chapter 3

49 1 3
                                    

CHAPTER 3 

CUTE FRIEND

"Haaayyy... Ang yabang talaga ng Mr. Pervert na yun! Para namang gusto ko talaga siyang maging kaibigan!" Wika ni Aira habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay.

"Iiiiihhhhh! Bakit kasi sya pa yung naging bago naming kapit bahay! Aarrrr... Kainiiis!"

"O anak! Kumusta naman yung bago nating kapit bahay? Ano gwapo ba yung nakatira dun?"

"Huh? Pano niyo naman po nasabi na gwapo yung nakatira dun?"

"Balita ko kasi lalaki daw yung bagong lipat nating kapit bahay, ano muka ba siyang magalang, matalino, mabait? Kumusta naman daw yung minudo na niluto ko, masarap daw ba?"

"Isa po siyang maniac,pervert, at walang modong lalaki na mahilig manghalay ng aso sa kanto, at tsaka tungkol daw po sa niluto niyo, hindi daw po masarap."

" Ganun? Ang sama pala ng ugali nung lalaking yun ah."

"Uhm! Sinabi niyo pa! kaya nga nay wag na wag niyo pong lalapitan yung maniac na yun."

"Ok sige sige!"

(Kinabukasan ^_______^)

(Voice Mail) 

"Hello ma! Nandito pa po ako sa school meron po kaming club meeting ngayon kaya baka mamaya pa po ako makakauwi."

(MYSTERIOUS ART CLUB ROOM)

"OK! Umpisahan na ang meeting! ^____^ " Ang nakangiting wika ni Aira.

"Ah para san ba tong meeting na to?" Tanong ni Ray.

"Diba malapit na ang school fest natin, kaya ako nagpameeting eh para kunin ang mga suggestion niyo."

"Suggestion?" Tanong ni Jemarie.

"Uhm! Suggestion kung anong gagawin natin sa school fest, gusto ko sana yung kakaiba, yung hindi pa natin nagagawa."

"Pano mo nasabing malapit na eh diba sa December pa yung school fest? Bakit parang ang aga naman nating magplano para jan?" Tanong ni Chelsea.

"Naaalala niyo ba yung nangyari satin nung nakaraang school fest?"

"Ahhh... yun ba yung pinagtawanan tayo ng mga junior at senior dahil sa gumawa tayo ng magic show na puro halata ang pandaraya?" Tanong ni Karen.

"Oo yun na nga yun kaya gusto ko sana na habang maaga pa eh handa na tayo para hindi na pumalpak ang club natin. So any suggestion?"

"Ano kaya kung Maid Café naman ang gawin natin?" Wika ni Shaire.

"Muka ngang maganda yang naisip mo, tutal di pa naman natin natatry gawin yan at ang maganda pa niyan eh ni isa wala pang gumagawa ng Maid Café sa school na to."

"Ang tanong may pondo ba tayo para jan?" Tanong ni Ray.

"Hmm! Kung sa bagay mahal nga pala ang magpatahi ng maid costume at tsaka baka kulangin tayo sa pondo."

"Bakit kaya hindi muna natin pag-isipan kung pano tayo magkakapondo bago natin pag-isipan kung ano ang gagawin natin para sa school fest?!" Wika ni Shaire.

"Oo nga noh! Bakit nga ba hindi ko naisip yun?"

"Ok ano bang event ang meron this month?" pahabol nito.

"A.P. month ngayon pero hindi ba tapos na yung program nila? Bale wala tayong trabaho na pwede nating pagkakitaan ngayong buwan." Wika ni Jemarie.

"Edi next month?" Tanong ni Aira.

"November na next month kaya walang general club ang magpapaevent." Wika ni Jemarie.

"Bakit? Tuwing may event lang ba tayo pwedeng magkapera? Bakit di tayo mag-isip ng bagay na pwede nating gawin at ibenta tutal art club naman tayo diba, lahat tayo dito dapat artistic ^_____^." Wika ni Aira.

He Is My FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon