MYSTERY POINT OF VIEW
"Magandang Umaga po Ms. Mystery" bati sakin ng mga katulong naman pag labas ko nang kwarto.
"Magandang umaga rin sainyo." balik na bati ko sa kanila kasama na ang isang magandang ngiti.
"Nakahanda na po ang pagkain Ms. Mystery, nasa ibaba na rin po sila Sir" tumango lang ako kay nanay ester ang pinaka pinag kakatiwalaan naming katulong dito. Matagal na siyang nag lilingkod sa pamilya namin siya rin ang nag alaga sakin simula nung bata pa ako.
Sila mommy at daddy kasi busy sa pag papatakbo ng negosyo namin, hindi sila pwedeng tumigil sa pagpapatakbo nito ayon ang sabi nila hindi ko naman alam kung bakit pero hindi ko na sila tinatanong kasi busy nga diba maski family bonding hindi namin magawa simula nung pinanganak ako.
Kahit nga nung pinanganak ako si daddy tinignan lang ako eh. nag tataka tuloy ako kung tunay na anak ba nila ako pero syempre tunay naman kamukha ko sila eh.
"Goodmorning Dad" Sabay kiss sa pisnge ni daddy. Kahit busy ang mga magulang ko mahal ko pa rin naman sila at may tampo kunti pero alam ko naman na passion na nila ang pag papatakbo ng negosyo namin
"Goodmorning Mom" kiniss ko rin si mommy sa pisnge at nginitian ako at binati rin ako. Ito lang ang araw-araw na bonding namin ang mag kasama pag-kagising at mag kakasama ulit kapag dinner na.
"Kumusta ang School baby girl?" Tanong ni mommy.
"Okay naman po." maikling sabi ko, ayan din ang laging sagot ko sa kanila at laging tanong nila sakin. Okay naman talaga ang school tahimik naman ang buhay ko at walang nanggugulo sakin hindi tulad sa mga kdrama na laging na-bubully yung bida.
"Hmmmmmmm. Mystery, napagpasyahan namin ng daddy mo na lilipat ka na ng school" napatingin naman ako mommy kasama na ang kumukunot ko na noo, nakakapagtaka naman bakit nila ako ililipat ng school? okay naman ako sa school na pinapasukan ko ngayon.
"Pag-uusapan natin ito mamaya mystery. Sa ngayon tapusin muna natin ang kinakain natin alam niyo naman ang rules natin hindi pwedeng pagusapan ang mga ganitong usapan" seryosong sabi ni daddy. Napatango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Tinignan ko naman sila mommy at daddy na seryoso rin ang pag-mumukha tulad ko pero ang sa akin naman ay may kasamang pagtataka.
Sa pagkaka-alala ko wala naman akong ginawang masama sa school o wala naman talaga akong naging problema doon. Oo nga pala first year college na ako ngayon at ang kinukuha ay Civil Engineering at hindi naman ako pinilit nila daddy at mommy na kumuha ng course na pang business para mag karoon ng kaalaman sa pag handle ng business namin balang-araw.
Doon palang masuwerte na ako sa pamilya ko kasi hindi nila ako pinilit na kumuha ng course na hindi ko gusto. Nag iisang anak lang ako nila mommy at daddy at wala talagang ibang hahawak ng kumpanya namin balang araw kundi ako lang. May iilan naman na akong alam sa pag handle ng business kasi may tutor naman ako tuwing weekend na nagtuturo sa akin simula noong nasa high school ako kaya hindi ako mahihirapan balang-araw na patakbuhin ito.
Natapos na ko sa pag-kain ko at nag paalam na kila mommy at daddy na aalis na ko. Wala akong pasok ngayon pero pupunta ako sa park na nasa subdivision lang namin para mag pahangin, madalas naman ako rito mag punta kapag wala akong pasok o wala yung tutor ko.

BINABASA MO ANG
Wafiaila Academy
FantasyIn the universe, there is a planet named Earth. This is the only planet on which life has been discovered. However, there are some aspects of the world that the common individual is unaware of it. In this planet, there is a hidden dimension that wil...