Chapter 3: First Day Of School (Part 1)

942 25 2
                                    

Sausumi's POV

Maaga akong gumising dahil first day of school ngayon. Pumunta na ako sa C.R. ng kwarto para maghanda sa pagpasok namin ngayon sa 2nd Year Highschool.

"Sausummmiiii!!!!" Haaaayyyy.....nanadito nanaman si Kellie at tinatawag ako. Minsan kasi nakakabwisit na yung babaeng yun. Kala mo boss eh puro dada lang naman.

"Ano ba?! Sausumi nasaan ka na ba? Ang init-init oh!!" Tamo, sigaw nanaman. "Oo na nandyan na.....kala mo naman kung sinong boss kung makasigaw." Syempre bulong lang yun dulo. Hahahaha

Bumaba na ako sa hagdan at naglakad papunta sa Brinallyn International Academy (BIA)

After about 5 minutes nandito na ako sa gate n school namin. "Saussuummiiii!!" Sakit sa tenga ng sigaw nila. Humarap ako kung saan nandoon ang dalawa kong bestfriends. Tama kayo sila Haru at Zumi yung sumigaw ng pagkalakas-lakas kaya pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito sa hallway.

"Ano bang problema niyo at kung makasigaw kayo ay parang may sunog na nagaganap!?" Tanong ko sa kanila. "Ano kasi.....gusto lang naman naming sumabay sa iyo sa pagpasok....kung pwede lang naman?" Haaayyyy yun lang naman pala eh. "Osige, halika na at baka malate pa tayo."

Dumating na kami sa room namin at buti wala pa ang teacher namin. Madami-dami din pala kaming bagong kaklase sa room.

Naghintay lang kami for about 5 minutes at dumating na ang aming Homeroom Teacher.
"Good morning class!" Masiglang bati ng teacher namin. Nag-goodmorning din naman ang mga kaklase ko, hindi ako kasama kasi nakakatamad magsalita noh. Kayo kaya?

Okaaayyyyy............para na akong baliw na kinakausap ang mga readers. Pero wala namang makakarinig sa atin diba? Hahahahaha baliw na ng ata ako. Osiya sige humayo na kayo at ipagpatuloy ang pagbabasa.

(A/N. Ang lalim non ah.)
(Ganyan talaga Author. Hahaha)
(A/N. Baliw. Makinig kana sa guro mo Sausumi)
(Opo Author 😁😁)

Pati si Author nahahawa na sa akin noh? Ganyan talaga. Maganda eh *flips hair*

Nagsimula nang magpakilala ang mga kaklase ko. Tapos nung ako na tumayo na ako at pumunta sa harap. "Sausumi Harateyo 13." Cold kong pagkakasabi. Mukha namang nagulat at natakot yung mga kaklase ko dahil nagpabago-bago pa yung mga mukaha nila: 😨-😮-😐. Epic noh? Hahahaha, halos matawa na nga ako eh. Buti napigilan ko. Tapos nagsimula nang maglecture si Ma'am.

*kring.....kring.....kring.....kring....*

Nagbell na kaya nag-ayos na ako ng gamit ko at lumabas na ng room namin. Sumabay na ako kanila Haru at Zumi papuntang cafeteria dahil wala akong kasabay.

Omorder na sila at umupo sa harap ko. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room namin. Natapos ang maghapon pero wala namang nangyari masyado.

Umuwi na ako ng maaga sa bahay dahil papagalitan nanaman ako ni Auntie mamaya sa bahay.

Pagkarating ko sa bahay, nagayos lang ako ng konti tapos nagpahinga na rin. Pumasok na ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa bintana may dalawang pares ng mata akong nakita, isang kulay itim at isang kulay blond na may pula sa loob. Kinilabutan agad ako kaya mabilis kong hinawi ang kurtina at nahiga sa kama. Sa sobrang takot ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Someone's POV:

Malapit na aking reyna. Makukuha na din kita at tayong dalawa ang mamumuno sa buong Magicea. Kahit na ayaw mo ay akin ka. Tandaan mo mahal ko akin ka lang. Bwahahahaha.

Someone's POV:

Nakita din kita mahal na prinsesa. Ngayon mababalik na kita sa totoong mundo mo. Sana'y di ka pa umaanib sa Kadiliman. Matulungan mo sana kami sa nalalapit na gyera.

____________________________________
deathprincess_23





Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon