Claire's Pov
Nandito kami ngayon ni Aira sa Mall dahil Saturday naman at walang pasok nakaka boring na din sa bahay matagal na din naman kaming hindi nakakapag bonding ni Aira kaya babawi kami sa isat isa
"Freen bili tayong damit halika" aya nya sakin
"Ayoko nga tapos ipipili mo sakin yung mga pang sexy" bumuntong hininga sya
"Manang ka talaga okey kung hindi tayo bibili ng damit aano tayo dito ?" Umirap pa sya habang sinasabi yan
"Edi kakain mag iikot ikot " sabi ko sakanya hindi ko na sya pinagsalita hinila ko na sya sa food court
"Matakaw ka talaga mamili muna kasi tayo" sabi pa nya nakaisip naman ako ng paraan para hindi na sya magreklamo
"Libre kita" napangiti sya
"Sabi ko naman kanina pa kain muna tayo eh" habang paupo sya sabi ko na eh alam ko na ang kahinaan nya basta talaga libre
"Kahit anong gusto mo sige ako magbabayad" umorder na sya at pag dating ng order namin
Nagulat ako "freeen anu kaba isang taon kabang hindi kumain" ang dami kasi nyang inorder parang isang taon hindi kumain
"Oo isang taon hindi kumain ng libre ni SHANE CLAIRE LEE " natawa naman ako sa sinabi nya pero tinawag nya ko sa totoong pangalan ko
"Sssssh wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo na nag aaral sa st.claire baka malaman pa na ako yung anak ng may ari ng school kilala nila ako sa pangalang claire perez okey kaya wag kang maingay jan " nag peace sign pa sya pacute paPag kayari namin kumain si aira nakahawak lang sa tiyan nya naubos ba naman nya yung lahat ng pagkain ang dami dami kaya nun ako nga konti lang nakain ko eh nagpahinga lang kami sandali at nag ikot ikot na pero biglang akong nabunggo sa malaking tao kaya nalaglag lahat ng dala nya
"Bulag kaba!" Sigaw nya tiningnan ko sya dahil parang si
"WHAAAAAT!!?" Sigaw ko tama ako sya nga
"Anong ginagawa mo dito" tanong nya
"Bakit ano bang ginagawa sa mall?" Pambabara ko sakanya umirap lang sya akala mo talaga babae sya
"I mean Bakit ka nandito" tanong nya ulit
"Anung paki mo" inis na sabi ko sakanya
"Wala akong paki sayo ayaw lang kitang nakikita dito" nilapitan ko sya
"Edi wag kang pumunta dito para hindi mo ko makita" sabi ko
"Ikaw ang wag pumunta dito sa ibang mall ka nalang mag punta"
"Bakit sayo ba tong mall na to para palipatin ako " nakangiting sabi ko pa sakanya
"Tsss may salamin kana kasi nabubunggo kapa " sabi pa nya
"Tara na nga fren umalis na tayo dito may virus na kasi eh baka mahawa pa tayo" hinila ko na si aira
"Mabuti pa nga" sumunod na si aira
"Hoy hindi mo ba pupulutin tong mga nalaglag mo!!" Sigaw nya humarap ako sakanya
"Bakit ko pupulutin katulong mo ba ako? Kasalanan mo din naman yan" kumaway ako sakanya "babye" pang aasar ko
"Bwisit!" Narinig ko pang sabi nya pero umalis na kami
"Buti nga sakanya" sabi pa ni aira
-
Loyd's PovBwisit na babaeng yun panira ng araw tatanga tanga kasi nagpulot pa tuloy ako ng mga pinamili ko si mom kasi inutusan akong bilin tong mga to kung wala lang talaga syang sakit hindi ako pupunta dito para bilhin tong mga to nakita ko pa tuloy yung nerd na yun nasira pa araw ko nakakahiya tuloy dito nagpupulot pako
"Bwisit ka talagang nerd ka" buLong ko pa kahit wala na sya may naaninag akong lumapit sakin pero di ko pinansin busy ako sa pagkuha ng mga to
"Kaylangan mo ng tulong" sa boses nya kilala ko na kung sino sya
" hindi ko na kaylangan ng tulong mo tapos na ko" tumayo ako
"Bye" paalam ko sakanya hinawakan nya ko
"Bitawan moko Aisha!"
"Samahan mo naman ako please ahm mag usap tayo loyd" pagmamakaawa nya
"Nagmamadali ako" umalis na ko pero may sinigaw sya
"Sige! Pero hindi ko titigilan yung nerd na yun" pananakot nya
"Gawin mo gusto mo" sabi ko sakanya kahit nakatalikod nako
Tatakutin nya pa ko gagamitin nya pa si nerd wala naman akong pakelam dun gawin nya kung anong gusto nya umuwi na ko dahil nasira na ng nerd na yun yung araw ko
-
Aisha's PovKanina ko pa sinusundan si loyd sa mall baka kasi may kadate syang iba mukang wala naman kaya aalis na sana ako ng makita kong nagkabungguan sila ni NERD ? Tsss epal ano naman ginagawa nya dito baka sinusundan nya yung loyd ko pero umalis din agad si nerd at nakita ko si loyd na nagpupulot ng mga pinamili nya kaya nilapitan ko sya kaso nakakainie sya ayaw nya kong samahan tsss alam ko naman mahal nya pako pero humanda sakin yung nerd na yun
Papahirapan kita ng sobra nerd at sisimulan ko bukas ang pagpapahirap sayo