Map 1

99 5 2
                                    

* A/N: as requested ^_^ hehehe, have a nice reading ^_^ * 

Bumangon ako sa kama na masakit ang ulo ng marinig ko ang maingay na Alarm clock ko. Hayst bakit ba kasi kailangang maagang gumising ngayon ehh linggo naman, dapat natutulog pa ako ngayon...

*Ring* *Ring* *Ring*

Kainis naman, na una pa akong magising bago tumunog ang alarm..

Pinulot ko yung maingay na bagay at tinapon sa pader..

Hahaha.. ganyan ako mag OFF ng Alarm Clock..

"Tita Rhy! Pang Singkwentang Alarm Clock na yang sinisira mo, baka mamulubi na tayo kakabili ng Alarm Clock mo!!." sigaw ng mahal kong pamangkin galing sa baba..

Narinig na naman yata niyang itinapon ko sa pader ng bongga ang Alarm Clock ko..

"Tita! Baba kana jan!  Afasjasgdsd  sakhfiasdknflasdj  asfjdidofnasd." binagsak ko ang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata ako at tinakpan ko ang mga tenga ko ng unan..

Mag tatalumpati na naman yang pamangkin ko ehh.. ang ingay nyan tuwing umaga..

Ganyan ang drama namin, siya mag tatalumpati at ako mag haharlem shake..

hahahaha..

Biro lang..

"TITAAAAAAAAAAA!!"

Ayan na, sumigaw na talaga.

Nag mamadali yan kasi nga may pupuntahan kami kung saan, ayaw namang sabihin kung saan kasi para surprise..

Surprise niya mukha niya..

Lahat kasi ng surprise ng batang to napapahawak talaga ako sa dibdib ko sa sobrang gulat..

Iba surprise nyan.. tiwala lang -_-

Hala!!

Dami ko ng sinabi pero pangalan ko di ko pa nasasabi..

Ehem..

Ako nga pala si Silverhy Madaucon ^___________^ *smile smile* *kaway kaway*

17 years old

At nag fe'feeling 16 lang.. hahaha..

Bumangon na ako sa kama at nag pasyang bumaba na, pag di pa ako bumaba baka akyatin ako ng baseball bat ng pamangkin ko..

Nang makarating na ako sa baba diretsong kusina ako sigurado naman akong andon si Gyeun..

"Hoy Tita, pa special mention ka pa, tagal mo talaga bumagon." umupo ako sa katapat ng upo'an niya..

"Bakit ba kasi ang aga aga ehh, linggo pa naman ngayon, ang sarap itulog." "_"

Sya nga pala ang pamangkin kong si Jaegyeun Sue, 17 years old, actually di kami blood related, we just met in Cyber World.. Meron kaming ginawa na Family doon anak siya ng kapatid-kapatid ko sa Cyber World kaya naging pamangkin ko siya.. Taga CamSur siya at Davao ako at nandito kami ngayon sa Makati..

hahaha..

At dahil nag layas kami, we decided na mag isa na lang kami ng bahay, hati kami sa bayarin, meron na din naman siyang work.. Receptionist siya sa isang sikat na Hotel dito, sa galing ba namang mag english.. Ako naman ay isang dance instructor sa BrentWood na isang Prestige School..

Nilapag niya sa harap ko ang platong puno ng kanin at ulam..

"Hoy! Ano pinapakain mo? baboy? ang dami naman nyan." tinulak ko palayo sa harap ko yung plato..

Ang Dora Kong Puso ( H O L D )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon