Wansapanatym sa Probinsya (1)

49 1 0
                                    

Sa wakas! Tapos na ang paghihirap ko! Wala ng assignments, exams, quizzes, and such! BAKASYON NANAMAN!

Ang next destination naman namin ay sa Singapore. Hinu-huli talaga nila Mom and Dad ang mga Asian Countries.

By the way my name is Eric. Only son lang ako, so nakukuha lahat ng gusto ko, well hindi naman lahat. incoming fourth year high school na ko this coming school year.

Actually tuwing vacation, second week pa lang ng April planado na kung saan kami pupunta. Sa totoo lang halos nalibot na namin ang buong Pilipinas. Ang adventurous kasi nila Mom eh, kaya yun, pero sa totoo lang maganda maglibot, lalo na sa Pilipinas, madaming magagandang lugar dito. Kaya nga nagtataka ako kung bakit yung iba nag a-out of the country sila pag vacation.

Sa totoo lang kaka-start lang ng vacation namin. So habang hindi pa nila sinasabi kung kailan ang alis namin, dito muna ko sa kuwarto ko.

*ting*[sorry sa sound effects xD]

May nag message sakin.

From: Alex

Bro tara basketball tayo. Dito na ko sa court.

To: Eric

Hindi nagsasawa 'tong lalaki na 'to kaka basketball sarap ibato eh, imbis na magpahinga tsk.

From: Eric

Sige. Magre-ready lang ako.

To: Alex

Si Alex siya na yung naging kaibigan ko simula nung first year high kami, pareho pa kami nun na transferee.

**********

kasalukuyang nandito na ko sa court at naabutan kong naglalaro na si Alex.

"Bro! Andyan ka na pala!" Sabay hagis sakin ng bola na nasalo ko naman.

"Yow." Tugon ko.

Naglalaro kami ng basketball kaso halfcourt lang.

Ilang oras pa ay nagsawa na kami sa paglalaro at naglakad pa uwi.

"Bro, anong gagawin mo this vacation?" Pagtatanong ni Alex.

"Pupunta kaming Singapore." Tugon ko.

"Nice. kahit kelan talaga walang bakasyon na hindi pinapalampas nga magulang mo."

"Pfft. Yeah. Malay ko ba dun haha."

At nagkuwentuhan pa kami ng kung anu-ano.

"Bro dito na ko." Malayo pa kasi bahay ko. Dun pansa ikalawang kanto kaya maunang madadaan yung baha nila Alex.

"Geh Bro." Tugon ko.

At nag lakd na ko papunta samin.

*****************

After two weeks.....

*yawn*

Kagigising ko lang, at 9 am na pala...

Naligo na ako at bumaba na para makapag breakfast. Naabutan ko si Mom na kumakain dun. Siya lang mag-isa malamang nasa trabaho na si Dad.

"Good morning, Mom."

"Good morning Eric." Sabay kiss ko sa forehead ni Mom.

"Eat your breakfast na." Tumango naman ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng biglang nagsalita si Mom.

"Nak, your Dad and I have decided na hindi tayo matutuloy sa Singapore."

"Po?"

"Instead, pupunta tayo sa Cebu! Dun tayo magba-bakasyon." Sabi ni Mom.

"Eh?"

"Yup. Nami-miss na kasi tayong Lolo Kiko mo, so we've decided na dun tayo this vacation. Wag ka sanang mainis." Page-explain ni Mom.

"No. It's fine mom. Okay lang, atleast makakasama natin si Lolo Kiko." Tugon ko naman.

"Thanks Eric." Naka ngiting sagot ni Mom.

"No problem Mom." Sabay hawak sa kamay niya.

"By the way, kelan po ang alis natin?" tanong ko kay Mom.

"Oh, I forgot, buti pinaalala mo, mamayang gabi ang alis natin, so ready everything today. Okay?"

"Okay Mom."

"Sige na aayusin ko na gamit ko. Ubusin mo yang pagkain mo ah."

"Yeah." Tanging nasagot ko lang.

At pagkatapos kong kumain ay nag impake na ko. Mukhang magtatagal kami dun kaya dinamihan ko na yung dala kong damit.

***

"Eric, ready ka na?" Tanong ni Mom.

"Yup. As always."

Pinagdrive kami nung driver namin papuntang Airport.

After ng ilang oras ay nandito na kami sa airport.

Sabi ni Mom, magkikita raw kami nila Dad dito.

"Mom, si Dad yun oh." Sabay turo sa direksyon kung saan si Dad.

Nang makapunta na kami kay Dad ay pumila na kami.

**********************

"Welcome home!" Yan yung bumungad samin ng makarating kami dito sa Cebu.

"Lolo Kiko!" Sabay yakap ko sa kanya. Siya lang ang nakatira dito tsaka yung taga pangalaga ng Malaking bahay na 'to.

"Ang laki laki mo na Eric! Kamukha mo ang Daddy mo." At nagtawanan kami.

"Lito paki akyat na yung nga gamit nila." Utos ni Lolo Kiko. Si Manong Lito naman yung taga pangalaga ng bahay.

"Tara dun tayo sa hapag-kainan, may mga pinaluto ako. Masarap lahat yan, kaya damihan niyo ang kain." Nakangiting sabi ni Lolo Kiko.

Habang kumakain kami ay panay naman ang kuwentuhan namin hanggang sa matapos kami kumain.

"Eric yung kuwarto dun sa Ikatlong palapag." Sabi ni Lolo Kiko.

"Sige po. Dun lang po muna ako sa labas." Pagpapa-alam ko at saka lumabas ng bahay.

5 am na. Napatingin naman ako sa paligid ko. Puro puno ang nakikita ko at kitang - kita rin ang langit. Malapit ng sumikat ang araw.

Maganda naman pala dito sa lugar nila Lolo. Tahimik. Makakapag-isip ka ng maayos. Mapayapa. Malamig sa pakiramdam yung hangin. Ang saya siguro dito.

Ng makaramdam na ko ng antok ay pumasok na ko sa loob ng bahay at pumunta sa kuwarto para magpahinga.

********************

Wansapanatym Sa ProbinsyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon