Chapter 1

21 1 0
                                    

First Chapter

◾Alana's POV

7 years later... (Present)



"Mom. The cookies are burning." sabi ko kay mama ng hindi binababa ang libro sa mukha ko. Bumabasa kasi akong ng novel nang umiba ang ihip ng hangin at naging amoy sunog.

"Got it" lakad-takbo si mama papuntang kusina para tanggalin ang binebake niyang cookies sa oven. Hahawakan niya sana ang handle ng oven pero pinigilan ko siya.


"Pot holder mom." sabi ko ng hindi pa rin binababa ang libro.


"On it." nagsuot naman siya ng pot holder at tinanggal ang cookie tray na may lamang coal. Yung cookies naging uling.

Alam ko naman pag sa ganitong sitwasyon ay nagmamadali si mommy at nakakalimutan niya kung ano ang dapat gawin o hindi. Kaya kahit hindi na ako tumitingin ay malalaman ko pa rin yan.


"Oh. Binayaan ko" disappointment naman ang itsura niya. "Want some cookie?" umiling ako.

"Hindi naman po maganda pag kainin ko yan." tukoy ko sa sunog na cookie "hindi masustansya pag kumakain ng ganyan." tumango naman siya at tinapon ang coal----ay este cookies (burned) sa trash bin.



Pagkatapos niya gawin iyon ay napunta sa akin ang atensyon niya. "Lana dear" binaba ko ang libro at tumingin sa kanya.


"Mmm?"

"Alam mo naman summer ngayon." simula ni mommy, tumango naman ako. "Why not go out, sweetheart." kumunot ang noo ko. "A little bit of sunshine can do you good."


"Bakit?" Tanong ko.


"Well, socialize. Hindi yung jan ka na lang lagi, hindi lumalabas." Ah. Gusto ni mama lumabas ako at makipaghalubilo.


"Eh mommy naman." panimula ko. "Ano naman ang gagawin ko kapag pag lumabas ako?"


"Hang-out with friends, go to the beach, date someone, I don't know." halatang naiinis si mama kasi palagi lang ako nasa bahay. Ayoko kasing lumabas, mainit, tsaka wala naman akong kaibigan.



"You know I don't have friends here. Hindi ako sanay magbeach, at wala namang nangyaya sa akin magdate." tumatawa ako habang umiiling.



"Alam mo kasi Alana, dapat sa edad mong yan lumalabas ka na. You have to live life, dear. Its not always na andito ka." Kinuha naman niya yung pitcher sa ref. "Hindi ko naman sinasabi na masama ang magbasa. Ang minimean ko lang, ay lumabas ka naman. Ang putla mo na oh. Para ka nang bampira." tumawa naman ako sa sinabi mama.




Kumaha siya ng baso sa cabinet at nilagay iyon sa counter. "Tell you what." may kinuha siyang 1000 pesos bill sa ibabaw ng ref at nilagay yun sa counter.





Umiling na lang ako sa ginawa niya. "You're bribing me again?" she shrugged. "Alam mo mom, yayaman na ako sa ginagawa mo ah."




"Para lumabas ka lang." umiling ako. Palagi ako binibigyan ng pera ni mommy para lumabas. Lumalabas naman ako pero pumupunta ako sa park ng subdivision na to. Sandali lang naman saka babalik ako agad sa bahay.





Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon