_________________________________________
the Dwelling
dwell·ing
/ˈdweliNG/noun • formal
•a house, apartment, or other place of residence.synonyms: residence, home, house,accommodations; More
Niel Panganiban
_________________________________________
2012
DALAWANG oras ng naghihintay si Adele sa departure area ng Manila Domestic Airport kasama ang dalawang anak niya. Tahimik lang si Adle habang kumakain ng cinammon roll at nakatingin sa malayo, habang ang kaniyang bunso ay naglalaro sa kaniyang iPad2. Makakapunta na ngayon ang mga anak niya sa kaniyang hometown. Halos dalawang dekada na rin buhat ng siya ay umalis ng Iloilo.
Matagal na panahon na din naman ang nakalipas, at sa tingin niya, handa na siyang harapin ang mga bagay na naiwan niya. Kung hindi rin lang naman niya iniisip ang huling kahilingan ng namayapa niyang asawa, ayaw din naman sana niyang bumalik. Mahal na mahal niya si Marlon, ang namayapa niyang asawa; at hindi alam ni Adele kung napantayan ba niya ang pagmamahal na iyon. Kahit hindi man, sa Iloilo lang niya makikita ang sagot sa mga tanong niya.Sana nga.
Alam niyang hindi magiging madali ang pagharap sa kaniyang kinakatakutan. Takot hindi sa taong nagpabago ng kaniyang buhay kundi sa mga pangayaring nangyari sa kaniya doon. "Move on Adele," napailing na lamang si Adele sa mga gumugulo sa utak niya.
"Ma? Is there something wrong?" Tanong ng panganay niyang anak . Umiiling na lang siya kay Paolo. "Anyway, I just called the claims office of our plane from America. It's been a week - for heaven's grace --- I'm glad they have my luggage."
Nag-ring ang telepono ni Paolo at sinagot. Kinuha na lang ni Adele ang kaniyang bag at kape at nilapitan sa upuan ang kaniyang bunso. "Hey --- are you excited?"
"A bit --- I wanna be with my cousins again," sabi nito habang tuloy-tuloy sa paglalaro.
"Good to hear that, anyway I sent an email to your school. I asked 'em if they could send me your transcripts so you can continue your studies here."
"Mom --- I'm on my legal age now, I'm nineteen. I can decide on my own now," naiiritang sagot ng anak. Dapat kasi hihiwalay na sana siya sa kaniyang mga magulang noong nag-eighteen siya.
"So you wanna go back to Misouri? Or do you have any other plans rather than finishing school?"
"No, I did not say I wanna go back to Misouri or wherever in the states. It's a good idea anyway to be far from there---," pabuntong hininga niyang sinabi at nilagay ang iPad sa ibabaw ng bag niya, "--- What I meant is, I wanna have a new life of my own here. Put up a small business like kuya if you'd lend me a few bucks to start with. Maybe I can join some reality shows they have here in the Philippines."
Natawa na lang si Adele sa tinuran ng kaniyang bunso, may plano din pala itong maging artista. Kung sabagay hindi naman impossible dahil karamihan sa mga balikbayan na mga kabataan ay malaki ang tsansang makapasok sa pag aartista. Sang-ayon din naman siyang hindi tumututol ang bunso nito na umuwi at tumigil na dito sa Pilipinas, katakataka lang kung bakit bigla itong pumayag na sumama. Vocal kasi ang bunso niya na ayaw niya dito sa Pilipinas, pero ngayon iba na ang takbo ng isip nito, business-minded din pala itong bunso niya.
BINABASA MO ANG
The Dwelling
RomanceMike was born in the states, pero lumipat na sila dito sa Pilipinas when his father died. It is okay for him to live here for good, but will he be able to run away to what he had left back from America? Adele is not sure going back to the Philippine...