He Is My FRIEND

202 9 3
                                    

HE IS MY

FRIEND

volume 1

JERBISEM Novel Club

ALL RIGHT RESERVED

CHAPTER 1

CAN YOU BE MY FRIEND?

(“August 7, 2003” alas 4 ng hapon

Sa isang palaruan)

“Aira! Gusto ko sanang magpaalam sayo. Sabi kasi nila mama at papa sa ibang bansa ako mag-aral ng elementarya. Gusto ko rin sanang magpasalamat sayo dahil sa tumayo ka bilang bunso kong kapatid kahit di talaga tayo magkaano-ano.” Wika ni Lance.

“Ahm… Kuya Lance…Ahh…Kailan ka po ulit babalik dito?” Tanong ni Aira.

“Ahm… Hindi ako sigurado pero… Naniniwala ako na magkikita pa ulit tayo balang araw!” Nakangiting wika nito.

“Balang araw? Kailan po yun?” Muling pagtatanong ni Aira.

“Hindi ako sigurado pero… Ito tanggapin mo to.” Wika ni Lance sabay bigay ng isang maliit na jewelry box na nakakandado.

“Ah! Ano po to kuya Lance?” Nagtatakang tanong ni Aira.

“Yan ang jewelry box na ipinamana sakin ng lola ko. Sabi niya ibibigay daw niya sakin yung susi niyan kapag malaki na ako!

Kapag nangyari yun. Babalik agad ako dito upang sabay nating buksan ang kahong iyan. Kaya sana’y ingatan mo yan para sakin ok?!” Paliwanag nito.

“Opo kuya Lance!” Ang nakangiting sagot nito.

Sariwa pa sakin ang mga huling pag-uusap namin ni kuya Lance kahit na sampung taon na ang nakakalipas simula nang ibigay niya sa akin ang jewelry box na to at magpaalam papuntang ibang bansa upang mag-aral ng elementarya. Iniisip ko kung… Naaalala pa kaya niya ako?

“Ms. Ocsalve! Ms. Ocsalveeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Sigaw ng kanyang guro na si Ms.Rein.

“Mam?! Bakit po?” Gulat na tanong nito sabay tayo sa kinauupuan.

“Who is Robert Hutchings Goddard?!”

Tanong ni Ms.Rein.

“Ah! Ahm… He…Ahhm…”

Nalilitong wika nito dahil sa hindi niya alam ang isasagot sa tanong na agad namang napansin ng kanyang kaibigan na si Jemarie na nakaupo sa bandang likuran nito kaya naman bumulong ito kay Aira.

“He was the first U.S. physicist who first launched the liquid-fuel rocket in the year 1926.” Ang nagmamalasakit na bulong nito.

“R-Robert Hutchings Goddard is a l-liquid-fuel who first launched 1926 rockets in U.S. physicist?” Sagot ni Aira.

               Dahil sa narinig ay agad na nagsitawanan ang lahat ng mga studyante maging ang kanilang guro. Wala namang nagawa si Aira kundi ang pagtawanan  rin ang nangyari.

(Alas-6 ng hapon sa isang convenience store)

Nakakainis talaga yung Jemarie na yun! Akala ko ba eh sasamahan niya akong bumili dito?

He Is My FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon