun ! XD Madumi yung bata,madaming alikabok at grasa pero hindi ako nandidiri , tao din naman sila eh .  May hawak syang kandila at sampaguita na mukhang ititinda nya mamaya .

Fragile Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon