Pagkababa ko ng sasakyan ni Z ay agad akong pumunta sa sasakyan namin kung saan naka park ito.
Sumandal muna ako sa van para kalmahin yung sarili ko.
Ako pa ba yung naging mukhang masama sa kanya? Gusto ko lang naman makaganti sa girlfriend niya.
Pinangako ko sa sarili ko na hangga't kaya ko pa lalaban pa ako.
Kaya walang makakapigil sa'kin.
Gusto ko din malaman kung ano ang rason mo, Z.
Kilalang kila kita at alam ko kung may mali sa sitwasyon na'tin ngayon na hindi ko alam.
Minsan ayaw ko na din malaman kasi baka kapag nalaman ko bigla nalang akong susuko sayo.
Nakakatakot.
Muli na namang tumulo ang luha ko. Dahan dahan akong umupo sa sahig at tinawagan si George.
Pagkatawag ko ay agad naman niya itong sinagot. "G-George... I n-need you."
"OMG! Where are you? Are you okay?"
"Nasa p-parking lot ako kung saan nakapark ang sasakyan ko. I'm not o-okay. I badly need y-you."
"Okay! We're coming. Just stay there."
I ended the call at niyakap ko ang tuhod ko.
After a few minutes naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin.
"Sorry."
Bigla akong napalingon sa yumakap sa akin at nang makita ko siya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Z-Zion..." tawag ko sakanya.
"I'm sorry. Please wait for me." nakita kong malapit na siyang umiyak pero pinipigilan niya lang ito.
"What a-are you saying? Can you p-please explain? I don't u-understand." tanong ko.
Bumitaw siya sa akin at tumayo. "I need to go." sabi niya at umalis.
Tumayo ako at sinundan ko lang siya ng tingin.
Sunod sunod pa din ang pagpatak ng luha ko habang nakatingin sa kanya sa kalayuan.
Bakit ganon Z? Sa tuwing nasa akin kana bigla mo nalang akong binibitawan at iniiwan. Bakit mo 'to ginagawa?
"Tyuzu! Are you okay? What happened?! Nasaan si Z?! Gusto mo bang balatan ko siya ng buhay? Ipapagahasa ko at ipapatay pagkatapos itatatapon ko sa ilog? Ano sabihin mo! Gagawin ko agad!" sunod sunod na tanong ni George habang nakahawak sa kamay ko.
Agad kong pinunasan ang mukha ko ng panyo and I took a deep breath.
"Siraulo ka ba?! Gusto mo bang ikaw ang patayin ko?!" sigaw ko sa kanya.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit at iyon din ang ginawa ko.
"Tanga ka kasi. Dapat kasi sinama mo ako sa pag-uusap niyo para may i-chismis ako. Ayan tuloy iiyak iyak ka dyan." sabi niya habang sinasabayan niya ako sa pag-iyak.
"Matalino ka ba talaga? Alam mo ba yung salitang privacy ha?" sagot ko sa kanya.
"Alam ko yan at hindi ako tanga gaya mo!"
"Tanga pala? Kaya pala hindi mo napansin na niloloko ka lang ng ex mo hanggang ngayon."
"Ikaw din manhid-manhidan. Alam mo ng masasaktan ka tapos sinisige mo pa."
"Parehas lang tayo gaga." sagot ko at mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.
"Aray ano ba! Balak mo ba akong patayin?!"
BINABASA MO ANG
Uprooted Flower
RomanceHow can we forget about our first love? First kiss? First hug? First heartbreak? We all know that we cannot forget about it. How can you forget that first love that makes you special? That makes you happy? That makes you feel that you're the most be...