1

479 11 3
                                    

"we are all here, to remember the memories of the section 304."

" no one knows how they died."

"we just found their bodies.. dead and long gone."

"walang nakakaalam kung sinong pumatay sakanila, hindi namin alam kung sinong taong may kayang gumawa nito"

"nakakaawang mga bata."

"gragraduate na sana sila diba?"

"may isang baliw daw na nakaligtas, at may isang hindi pa nahahanap ang bangkay."

"baka yung baliw ang pumatay?"

Tahimik akong nakikinig sa mga usap usapan. 

ilang taon na ang lumipas, pero wala pading nakakalimot sa nangyari sa 304.

hindi parin tumatahimik ang kaluluwa nila.

"mam? kilala mo po ba sila?" tanong sakin ng isa sa estudyante ko.

ngumiti ako at umiling.

huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana kung saan sinasabing nagmumulto ang mga estudyante ng 304. puro alikabok na dun, madilim. at kahit sinong tao, walang balak na pumasok. 

nagpaparamdam daw kasi sakanila ang mga namatay na estudyante. 

nagpaparamandam sakanila..

pero nakikita ko sila..

LAHAT sila.

nakatayo silang lahat sa loob, tahimik na nanunuod.. may ibang umiiyak na para bang hindi sila makalabas sa kwartong yon.

pero may ilang..masama ang tingin sakin.

hindi ko alam kung bakit..

kung bakit sila galit sakin.

simula ng dalaga ako, nakakakita na ko ng di maipaliwanag na bagay.

pero para makakita ng lagpas benteng estudyante na namatay na ilang taon ng nakakalipas..

hindi ko mapigilang hindi mabahala..

pakiramdam ko...

gusto nila akong isama sa impyerno nila..

Section 304Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon