6

259 7 4
                                    

"takte nasan sila diane?"-arzel

"diba usapan dito magkikita kita? bakit sila umalis? tska injured sila mich ha? pano sila nakaalis?"-mau

"nahiwalay pa satin si yvette at aila"-mhae

di man pinapahalata ng tatlong babae, nakakaramdam na sila ng takot dahil naliligaw na nga sila, bumalik sila kung saan usapang magkikita kita pero wala ng tao dun,

"itxt mo kaya?" -mau

"lobat ako, ikaw mhae?"-arzel

"lobat din ako eh"-mhae

"wala naman akong load, ewan ko bat ang malas natin. ang lamok lamok pa"-mau

"psst"

napalingon sila sa sumutsot sakanila

"uy! ikaw lang mag-isa?" tanong ni arzel sa kaklase

"ah, h-hindi.. si jennica, naaksidente. tulungan niyo ko"

"ha? nasaan?"-mhae

"sundan niyo ko! bilis! "

bago pa sila makapagsalita, tumakbo na ang kaklase nila, sa takot nilang mawalan ulit ng kasama, agad naman silang sumunod.

ngunit kanina pa sila tumatakbo hindi nila nakikita si jennica.

"sandali lang, hinihingal na ko!"-mhae

"nauuhaw na ko"-mau

"may tubig ka ba diyan?" tanong ni arzel sa kaklase na di nila alam kung bakit nakangiti ito na parang baliw

"meron akong juice dito, eto oh tig iisa kayong bote" at humila ito ng tatlong bote na may laman na mukhang orange juice sa backpack niya

"ang dami mo namang dala"-mhae

pero kinuha ng tatlo ang juice at ininom nila ito agad.

halos maubos nila ang laman ng bote pero nagulat nalang si mau at arzel ng biglang bumagsak si mhae, at nakaramdam naman ng takot si arzel ng sumunod si mau

nakaramdam si arzel ng hilo, tinignan niya ang kaklaseng nagbigay ng juice sakanila at tumatawa ito na parang baliw.

--

nagising si arzel ng may nararamdamang masakit na nakapaikot sa katawan niya,

pinilit niyang dumilat at agad nagising ang diwa niya ng makita ang dalawang kaibigan na nakatali din sa harap niya, nakatali sila sa puno, siya ang gitna, katapat niya si mau at mhae, nakatakip din ng tape ang bibig nila pero nakatingin sila kay arzel na para bang takot na takot.

nanglaki ang mga mata nila ng buhusan sila isa isa ng gas ng kaklase nilang nababaliw na, tawa ito ng tawa habang pinapaliguan sila isa isa ng gas, hindi ito nagsasalita, ni hindi sila tinitignan sa mata.

umiyak na ang tatlo ng maglabas ito ng isang kartong posporo, lumapit siya kay mhae, 

"naging masaya rin naman ako nung naging kaibigan ko kayo..kaya di ko kayo papahirapan masyado. pero syempre, wala pa kayo sa impyerno, mararamdaman niyo na kung pano masunog ng buhay" pagkatapos ay agad sinindihan ang isang posporo at inihagis kay mhae,

gustong sumigaw ni arzel, habang pumipiglas sila parehas ni mau sa pagkakatali,

kitang kita na habang nasusunog si mhae ay nararamdaman niya pa ito dahil gumagalaw pa ang ulo nito, pero makalipas ang ilang minuto, tuluyan na itong nawalan ng buhay.

lumapit ito kay mau, nginitian at nilabasan ng asido, pumikit nalang si mau habang humahagulgol, gusto niyang magalit, sumigaw at humingi ng tulong pero para saan pa?

napadilat si mau ng biglang naramdaman niyang parang nasusunog ang mukha niya, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa, sinabuyan ng asido ang mukha niya, tinawanan siya ng kaklase habang pumipiglas si mau dahil sa sakit na nararamdaman at ilang segundo pa, sinunog niya na rin ito.

iyak ng iyak si arzel, wala na ang mga kaibigan niya at ilang minuto nalang, susunod na siya.

sinabuyan siya ng asido ng kaklase nila sa dalawang binti, umiyak siya lalo pero tumingala dahil ayaw niyang makita ito, ramdam na ramdam niya ang pagdila ng asido sa laman niya, at wala siyang magawa kundi umiyak, gusto niyang magmakaawa sa kaklase na patayin na siya, na wag na itong patagalin, pero hindi pa ito nakuntento

pinaliguan siya ng asido simula ulo, wala na siyang makita, gusto niya ng mamatay, gusto niya ng matapos to, 

halos tumirik ang mata ni arzel sa sakit na nararamdaman,

naglabas ng itak ang kaklase nila at pagkatapos pumiglas ni arzel, pinugutan niya ito ng ulo, at sinunog. 

tumawa siya ng nakakaloko habang pinupunasan ang dugong tumalsik sa mukha niya, 

sa susunod na biktima niya, sisiguraduhin niyang maliligo siya sa dugo nito, iniisip niya palang ang plano niya napapangiti na siya ng malapad.

Section 304Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon