Next day
St.Claire Academy
Loyd's Pov
Nandito ako ngayon sa tambayan kasama ko ang mga barkada ko si john ayun kasama yung girlfriend nya si carl naman may dalawang kasama na babae sa aming apat si carl ang pinaka cassanova si jake sinusuyo yung nililigawan nya nag away kasi sila nakatingin lang ako sakanila at pinapanood
"Mag girlfriend kana kasi prince si claire perez maganda sya cute nerd nga lang" sabi ni carl
"Hindi ko sya type"
"Naku bro baka naman..." Nagtinginan silang tatlo
"MAHAL MO PERO HINDI MO MALIGAWAN" sabay sabay nilang sabi
"Tsssss asa sya gwapo ako nerd sya " sabay smirk ko sakanila
"Tingnan mo oh bro ikaw lang ang walang girlfriend " pang aasar naman ni jake
"Sige nga kung wala kang nararamdaman sakanya ipakilala mo si Claire samin bilang girlfriend mo" pang hahamon ni john
"Ano ako tanga ? Bat ko sya ipapakilala na girlfriend ko eh hindi ko nga sya gusto" nagtinginan silang tatlo at naka ngisi sila halatang nang aasar
"Fine! Ano naman makukuha ko pag nagawa ko ?"
Bigla silang nagsingitian napailing nalang ako
"Sayo na ang sports car ko!"
Seryoso at nanghahamon na si john alam nyang collection ko ay mga sports car kaya nagliwanag agad ang mga mata ko
"Madali lang yan "
Nakangisi kong sabi sakanila at nag evil smile ako
"Pero siguraduhin mo na girlfriend mo sya at pumayag sya "
"Sure"
Umalis nako at hinanap si Nerd
-
Claire's PovNasa Caf ako ngayon ng bigla nalang dumating sila Aisha at tiffany nakilala ko sila dahil nakita ko sa I.D nila
"Hey b*tch!"
Tawag nya sakin hindi ko sya pinansin at tumayo nalang ako para pumunta sa ilalim ng puno nalang kumain pero hinawakan nya ko sa braso ko
"Pag kinakausap kita wag kang bastos!"
Gusto ko na talaga syang patulan pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka masira ang record ko sa school ng daddy ko"Wala akong oras! "
Nakita ko sa mukha nyang nainis sya at binitawan nya ko pero hindi pako nakakalabas ng cafeteria ng bigla nya kong binuhusan ng malamig na juice sa ulo at tinapunan ni tiffany ng spag sa damit"Oh! Sorry akala ko kasi basurahan ka HAHAHAHA!"
Naiyak nalang ako bigla dahil sa narinig kong tawanan ng mga tao sa loob umiyak ako ng umiyak dahil napaka hina ko pala hindi ako pweding lumaban"Yung nerd umiiyak kawawa ka naman b*tch yan dapat lang sayo yan nilalandi mo kasi ang boyfriend ko"
"AISHA!!!" narinig kong sigaw ng familiar na boses
Si Loyd
"Anong sinabi ko sayo tigilan mo na si CLAIRE !!!!"
Nakakatakot sya nakakatakot si loyd kaya nanlaki ang mata ni aisha nagbubulungan ang mga tao sa loob"TIGILAN MO ANG GIRLFRIEND KO AT KAYO ! WAG NA WAG NYONG PAGTATAWANAN SI CLAIRE PEREZ WAG NA WAG NYONG SASAKTAN ANG GIRLFRIEND KO DAHIL AKO ANG MAKAKALABAN NYO!! AT IPAPATANGGAL KO KAYO SA SCHOOL NA TO!!"