"Hi Shimmer."
"T-Timothy? A-anong ginagawa mo d-dito? A-ano yan?"
"Gitara, white roses and chocolates" With matching kindat pa.
"O-oo alam ko. Pero bakit-"
"Hindi ba obvious? Haharanahin kita." Sabi nya ng nakangiti.
Haharanahahin? Ano daw nababaliw na ba itong si Timothy?
Baka makita kami ni Papa! Naku, yari ako.
"A-ano k-asi, hi-hindi pwede." Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nya. Nawala ang malaki nyang ngiti at dimples na lalong nagpapa-gwapo sa kanya.
"Bakit hindi pwede?"
Hindi ako makasagot. Ilang minuto pa ay itinuloy pa rin nya ang pagkanta.
"T-Timothy, ano ka ba. Baka--"
"Sir I'm a bit nervous bout being here today. Still not real sure what I'm going to say, so bare with me please if I take up too much of your time..." ♪♪♪
Nandun na pala si Papa sa likod ko at nakatingin lang kay Timothy.
"See in this box is the ring for your oldest, She's my everything you know that I know is, It would be such relief if I knew that we we're on the same side..." ♪♪♪
Nilabas niya din ang isang box ng singsing at ipinakita ito sa akin at sa papa ko. Nanginginig naman ako sa magiging reaksyon ng tatay ko kasi blanko ang mukha niya. Si Timothy, mukha namang walang katakot-takot at ni hindi man lang kinakabahan.
"I'm gonna marry your daughter and make her my wife, I want her to be the only girl that I love for the rest of my life, and give her the best in me til the day that I die..." ♪♪♪
Nabato ako sa kinakatayuan ko, iniintindi ko yung lyrics ng kanta niya, 'Marry your daughter and make her my wife' OMG. Dream come true. papakasalan niya ako? Hinihingi na ba talaga nya ang kamay ko sa tatay ko?
"I'm gonna marry your princess and make her my queen, she'll be the most beautiful bride that I've ever seen. I can't wait to smile as she walks down the aisle on the arm of her father, on the day that I marry your daughter." ♪♪♪
Hindi na kinakaya ng nerves ko itey! My gulay! Prinsesa? Ako?! Tapos gagawin niya akong Reyna? Hahahahhahah. Feeling ko pulang-pula na ako ngayon. Ang pangit lang kasi medyo morena ako tas namumula. Pero pagkakataong ito, katabi ko na si Papa. At blanko padin ang mukha niya.
~~
"SHIMEEERRR! Ano ka ba? wala ka pabang balak gumising? Anong petsa na?! Papasok ka ba o hindi?! 7:30 naaa!" sigaw ni Mama na may halong inis. Nagising naman ako agad lalo na nung narinig kong 7:30 na!