Mystery Point of view
5:30 am na at ang klase raw namin ay 7:00 am, nakaligo naman na ako at naisuot ko na yung uniform namin. Sa totoo lang subrang nanghihina ako kahapon matapos na maipalabas ko biglaan yung fire element na pangalawang kapangyarihan na mayroon ako. Sinabihan na rin nila ako na kung may isa pa raw ako na kapangyarihan na sa tingin ko ay lalabas kailangan ko lang bigkasin yung word Devu Lire circle of power's kung sakali na wala akong kasama na kahit sinong tao sa wafiaila ay agad akong mapupunta sa lugar na tiyak hindi ako makakasakit ng ibang tao sa Wafiaila.
Alam lahat ng tao rito sa Wafiaila yung gagawin kung sakaling kasama nila ako o makita nila ako sa sitwasyon na may lalabas na kapangyarihan sakin at lahat sila kilala ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan bakit ako may apat na kapangyarihan na hanngang ngayon wala ni isa ang sumasagot sa tanong ko na iyan, kahit na alam ko na lahat sila alam na ang kasagutan pero hindi nila puwedeng sagutin dahil pinagbabawal ata ng mga tao na may mataas na antas ditto sa Wafiaila.
"Mystery? Gising ka na ba?" narinig ko na kumakatok si Miracle kaya naman agad kong binuksan yung pintuan at nakita ko ang bungad na kagandahan nito at magandang ngiti. Kung lalaki lang siguro ako tiyak na si Miracle ang liligawan ko.
"Goodmorning Miracle" pagbati ko sa kanya. Kita ko naman na napabukas yung mga labi niya na parang gulat na nakita ako sa uniform na suot ko ngayon, tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
"Grabe Mystery ang tangkad mo lalo sa suot mo na sapatos at ang sexy ha. Mukhang may bagong papalit kay Maxine ha." Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa itsura ko at pumapalakpak pa talaga. Sabagay matangkad ako, maputi, maganda, sexy kasi saktong payat lang naman ako at dancer din ako kaya ganto na talaga hubog ng katawan ko. Pero sino kaya yung Maxine na sinasabi niya?
"Ayy! Tama na nga pagpapantasya ko sayo tara na sa baba nag-hihintay yung ibang warrior sa'tin at nagugutom na rin ako baka malate pa tayo sa klase" Agad ko namang kinuha yung bag ko at nilock yung pintuan ko. Habang pababa kami si Miracle parang unggoy kung makakapit sa braso ko at hindi naman halatang excited siya kasi subrang excited nung mukha niya.
Habang papunta kami sa dining area bigla akong nakaramdam ng kaba nung makita namin si Azi sa sala na nagbabasa ng libro. Bigla akong napalunok bigla kasi naalala ko yung mukha niya kahapon na galit na galit bago ako mawalan ng malay at talagang nakakatakot kasi nagaapoy talaga siya tsaka yung mga mata niya nagiging pula, samantalang alam ko brown mata niya.
Pagkarating namin sa dinning area pinaupo na ko ni Miracle sa tabi niya at nakakahiya kasi hindi ko pa kilala yung iba rito at lahat sila nakatingin sa'kin lalo na yung babae na tingin palang ang sungit na yung halata mo na mayaman na spoiled ganun.
Tahimik lang kaming lahat at wala ni isa ang may gustong magsalita kahit si Miracle tahimik pero napansin ko na nung umupo si azi sa pinakagitna na upuan sa table kung saan madalas yung tatay sa pamilya ang nakaupo roon. Ako naman ito kinakabahan sa mga itsura nila may masungit, hindi mahulaan kung takot ba o okay lang, may naiinip na, at ako ito takot at puro tanong ang nasa utak.
maya-maya may biglang dalawang robot ang sumulpot sa likod ni Azi na may dalang mga pagkain at inilalapag isa-isa sa mga plato namin. Nang makapunta na sa tabi ko yung robot na babae siguro kasi color pink ito may buhok pero syempre bakal pa rin at sa hugis ng pagkakagawa nito at yung isa color blue at wala namang buhok pero yung katawan akala mo mananapak nalang bigla eh.
"Nice to meet you Warrior Mystery" bati nito sakin at nilagyan na ng pagkain yung plato ko. Tinignan ko ito habang nagseserve ng pagkain sa plato ko at nakita ko yung name tag niya sa gilid.
BINABASA MO ANG
Wafiaila Academy
FantasíaIn the universe, there is a planet named Earth. This is the only planet on which life has been discovered. However, there are some aspects of the world that the common individual is unaware of it. In this planet, there is a hidden dimension that wil...