iir: We Have To Let Go

2 0 0
                                    


December 3,2015

Malapit na ang Christmas. Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ng sugat sugat pa ako na galing sa nakaraan. Akala ko di na gagaling, pero salamat at dumating siya. He healed me. Im so happy, nang dahil sakanya nakaya ko ulit- ang magmahal.

Tamang kinig lang sa music habang nasa labas ang lahat. Nagtatawanan. Im so tired. Kailangan ko ng pahinga. Lumabas ako para uminom ng bigla na lang hinila ni Vhincent ang kamay ko papuntang kwarto. Sinara niya ito at nilock.

Mahal kailangan nating mag usap. Seryoso lamang ang mukha nito. Walang halong biro. Amoy alak na ito.

Ano yun mahal? Agad naman itong umupo sa tabi ko. Namayani ang katahimikan ngunit agad rin niya itong binasag.

Naaalala mo ba nung mag open ako sayo? About sa pag da-drugs ko? Paano kung... hanggang ngayon ginagawa ko pa rin?

A-ano?!

Mahal tuwing nagbabasketball kami eh nagti-take ako. Tuwing bababa ako.

Mahal di mo ba kayang iwasan? Iwanan?

Di ko alam mahal.

Napabuntong hininga na lamang ako. Napakatahimik.

Mahal, di mo ba kayang iwasan? Para sa akin?

Susubukan ko mahal---

Wag mong subukan. Gawin mo!

Mahal... napatitig siya sa aking mga mata. Punong puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. Pilit na nilalabanan ang likidong bumabalot sa kanyang mga mata para hindi ito tuluyang malaglag. Mahal... pwede bang magkaibigan na lang muna tayo?

Mahal... pwede bang magkaibigan na lang muna tayo?

Mahal... pwede bang magkaibigan na lang muna tayo?

Para bang sirang plakang paulit ulit na umaalingawngaw ang mga katagang yun.

Fck ansaket!

Mahal bakit?!

Mahal kailangan kong magbago.

Minahal kita kung sino ka, tinanggap kita... wala ka na dapat ikabahala.

Pero...

Ano ba yan! Ang aunfair niyo! Nagragasa ang pagbuhos ng luha niya. Kagat-labi upang mapigilan pa ito ngunit balewala. Agad siyang napasinghap na para bang nalulunod, tinahan ang sarili upang makapagsalita ulit. Unfair! Lahat ng minamahal ko umaalis. Bat ba ganyan kayo? Iniiwan niyo ako. Sana hindi na lang kita minahal. Sana hindi na lang kita nakila--

Hindi naman ako mawawala sayo eh. Magiging magkaibigan pa naman tayo.

Sa word na yun biglang tumigil sa pag ikot ang lahat. Nakakabinging katahimikan na lamang ang kanyang narinig.

Wow.

Mahal, pangako... babalik ako sayo after one month. Aayusin ko ang sarili ko. Alam mo ba ang tanga tanga ko eh. Ang pinipigilang emosyon ay nagsimula ng bumagsak mula sa kanyang mga mata. Hindi mo aakalain na ang badboy kung umasta ay malambot pala. Ang tanga ko kasi alam mo? Ang bait bait mo sobra. Friendly pa. May future ka eh at sa future mo ayaw kong masira yun. Ang ganda mo tas heto lang ako. Hanggang dito na lang ba ako? Promise, magbabago ako. Alam ko na marami akong pagkukulang lalo sa ugali ko. Please?

S-sige. Humihikbi man ay pinilit pa ring makasagot. Namumugto ang kanilang mga mata tanda na naglabas sila ng labis na emosyon.




~lyzascarlet~

Hooooooo sorry if di na nakakapag update! Waaaah sorry sorry sorry. Em trying so hard para makapagload~ sadyang hina ng signal T.T

Thanks guys :*
God bless!

The More You Hate; The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon