Who will win?
Who will lose?
Maybe...
------Ako si Sheena. Matalik na kaibigan nina Felix, Henry at Yves. Ang sabi nila One of the Boys daw ako. Hindi ko rin naman ikinakahiya 'yon. Sa totoo nga niyan, napakasaya 'ko na naging parte ako ng barkada nila.
Kahit tuksuhin o laitin ako ng ibang tao ay hindi na ako naaapektuhan. Hindi ko nalang sila pinapansin. Para saan pa? Eh wala rin namang saysay 'yung mga sinasabi nila dahil hindi naman totoo. Kahit pa sabihing wala akong boyfriend at kabilang ako sa barkada ng mga lalaki ay alam ko sa sarili kong hindi ako tomboy. Wala sa puso ko ang maging lalaki.
Hindi ko nga alam eh. Basta't ang alam ko lang, gusto ko ng laging may kasamang lalaki. Unica Hija kasi ako. Parang nafu-fulfill 'yung pagkatao ko kapag may kasama akong older man o younger na lalaki. Parang feeling ko ay lagi akong ligtas dahil kaya nila akong protektahan. Nangungulila ako sa pagmamahal ng isang kapatid. Hindi lang basta kapatid, kapatid na lalaki. Mapa-kuya man o bunso.
Pare-parehas na kasama ang tatlo kong kaibigan sa basketball team ng aming paaralan. Habang ako ay taga-cheer lang sa kanila. Napakalapit talaga namin sa isa't isa. Grade school palang kasi ay magkakakilala na kami. Naging mas malapit lang kami sa isa't isa ng magsimula ang hayskul.
Sa ngayon, nasa grade 10 na kami at dahil hindi afford ng aming paaralan na magdagdag ng dalawa pang taon which is ang grade 11 and 12 ay mapipilitan kaming maghanap ng panibagong papasukan na unibersidad. Ito na ang huling taon namin sa paaralan kung kaya't sana ay maging mabuti ang tadhana sa'min.
Napakarami naming hilig na magkakaibigan. Mahilig kaming maglaro ng kung anu-ano at mamasyal sa kung saan saang lugar.
Sa aming bahay naman, si tatay lang ang nagtatrabaho para sa lahat ng gastusin. Magmula sa aking pag-aaral, aming pagkain, kagamitan at iba't iba pang mga pangangailangan. Habang si nanay naman ay nanatili lamang sa bahay upang magluto ng aming pagkain sa araw-araw, maglaba, maghugas ng mga kubyertos at kung anu-ano pa. Saktong sakto lang ang gastusin namin para sa araw-araw. Hindi rin naman ganun kabigat ang gastusin sa paaralan dahil sa public school lang naman ako nag-aaral. Magiging napakabigat lang ng gastusin 'pag nagsabay sabay 'to. Dahil sa mga gastusin na kung minsa'y hindi nababayaran kaagad ay sumusubok akong maghanap ng pagkakakitaan.
Ginamit ko ang kakayahan ko sa pagkanta upang kumita ng pera. Kasa-kasama ko si Yves na mahilig ding kumanta sa aking mga raket. Kung minsa'y sasali kami sa mga contest o di naman kaya'y kakanta sa mga gig. Hindi narin ako nahirapan pa dahil marunong din namang mag-gitara si Yves at dahil narin kami lang sa barkada ang mahilig kumanta ay sa kanya ako mas malapit. Napakabait na kaibigan ni Yves. Kahit na siya ang pinaka-playboy sa kanilang tatlo ay siya rin naman ang pinakamaalaga. Parang kuya na nga ang turing ko sa kanya hanggang sa....
"Congrats! Congrats!" salubong sa'min nina Felix at Henry.
"Sabi ko na nga ba eh, kayo talaga mananalo!" sabi ni Felix
"Oo nga! Halata namang mas magaling kayong dalawa kaysa dun sa mga kalaban!" dagdag pa ni Henry na 'tila nagmamalaki.
"Shhh...ang lakas ng boses mo!" pabulong kong sagot.
Naghalakhakan ang dalawa. "Humble! Hahaha" kantyaw pa nila.
Tumalikod ako sa kanila upang maharap si Yves na kasalukuyang nasa likod ko at nanonood lang sa usapan. "Ves! Lika na! Kain tayo!" yaya ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin. "Sige, san mo ba gusto?" tanong niya.
"Ayyiiee! Yna for the win! Go!" sigaw nina Felix at Henry.
"Hoy! Sinong Yna 'yan? Pakilala niyo naman ako hahaha..." sali ni Yves sa usapan.
"Uy! Kayo! Tigilan niyo nga 'yan!" sabat ko habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Pusta (ONE SHOT)
AléatoireIsang pustahan na nauwi sa pagmamahalan. Pustahang walang talo...walang panalo dahil tabla lang ang laban. Mahal mo siya, mahal ka niya. ☆JanSan 13