(Morgue)

358 15 1
                                    

Nakakita ka na ba ng bangkay? 

Malamang oo na....

Sino ba naman ang hindi..

Pero ibahin nyo ang istoryang ito...

tiyak na kikilabutan kayo..

----------------------------------------------------------------------------------------------------

NAKAHILERANG mga bangkay

Babae,

Lalaki,

Bata,

Matanda,

Maganda,

Pangit.

Namatay,

Pinatay.

Namatay nang natural.

Namatay sa sakit.

Namatay sa aksidente.

Araw-araw, iba’t ibang klase ng mga bangkay ang kasama ni Ispin.

Nililinis niya. Pinaliliguan.

Iyon ang trabaho niya sa morgue ng mumurahing ospital na iyon sa probinsiya nila. Isa siya sa mga assistants ng tiyuhing embalsamador.

Noong una ay natatakot siya, Pero nang lumaon, naging ordinaryo na lang sa kanya ang tumingin at humawak sa katawan ng mga patay. Hindi na niya napapanaginipan ang mga ito tulad noong una.

Hindi na siya binabangungot sa itsura ng mga mukha at katawang dineporma ng krimen at mga sakuna.

Isang gabing malakas ang ulan ay naging napakaabala ng mga tauhan sa morgue. May aksidenteng naganap hindi kalayuan sa ospital. Marami ang patay. Hindi halos makapagpahinga si Ispin.

Umiikot na ang paningin niya sa pagod ay dating at dating pa rin ang mga bangkay na kailangang asikasuhin.

May bombang sumabog sa loob ng punung-punong bus mula sa kanilang probinsiya patungong Maynila. Ang sabi ay masasamang-loob daw ang gumawa noon.

May nagsabi naman na isang natanggal na drayber ng bus company ang nag-iwan ng bomba para makaganti.

Pero ang lahat ng iyon ay hindi mahalaga kay Ispin. Ang alam niya ay marami siyang kailangang trabahuhin. Mga katawang naputol at nagkahiwa-hiwalay. Mga mukhang nasunog. Mga balat na humiwalay sa laman. Kailangan niyang maging napakaingat sa paglilinis ng mga bangkay upang mapreserba ang maayos na anyo ng mga ito.

Bandang hatinggabi ay isa na lamang siya na naiwan sa morgue. Ang dalawa pang assistant ay kinatulong ng embalsamador na amain para tingnan ang mga bagong dating na bangkay na hindi na maaaring pagkasyahin sa morgue.

Hindi naman matatakutin si Ispin. Matagal na siya sa trabaho at talagang balewala na sa kanya ang mapaligiran ng mga patay. Ngunit isang matandang babae ang numakaw ng kanyang pansin. Kulubot na ang balat nito at maraming pileges ang mukha pero sa kutis ay mahihinuhang mayaman. Sa tantiya niya ay nasa lampas sisenta na ang babae. Kung bakit niya ito napagtuunan ng pansin ay sapagkat kakaiba ito. Sa lahat ng mga dinalang bangkay sa morgue, ito lang bukod sa lahat ang nanatiling dilat.

Ilang beses tinangka ni Ispin na isara ang mga mata ng matanda pero nabigo siya. Nanatiling dilat iyon. Parang nakatingin sa kanya. Kahit ano ang gawin niya, kapag napapatingin siya sa kinaroroonan ng babae ay tila tinitingnan siya nito. Kinilabutan tuloy siya.

Hindi pa minsan man ginawa ni Ispin pero sa pagkakataong iyon ay kumuha siya ng pantakip sa mukha ng babae. Kung maaari lang ay alisin niya ito roon dahil nagbibigay ng kilabot sa kanya kahit ang presensiya ng bangkay nito.

Mga Kababalaghang Pinag-uusapan (SCARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon