Chapter 2~With My BFFs

76 8 6
                                    

Dyianne's POV


Natapos na ang dalawang subject ko pero lutang pa rin ako sa mga nangyari sa akin kanina. Maaaring sa iba hindi yun 'Big Deal' pero sa'kin 'Big Deal' yun kasi ayaw ko na pinapagalitan ako sa harap ng maraming tao at ayaw ko na napupunta sa akin ang atensyon habang pinapagalitan ako.


Sa kakaisip ko sa mga nangyari kanina naalala ko tuloy ang mga nangyari sa'kin nung 3rd year high school ako. Nung 3rd year kasi ako na late rin ako at dahil lang dun nagbago ang lahat hanggang sa naging 4th year high school ako ng dahil lang sa isang 'Dare'. At yun ang hindi ko na gustong mangyari o maulit pa.  


Habang iniisip ko ang mga nangyari, hindi ko namalayan na lunch time na kaya mamayang 2PM na ulit kami babalik dito. Napagisip'isip ko na libutin muna ang buong School/Campus. Nalibot ko naman 'tong school noong April pa kasi yun kaya nalimutan ko na ang ibang daan.


Pagkalabas ko ng Classroom, kinuha ko muna ang phone ko at pagtingin ko nakita ko agad ang 7 unread messages from Malex. Natawa ako sa mga text niya kaya tinawagan ko nalang ang babaeng iyon.


"Hello." Bati ko. 


"Uyy ! Ikaw babae ka, asan ka na ba ? Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito sa Cafeteria." Bungad niya agad sa akin. 


"Ay ! Pasensya na ha ? Lutang lang 'tong BFF mo. BTW, libutin muna natin ang buong School/Campus ?" Tanong ko.


"Oh sha ! Asan ka ngayon ?" Tanong rin niya.


"Nasa labas pa lang ng room, cge puntahan na kita diyan." Sabi ko.


"Cge, bilisan mo magugulat ka sa makikita mong kasama ko." Sabi niya na ikinagulat ko kaya binaba ko na yung phone at nagmamadaling pumunta sa Cafeteria.


Andito na ako ngayon sa Cafeteria ng may mabangga ako dahil sa pagmamadali ko kaya nahulog yung dala niyang inumin, kaya nag 'Sorry' agad ako sa kanya kasi natapunan ko sha ng kunti. Ng nagkatinginan kami nagulat ako sa nakita ko sha lang naman ang isa sa mga BFFs ko nung Elementary c Kayla Denice Del Gado, the second BRATINELLA of the Group kasi nga c Malex ang first diba ?


"Ricah ?" Sabi niya.


"Kayla ?" Sabi ko rin.


Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin sabay sabing "Uyy ! BFF na miss kita, kayong apat." Bumitaw sha sa pagkakayakap sa akin at nagtanong ng "Asan c Malex diba hindi kayo mapaghiwalay nun, kaya sure ako na dito rin siya nag'aaral ?" Hindi naman sha excited sa mga pinagtatanong niya sa akin noh ?


"Kayla, na miss rin kita, c Malex nga ang pinunta ko dito may kasama daw kasi sha at magugulat daw ako kung sino 'sila'. Btw, dito ka rin ba nag'aaral ?" Natutuwang tanong ko.


"Actually hindi sana kaso pinilit ko sina Mommy para may kakilala na agad ako dito, at kayo ni Malex yun kasi nakita ko sa FB na nag post c Malex na dito kayo mag'aaral so ayun pinilit ko at pinayagan naman. Ako pa ba ?" Sabi niya ng naka'ngisi


"Ay ! Ganun ba ? Masaya 'to, sabay nalang tayong pumunta kina Malex at kung sino man ang kasama niya." Aya ko sakanya kaya ito kami ngayon hinahanap siya/sila.


Malex's POV 


Kanina ko pa tine'text c Ricah pero hanggang ngayon wala pa rin siyang reply o ano. Nandito ako ngayon sa Cafeteria kasama ko ngayon ang dalawa sa mga BFFs namin ni Ricah sina Irish Cristin Jimenez the 'Mainipin' at Gisel Maxinee Roxas the 'Madaldal'. Nagulat nga ako ng makita ko silang dalawa dito kanina, hindi ako makapaniwala na dito rin pala sila nag'aaral at magkakasama kami ulit. Pero kulang pa rin kami kasi wala c Kayla eih. May tumawag sa akin kaya agad ko itong sinagot.


"Hello." Bati niya. Sa boses pa lang alam ko na kung sino kaya sinigawan ko na shempre 'with class'.


 "Uyy ! Ikaw babae ka, asan ka na ba ? Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito sa Cafeteria." Bungad ko agad.


"Ay ! Pasensya na ha ? Lutang lang 'tong BFF mo. BTW, libutin muna natin ang buong School/Campus ?" Tanong niya, wala akong magagawa kundi payagan nalang.


"Oh sha ! Asan ka ngayon ?" Tanong ko ulit.


"Nasa labas pa lang ng room, cge puntahan na kita diyan." Sabi niya.


"Cge, bilisan mo magugulat ka sa makikita mong kasama ko." Tugon ko at binabaan na ako ng phone. Hindi sha excited noh ?


"Asan na daw sha ?" Bungad sa akin ni Gisel, ang 'madaldal' sa aming lima.


"Oo nga kanina pa tayo dito." Pag'pangalawa ni Irish, 'the mainipin of the group'.


"Sandali lang girls ha ? Papunta na yun." Sabi ko. "Oh! Ayan na pala sha." Lumapit na sa amin c Ricah at may kasama sha at kung hindi ako nagkakamali c Kayla yung ka'partner ko sa ugali.


"Waaaaaaahhhhh !!!, Irish ! Gisel ! I missed the both of you." Bungad agad ni Ricah sakanila sabay yakap dito, ako naman hindi makapaniwala na kumpleto na ulit kami. Waaaaahhh ! Naiiyak ako.


"Complete attendance na ulit tayo." Sabi ni Gisel na paiyak'iyak effect.


Mahaba'haba rin ang napag'usapan namin sa loob ng Cafeteria hanggag sa napagkasunduan namin na lubutin na ang buong Campus.


Sa paglilibot namin nakarating na kami sa Gym at may napansin kaming nagkakagulo dun sa mag gilid at dahil sa may pagka'chismosa ang grupo namin kaya walang duda pumunta kaming lima dun parang may Ramble eih.


"Oh ! Ano ka ngayon ? Lalaban ka pa eih, wala namang binatbat." Sabi nung lalaking malapit sa nakahandusay na lalaki. Yung lalaking nagsalita kanina, parang familiar sa akin.


"Sa susunod kasi 'wag kang lumaban kung hindi mo naman kaya !" Sigaw nung isang lalaki na familiar ang boses.


Bigla nalang akong hinigit ni Ricah paalis dun kaya sumunod na rin sa amin ang tatlo. Ano kaya ang nangyayari ?


~


A/N: Please Comment guys and Vote na rin, Kamsa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One of the Bad Boys (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon