Pag gising ko ay dumeretso na ko bumaba sa sala. Naabutan ko si Mang Lito na naglilinis.
"Good Morning po Mang Lito." Bati ko.
"Maganda umaga rin Sir." Bati niya rin.
"Ah, wag niyo na po akong tawaging Sir hehe, Eric na lang po."
"Ah ganun ba, sige. Mana ka talaga sa lolo mo, mabait." Sabi ni Mang Lito. Nginitian ko naman si Mang Lito.
"Ah, Eric, yung almusal na sa likod ng bahay. Nandun mga magulang mo at si lolo mo. Punta ka na." Sabi ni Mang Lito.
"Okay, sige po mauna na ko." Paalam ko at saka dumeretso na sa likod ng bahay.
Ang laki ng bahay na ito. Pag sa likod naman may makikita kang anihan ng palay. Mukhang kay lolo itong anihan na 'to.
"Gising ka na pala halika dito at kumain ka na ng almusal." Sabi ni Dad.
Nandun sila sa may bandang gilid, may mahabang table sa ilalim ng dalawang puno ng mangga. Nakatali dun yun trapal. Para siguro hindi malaglagan ng mangga yung kakain dito. Tsaka hindi sapat ang anino ng puno ng mangga para maka - iwas sa init ng araw.
"Good morning." Bati ko kela Mom at Dad.
"Good morning din." sagot naman nila Mom at Dad.
"Kain ka na dito." sabi ni Mom.
Umupo na ko sa isa sa mga upuan dun. Dito siguro nagta-tanghalian yung mga magsasaka ni lolo dun sa palayan niya. Daming mga upuan dito eh.
"Kamusta ang tulog mo apo?" Narinig kong sabi ni lolo.
"Lolo Kiko. Ayos lang po tulog ko lolo. Saan ka po nanggaling lolo?" Sagot ko naman.
"Ah, galing ako dyan sa bukid. Sige na kumain ka na dyan." Sabi ni lolo.
Nag-uusap lang sila dito. Hinayaan ko na lang at saka tinapos ang pagkain ko para makabalik na sa loob ng bahay.
**********
It' s been two weeks ng dumating kami dito sa Cebu. At wala akong ibang ginawa kung hindi tumambay sa likod ng bahay, matulog sa duyan, kumain ng manggang hilaw, maglakad-lakad ng hindi lalayo sa bahay namin at kung anu-ano pa.
Yun lang ang ginagawa ko. Wala ng iba. Medyo nabo-bored na ko dito eh. Wala manlang bago.
Pumunta ako sa likod ng bahay. Nandun si lolo Kiko nag papahinga sa duyan. Si Mang Lito naman ay nandun sa isang pang puno ng mangga. Marami ditong puno. Di ko kilala karamihan sa kanila.
Maglalakad sana ako papunta sa kanila ng napansin ko yung bike na nakasandal sa puno. Mukhang maayos pa siya. Nilapitan ko yung bike at tiningnan kung maayos pa.
'Mukhang maayos pa 'to. Puwede pang magamit.' Nasabi ko sa sarili ko habang tinitingnan yug bike.
"Gusto mo bang gamitin yan?" Nagulat naman ako sa kung sino ang nagsalita. Si Mang Lito lang pala.
"Ah, hehehe kung puwede sana. Kanino po ba 'to?" Tanong ko.
"Akin yan. Sige na gamitin mo na. Para naman malibot mo 'tong lugar ng hindi naglalakad." Sabi ni Mang Lito.
"Sige po salamat Mang Lito." Sabi ko
"Sige lang. Ingat sa daan. Siya nga pala, kung gusto mo yung maluwag ang daan dere-deretso ka lang dya sa kaliwang daan. Wala masyadong tao." Sabi ni Mang Lito.
Hindi na ko nag tagal dun at nilabas ko na yung bike sa daan at saka nagbike papunta dun sa lugar na sinasabi ni Mang Lito.
Nang makalayo-layo na ko sa bahay ay napansin ko nga na medyo maluwag ang daan dito. At saka ying bahay dito medyo hiwa-hiwalay, di tulad sa lugar nila lolo.
BINABASA MO ANG
Wansapanatym Sa Probinsya
Short StoryBakasyon. Yan yung iniintay ng mga estudyante pagtapos ng buong school year. Yung iba naga-out of town, yung iba pumupunta sa nga province nila... Yung iba naman, boring, gumagamit lang ng gadgets, nasa bahay lang. Pero iba ang naging karanasan ko...