"I'm leaving. Take care." paalam ng magaling kong daddy.
"Ede umalis ka. I don't need you." sagot ko.
Mas mabuti pa ngang umalis siya para wala ng magbabantay sa akin, wala ng magbabawal sa akin at wala ng masasabi na 'Tyuzu, alam mo bang mali ang ginagawa mo?' nakakasawa na ako nalang palagi yung mali. Masama ba ang maging masaya kahit minsan?
Mabuti pa yung anak niya sa kabila, siya palagi yung tama. Oh ede siya na! Siya nalang palagi.
"I told you, you should respect me! I'm your father."
"Matagal ng hindi." matapang na sagot ko sa kanya.
"You--"
"Tito?" bigla akong napalingon ng may narinig akong pamilyar na boses sa likuran ko.
"What's the meaning of this?! Bakit siya nandito?" Takang tanong ko habang nakatingin sa lalakeng na nakatayo malapit sa amin.
"Siya ang magiging kasama mo habang wala ako." maotoridad na sagot ng aking ama.
"No way!" Sagot ko at tumalikod paakyat na sana ako sa hagdan ng biglang may nagsalita.
"Bakit? Ikaw lang ba ang may hindi gusto nito?"
"Don't talk to me!" humarap ako sa kanya at tumalikod.
Bakit siya nandito?! Bakit?! Ang dami namang ibang tao ang makakasama ko pero bakit siya pa?!
Nakakainis!
"Tyuzu! Hindi pa tayo tapos dito!" tawag sa akin ni Daddy.
Muli akong bumalik sa kinakatayuan ko kanina at humarap kay daddy.
"What?!"
"Ang sabi ko siya ang magbabantay sayo at kailangan mong kasama siya kahit saan ka magpunta 24/7."
"So, habang naliligo ako kailangan kasama ko din siya?! Are you serious dad?"
"Kung kinakailangan." sagot ni Daddy.
Is he serious?
"Kieran, ikaw na ang bahala sa kanya. Wag na wag mo siyang payagang mag-isa umalis sa bahay. Bawat kilos niya kailangan mong i-report sa akin."
"What? Ede sana kumuha nalang kayo ng personal body guard!" Sambit ko.
"Wala akong tiwala sa kanila at alam kong tatakasan mo lang sila. Sige na, aalis na ako. Kieran ikaw na ang bahala sa anak ko and please, I trust you and be responsible." paalam ni daddy.
Hindi maganda 'to.
Pagkaalis ni daddy ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng kwarto ko. Mabuti na ang sigurado 'no.
Agad akong humiga sa kama at tumingin sa kisame.
"Miss na miss na kita, Z." sambit ko at agad kong hinanap kung nasaan ang cellphone ko.
Hinanap ko sa contacts ang pangalan niya tsaka tinawagan.
BINABASA MO ANG
Uprooted Flower
RomanceHow can we forget about our first love? First kiss? First hug? First heartbreak? We all know that we cannot forget about it. How can you forget that first love that makes you special? That makes you happy? That makes you feel that you're the most be...