Hiiii~
--
Si Arshan Sofia Ramos ay ang kaisa-isang anak ng mga magulang niya! HAHA. :D Simpleng babae, saka probinsyana. Hindi siya sinanay sa marangyang buhay sa probinsya kahit na ang mga magulang niya na ang halos magmay-ari ng buong bayan nila.
Ngayon, college na siya, kailangan niyang magpunta ng Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
"Pumasa ako ng MUAT?!!!!!!!! Sa Manila University nako mag-aaral!!! :""">" masayang sigaw ni Arshan habang nag-aalmusal silang pamilya.
"Oo Anak. :) Sya nga pala, Mayroon tayong mga bahay sa Maynila anak. Gusto mo doon ka muna tumira habang nag-aaral ka." sabi ng Daddy niya.
(Paano na? Maynila yun. First time kong luluwas. Huhu. Paano na si Vanessa?)
"Wag ka mag-alala anak, kasama mo si Vanessa sa Manila University. Nilakad na din namin ang papeles niya. Okay na din sa magulang niya. Onting porsiyento nalang naman pumasa na din siya eh." Sabi naman ng Mommy niya na tila nabasa ang nasa isip niya.
Tumango na lang naman si Arshan.
Takot kasi siyang pumunta ng Maynila kahit na labas masok na sya ng bansa. Iyon ang unang beses na pupunta siya ng Maynila. Buti nalang kasama niya si Vanessa. At least may kasama siyang 'probinsyana' pagdating sa Manila.
--
Mabilis na dumaan ang mga araw, simula na ng klase at nasa Manila University na sila.
Vanessa: Baaaaks! This is it! :') Ito na talaga! Huhu. College na tayoooo! ;)
Arshan: Oo nga! Kaya halika naaa! Orientation natin okay? :')
Nagsimula na ang orientation. Nagkasya sa Main Auditorium ang halos 3000 na freshmen.
Arshan: Ang laki talaga ng school na to! :') Nagkasya tayong lahat dito o? ;)
Vanessa: Pssh. Nalalakihan ka na dito? Eh di na nga dama aircon?! Mas malaki pa bahay niyo dito eeeh!!
Kung tutuusin. Tama nga naman si Vanessa. Pero eksaherada sa laki ng bahay nila Arshan. 10% lang ang lamang sa laki ng auditorium na ito sa bahay nila. Totoo. 2500 ng tao dito kasya sa bahay nila Arshan.
Arshan: Nako. tumigil ka nga diyaan! Wag ka maingay. Alam mo namang ayokong-
Vanessa: ayaw mong malaman ng lahat na mayaman ka, na angkan mo ang may-ari ng buong bayan natin sa probinsya??
Tinakpan ni Arshan ang bibig ni Vanessa at saka sila nakinig.
Nasa harapan sila dahil mga estudyante sila ng Business Administration major in Finance. Yun kasi ang 'specialty' sa MU.
Dahil malapit sila sa stage, halos lahat ng kaklase nila ang sinasali sa mga energizers, sample, jokes, knockknocks at kung anu-ano pa.
May nagsampol ng kanta sa stage ang isa sa mga kaklase nila. Hindi marunong kumanta si Arshan kaya napanganga siya sa ganda ng boses ng lalaking nasa harapan niya.
Vanessa: Hoyy. Babaita, bakit ka ngangers? Type mo? Haha! :D
Arshan: *tulaley*