Sausumi's POV:
Nandito ako ngayon sa garden ng bahay namin naka-upo sa bench at nag-papahinga. Kakatapos ko lang maglinis ng bahay.
Siguro nag-tataka kayo kung nasaan sina Kellie noh? Pinalayas ko na dito sa bahay wala namang natutulong eh. Puro dada lang ang ginagawa. Tapos kung maka-utos pa ay akala mo kung sinong boss.
Pero...............joke lang yun no. Paano ko mapapa-alis yun kung bago pa man siya makalabas ng bahay ay napatay na ako sa machine gun na bunganga niya. Sayang ang lahi kong maganda, atsaka mawawalan ang mundo ng dyosa kawawa naman kayo.
Sige, balik na tayo sa story. Wala sila dito kasi si Kellie nag-shoshoping kasama ang kanyang mga so-called friends kahit ang totoo ay nagpaplastikan lang sila. Si Auntie naman nasa trabaho niya na ShinKei Company.
Actually bago pa man sila umalis ay nagpaalam na ako kay Auntie na kung matatapos kung maglinis ay makikipagkita ako kanila Haru kaya naman after 5 minutes of seating pa sa bench ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos.
After 30 minutes tapos na akong maligo at magbihis. Bumaba ako at ni-lock ang gate namin. Tapos sumakay na ako sa taxi at pumunta kanila Haru dahil doon kami magkikita- kita. Aisshh....napakamot nalang ako sa ulo ko ng makita ko kung anong oras na. Late nanaman ako!!!!
Haru's POV
Nandito na kami ngayon ni Zumi sa sala ng bahay namin hinihintay nalang namin si Sausumi na dumating. Kahit kailan talaga oh, late lagi yung babaeng yun. Ang sarap niya tuloy sabunutan pagdating niya.. Arghhh!!!
Oh! Before I forgot nagpakilala na ba ako? Hindi pa? Okay....magpapakilala na ako sa inyo mga minamahal kong readers.
Ehem! Hi! Ako nga pala si Harumi Mahadashi, 14 years old. Maganda, mabait, mayaman, maganda at higit sa lahat maganda. And since mahilig ako sa mystery....yan lang ang sasabihin ko sa inyo mwihihihi kayo na ang bahalang tumuklas ng iba ko pang characteristics. So.........bye!!!
Zumi's POV
Hoooo. Ang tagal naman ni Sausumi. Kalahating oras na kaming naghihintay ni Haru dito sa bahay nila. Hehehehe...mali pala mg 20 minutes palang pala sadyang maaga lang akong dumating kanila Haru.
By the way, my name is Kazumi Yanai. 14 years old na ako. Suplada, minsan mabait, maganda din ako and over all ako ang pinaka-dyosa sa aming tatlo.
"Hello girls!!!!" Sigaw ng maingay na babaeng kakapasok pa lamang sa loob nang bahay. Siya ay nag-ngangalang Sausumi Harateyo. Aissshhh....ang bruhang toh talaga!! Nakaka-inis na minsan ung pagiging late niya palagi!
Author's POV
Nagtungo na sa mall ang tatlong babae matapos silang mag-ayos ng kaunti. Since may kotse naman sila Haru ay yun nalang ang ginamit nila.
"San tayo pupunta?" Tanong ni Zumi sa kanyang mga kasama. "Bumili na muna tayo ng mga school supplies." Sagot naman ni Sausumi sa tanong ni Zumi. "Halika na, ang babagal niyo namang maglakad eh." Malokong sabi ni Haru habang tumatawa- tawa pa.
Matapos nilang magbayad sa counter ay dumeretsyo sila sa World of Games para maglibang kahit papano.
Naglalaro sila Sausumi ng BasketBall ng makita niya ang isang lalaking nakatingin sa kanila...o sa kanya? Nakasuot ito ng itim na hoodie kaya hindi niya makita ng maayos ang mukha nito. Napansin siguro nito na nakatingin siya dito dahil dali-dali itong tumalikod at naglakad palabas ng Arcade.
Sausumi's POV:
Ng makalabas ung creepy guy sa Arcade ay agad akong lumapit kay Zumi at ikinuwento sa kanya ung lalaki. Pero imbis na maniwala ay binatukan niya lang ako at sinabing bago gutom lang ako at nag-iimagine lang.
Magsasalita pa sana ako ng higitin niya na ako at si Haru papunta sa McLibbee. Ang paborito kong fastfood.
Humiga na ang tatlong magkakaibigan sa kanilang kanya-kanyang higaan at mahimbing na natulog.
____________________________________
deathprincess_23
![](https://img.wattpad.com/cover/70343868-288-k169545.jpg)
BINABASA MO ANG
Magical Academy
FantasiDati ko pa gustong magkaroon ng NORMAL na buhay. Yung tipong wala kang ibang pinoproblema kundi yung sandamak-mak na assignments at projects mo na kailangang tapusin at ipasa. Parang isang SIMPLENG babae at NORMAL na High School Girl ka lang na halo...