Chapter 5: 2012

10 0 0
                                    

ADELE

ALMOST three o'clock na sa hapon, baka pauwi na ang bunso ni Adele kaya nag shower na ito at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos niyang mag-ayos ay lumabas na ito at pumunta sa garden. Wala naman siyang makitang gawib kaya nagpatulong na lang siya na magpasok ng mga potted plants sa bahay. Bawat bakanteng sulok ay pinalagyan niya ng mga potted plants. Ipinalbas din niya ang mga vase para malagyan ng mga bulaklak.

Maya-maya naman ay dumating na din ang bunso nito kasama si Patrick at Marky. Tig-isa silang may dalang plastic bag, pero nagtaka si Adele kung bakit may dalang tatlong balloon at isang box ng cake ang mga ito.

"Sinong may birthday?" Salubong na tanong ni Adele.

"Hi Mom," bati ni Michael sa ina at humalik. "It is Junjun's birthday today. Patrick told me."

"Kanina ko nga lang po na alala ng dumaan kami ng coffee shop," banggit ni Patrick.

"So kanina pa pala kayo gumagala?" Dudang tanong ni Adele. "Are you ditching classes?"

"Mom, I won't do that. You know that." Depensa ni Michael. "Our prof didn't make it so we don't have class this afternoon."

"Fine," Adele gave up. "Go on inside and do what you want to do."

Ngumiti lang ang anak nito at pumasok na silang tatlo sa loob.  Si Adele naman ay bumalik na sa labas at tinungo si Martha na wawalis ng mga lupang naiwan sa bakas ng mga potted plants na kinuha nila.

"Birthday pala ng anak mo ngayon?" Tanong ni Adele.

"Ay opo, birthday nga ni Junjun ngayon." Sagot ni Martha. "Pano niyo naman po nalaman?"

"Ayon si Mike, Patrick at Marky eh nagdala ng cake at balloon para sa anak mo." Sagot naman ni Adele habang namimitas ng mga bulaklak na ilalagay sa di pa nalagyan na vase. Mga daisy at ferns ang pinipitas niya.

"Ah, si Patrick pala," sabi ni Martha. Kinuha nito ang mga bulaklak na napitas ni Daisy at nilagay sa vase. "Para na kasong magkapatid ang dalawang iyan."

"Si Patrick at Junjun?"

"Ay opo, pag sa galaan parati yang magkasama lalo pag bakasyon."

"Baka naman napapabayaan na niyan pag-aaral niua," paalala ni Adele habang inaayos ang mga bulaklak sa vase na hawak ni Martha. "Diba magkaklase lang sila no Pamela?"

"Dati po, ngayon hindi na." Nahalata ni Adele na parang nalungkot si Martha. "Naipasok kasi ni Kuya Art si Pamela sa Special Science na section kung saan mas mataas yung matrikula. Kaya si Junjun naiwan sa normal class pero nasa star section pa din naman."

"Sayang naman."

"Kung hindi lang sana namatay ang asawa ko, siguro naipasok ko din doon si Junjun."

"Ano ba 'yan, panay balo ata nakatira dito sa bahay," patawa nitong nasabi. "Di bale at ako bahala sa anak mo oag natuntong sa kolehiyo. Ano daw ba gusto niyang kurso?"

"Gusto po niyan mag seaman eh."

"Baka sa huli niyan eh, mas malaki pa bahay niyo sa akin?" Panunukso ni Adele. "Pero mabuti nga yan eh."

"Pangarap di nga po niya magkaroon ng ganitong bahay eh." Sabi ni Martha at napabuntong hininga habang kinukuha ang isa pang vase na wala pang laman. "Gusto niyang makapagpatayo ng sarili naming bahay. Wala na kasi yung dati naming bahay eh.

"Basta't pagbubutihin niya lang ang oag-aaral niya ---- di malayong matupad kahat ng mga pangarap niyo"

"Siya nga po pala ate," sabi ni Martha habang may kinukuha sa bulsa. "May naghahanap po sa inyo kanina at pinabibigay itong calling card."

The DwellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon