Prologue

31 2 0
                                    


Prologue

Alana's POV

10 years ago..



Pinunasan ko ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng kamay ko pagkatapos kong nilagay sa loob ng isang malaking kahon ang huling libro ko. Sinara ko yun at nilagyan ng tape para di na ito mabukas. "At last." sabi ko na may malaking ngiti sa mukha habang ang mga kamay sa bewang ko.

Kinarga ko iyon at nilagay sa isang sulok kasama ang ibang kahon ng mga gamit ko. Kinuha ko yung permanent marker at saka sumulat ng 'Alana's books' isang indication para malaman nila na puros libro ang laman nito.

"Lana dear, are you done?" rinig kong sigaw ni mommy mula sa baba.

"Lapit na po." lumapit muli ako sa kama ko. Kinuha ko yung isang malaking kahon na walang laman tsaka nilapag sa kama. Sinimulan kong nilagay ang mga laruan ko. Pitong taon pa lamang ako pero wala na akong gana maglaro.

Hindi ko alam, minsan iniisip kong di siguro ako tao kasi di ako tulad ng ibang bata na pitong taon din na mahilig maglaro ng laruan. Mahilig kasi ako magbasa, kaya napag-isipan ko na lang ibigay ang mga laruan ko para naman hindi sayang at malaro naman din ito.

Pagkatapos ko nilagay lahat ang sinara ko iyon at nilagyan ng tape, kinuha ko ang marker tska nagsulat ng 'For donation'.


Ibinaba ko ang kahon, nahirapan rin ako kasi mabigat iyon pero sa kabila ng kabigatan ay naibaba ko iyon ng maayos. Umupo ako sa kama. "Nakakapagod".


Natapos ko na ang pag-iimpake. Hindi pa rin ako makakapaniwala na magpalit kame ng tinitirahan. Medyo excited ako pero nalulungkot rin ng konti kasi hindi ko na makasama ang mga kaibigan ko, mamimiss ko talaga sila.

Hindi ko naman pwede pigilan si Mommy. Isa siyang doctor at na-assign siya sa isang hospital na malayo dito kaya papalit kame ng bahay, doon na kame titira sa isang subdivision na malapit sa pinagtratrabahunan niya.


"Lana dear, tara na. Andito na ang truck." sigaw ni mama. Narinig ko naman ang pagpatay ng makina ng isang behikolo.


"Opo, andyan na po." tumayo na ako at tinignan muli ang kwarto ko. Bumuntong hininga naman ako at kinuha ang teddy bear at yung maliit na bote tsaka lumabas ng kwarto.


"Let's go dear." bungad sa akin ni mommy pagkababa ko ng hagdan. Tumango naman ako sa kanya at tumungo ng front door. Bago pumasok sa loob ng kotse ay lumingon muli ako sa bahay. Naramdaman kong bumigat ang damdamin ko, medyo maraming alaala ang nangyari sa loob at labas ng bahay na iyan.


"Bye." I muttered.





⚫⚪⚫⚪⚫



Pagkababa ko ng kotse bumungad sa akin ang bagong bahay namin. "Finally. A brand new start." narinig kong sabi ni mama.

Tumango naman ako sa sinabi niya. Yes, a brand new start. For us.

2-story house ang piniling bahay ni mama. Hindi gaanong malaki, hindi naman gaanong kaliit tamang-tama lang para sa amin ni mama. "What do you think?"


Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon