Kabanata 1

74.3K 1.4K 127
                                    

Kabanata 1


Ingridles Valley


Tahimik kong pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan na tumatama sa salamin na kisame dito sa kwarto ko habang nagdadalawang-isip ako na bumangon na at maligo dahil ngayong araw na namin kailangang pumunta sa Ingridles Valley.


Biglaan naman akong napahikab bago ako tumagilid ng pagkakahiga para mayakap ko ang isa sa aking mga unan. Bahagya pa kasi talaga akong inaantok sa mga oras na 'to dahil napakaaga kaming ginising ni Tita Kamila para makapagpaalam sila sa amin sapagkat magtutungo na silang dalawa ni Tito Vincente sa mundo ng mga normal na tao tulad ng sinabi niya tatlong araw na ang nakakaraan. Ang eksaktong araw kung kailan naming pinag-usapan ang tungkol sa paulit-ulit kong bangungot na laking pasasalamat ko na hindi ko na nararanasan pa.


Nanatili lang naman ako sa ganoong pwesto, tahimik at tulala kaya't kalaunan ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata na hinayaan ko na lamang dahil baka hindi naman na kami matuloy sa pag-alis dulot ng sama ng panahon kaya tuluyan na lang akong natulog muli at nang magising ako ay bumungad sa akin si Vince na nakaupo na sa dulo ng kama ko.


Ang magulo niyang itim na buhok tuwing kagigising ay tila naglaho ng parang bula dahil nakaayos na ito ngayon kaya't mas nabibigyang pansin ang perperktong hugis ng kaniyang mukha, ilong, mapupulang labi at ang kulay abo niyang mga mata na kahalintulad ng kay Tita Kamila.


"How's your sleep?" he asked softly.


"It's good. Anong oras na?" sagot ko naman bago ako bumangon at naupo na muna.


Napansin ko ring tumila na ang ulan at bahagyang maaliwalas na ang panahon sa labas.


"It's already one in the afternoon," he replied.


Uh-oh, napahaba naman yata masyado ang tulog ko ngayon.


"Kaya kumilos ka na dahil yung isa nating kasama, kanina pa umuusok yung ilong dahil ang tagal mo raw magising," dagdag pa niya na bahagya ko lang ikinatawa.


It's expected. Kyle is the type of person who doesn't want to wait for too long. Masyadong maikli ang pasensya niya.


"Akala ko kasi hindi na tayo matutuloy dahil sa sobrang lakas ng ulan kanina kaya natulog na lang ako ulit," I said.


"I thought so too pero bandang alas diyes, tumila na ang ulan kaya binulabog na ako sa kwarto ni Kyle. He also cooked breakfast and lunch for us kaso nung pinuntahan ka niya dito sa kwarto mo, tulog na tulog ka raw," kwento ni Vince.


"Edi sana ginising niya ako?" sagot ko naman dahil kung ginawa niya 'yon edi sana kanina pa kami nakaalis.


Nagkibit-balikat lang naman si Vince bago siya tumayo.


"We will wait for you downstairs," paalam niya na ikinatango ko na lang at nang makalabas na nga siya nang kwarto ko ay nagsimula na kaagad akong kumilos.

The Magical Academy - Strongest WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon