Chapter 4

9 1 0
                                    

Chapter 4 || Unexpected




Tahimik lang kame ni Henry habang bumabyahe papunta kung saan man niya ako dadalhin. First date namin, also my first ever date with a guy. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling, nakakaexcite na ewan. Perks of not going out.

I sigh at the thought. Kung hindi ko pala nakilala si Henry, hindi ko to maexperience. I've read novels wherein yung bidang babae nagpapaganda para sa date nila ng lalaki. I also thought of doing that, but it hit me. What am I doing? This is nonsense. Sabi ko sa sarili ko kanina pero naglagay pa rin ako ng konting make-up-- light make-up as they say-- and thanks to youtube nalaman ko kung paano gawin yon.

I never picture myself dating with anyone, until now. Well, we're not really dating but... Close enough. Masaya kahit na sa ganito, me and Henry not really dating--on a fake relationship--at least walang heartbreaks. Pagkatapos ng isang buwan no strings attach.

"Dinala mo yung camera?" napatingin ako sa kanya nung magsalita siya, hindi siya tumingin sa akin nakafocus lang sa daan ang mata niya. Tumango ako. "Take a pic." Sabi niya at umayos rin ng upo.

"Huh?" napatitig naman ako sa collar bone niya, nung umayos kasi siya ng upo medyo bumukas ang upper part na hindi nabuton dahil sa seat belt. I swallowed. So hot.

"Hey!" natauhan naman ako.

"Uhm..." I try to regain posture. "Ano yun ulit?"

"Sabi ko take a pic." turo niya sa polaroid cam (Instax) ko. Tumango ako. I took a pic of him driving, candid shot as they say. Hinintay ko naman lumabas ang film sa cam and let it set para lalabas ang pic. Nung lumabas ang pic pinakita ko sa kanya. Tumango siya "Isa pa with you in it."

Nagdadalawang isip ako, camera shy kasi. Di ako sanay na pinipicturan ako kahit selfie nga di ko magawa. Huminto naman ang kotse sa stoplight at pagkakataon na namin to para magpicture. I sigh. Hindi naman ako photogenic. "Dali." sabi niya kaya itnapat ko yung camera sa amin at clinick yung capture button.

Kinakabahan ako dahil hawak ko na yung film hinihintay ko na lang lumabas yung mukha namin dalawa. "Andito na tayo." sabi niya."Wag ka muna lalabas."

"Teka Henry, bakit---" hindi ko na pinatapos ang sarili ko kasi lumabas na siya at sinarado ang pinto, sinundan ko siya ng tingin umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Tara." uminit naman yung pisngi ko sa ginawa niya.

Kalma Lana, sadyang gentleman lang siya. I said to myself. Huminga ako ng malalim at lumabas ng kotse. "Saan tayo Henry?" tanong ko sa kanya. Naglakad naman kame hanggang may narating kameng stairs.

"Park." simpleng sabi niya. Tumango ako. We hit the stairs kept on walking kung saan man kame dadalhin nito.

"Grabe. Asan ang park dito?" tanong ko. Nakailang steps pa lang ako sumasakit na yung paa ko. Hinihingal na ako, jusko nakakapagod.

"Are we there yet?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa. Just keep walking Lana." I pouted.

Nasa unahan ko si Henry, tatlong steps ang pagitan namin, sa tangkad ba naman niya malalaki ang hakbang niya minsan two steps at a time minsan isa. "Henry... Pagod na ako." reklamo ko. Nanginginig na yung binti ko at masakit na yung paa ko.


"Sandali. Rest muna pwede?" I leaned on the handle.

"Hey! Walang rest rest! Malapit na tayo."

"Wait" I held up my hand, gesturing to him to wait and I catch up with my breath. Note to self, start exercising tomorrow.

"Hey!" sigaw niya. Bumaba naman siya at pumunta sa kinaroroonan ko. He glared at me pero inirapan ko lang siya. Hinawakan naman niya yung wrist ng left hand ko, itinaas niya yun at sa isang iglap karga na niya ako padapa. My belly on his shoulders. Karga karga niya ako na parang sack of rice.

Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon