Free Thinker

21 1 0
                                    

Mayroong isangdaan at dalawampu't isang dahilan kung bakit hindi para sayo ang kwentong ito ngunit kung ano ang itinakdang mangyari ay siyang mangyayari.

Ako ay isang ita/aeta. Ang pangalan ko ay Ben, Isa ako sa mga pangkat-etniko sa Pilipinas, tampulan ng tukso ang aming lahi dahil sa kaitiman ng balat namin at sa pagiging makaluma at anti-social namin. Ang pinagkaiba naman namin sa aming mga kalahi ay ang aking pamilya ay nagsikap, kaya nakaraos kami sa aming buhay kahit papaano, bumaba ng bundok at nakipag sibilisado, pero bakit kahit anong pakikisama ko sa ibang tao ay parang diring diri sila sa amin. 'Yan ang aking dahilan kung bakit ako ay walang pinaniniwalaang diyos, ako ay isang atheist o ateo. Dahil kung totoo nga ang diyos na pinaniniwalaan ng karamihan sa mga tao, bakit may mga taong katulad namin? Kung ang kagustuhan pala ng kanilang diyos ay isang mapayapang mundo, bakit hinayaan niyang mabuhay ang mga tulad namin, na tampulan ng tukso at pinandidirihan ng lahat, dito sa mundo. Wala sanang paghihirap kung meron ngang diyos, wala sanang nasasaktan kung meron man diyos, at wala sanang masasama kung meron ngang diyos.

Ako ay labing limang taong gulang, 3rd year high school. Papunta ako sa paaralan namin, unang araw ng pasukan ngayon, katulad ng dati marami na namang tanong na nakatatak na 'ata sa aking isipan tulad ng, "Bakit kaya sila kayumanggi at kami ay sobrang itim?" Nang dahil kasi sa kulay namin ay walang pumapansin na tao sa amin. "Bakit kaya kulot ang buhok namin, at ang kanila ay tuwid?" Totoo nga ba ang diyos? Siya ba talaga ang lumikha sa atin. Paano tayo nabuhay sa mundong ito? Ang lahat ba ay kathang-isip lamang. Tayo lang ba ang nabubuhay sa pangkalawakan? Hindi ba 'to isang panaginip. Paano tayo naging tao? May sarili ba talaga tayong pag iisip o may nag mamaneho sa atin? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na hindi pa nasasagutan ng aking isip.

Nakikita ko na ang simbahan, ibig sabihin ay malapit na ako sa aking paaralan, dahil Catholic school, isang pribadong paaralan, ang aking pinasukan ngayong taon, ewan ko ba kina mama, mas gusto pa nilang mamahalan, eh sa public kaunti lang tuition fee, sampung beses 'ata na mas mataas ang tuition fee dito kaysa sa public. Ito pa naman ang pinaka-ayaw kong mangyari sa lahat, ang pumasok sa isang Catholic school, hindi naman kasi alam nila mama na atheist ako. Ngayon kailangan kong makisama sa mga makikitid ang utak at mga mapanghusgang nilalang.

Pagpasok ko pa lang sa gate ng pintuan, ang dami na agad nakatingin sa 'kin, mga matang mapanghusga, mga matang nagsasabing hindi ako kabilang sa kanila, mga matang nandidiri sa kanilang nakikita. Tulad ng dati, hinayaan ko nalang silang husgahan ako. Hindi naman kasi totoo ang mga iniisip nila sa 'kin.

Patuloy lang ako sa paglalakad, walang sino man ang nagbalak na lapitan ako, kaya ko naman kahit walang kaibigan, ayos lang, sanay ako. Hinanap ko na ang magiging silid-aralan namin. Sabi sa akin, section one, our lady of the assumption, raw ako.

Sa paghahanap ko ang dami kong napansing mga 'di pangkaraniwang bagay, meron akong nakitang isang retarded student, nakakagulat, tinatanggap pala sila sa paaralang ito, pero sigurado marami rin ang huhusga sa kanya dahil sa kalagayan niya, tulad ko. Bakit ba kasi may mga nilalang na tulad namin, na tampulan ng tukso, bakit hindi nalang kami naging normal tulad ng iba. Saan ba kami nanggaling. Saan ba nanggaling ang mga tao? Paano ba nagsimula ang lahat?

Sa pagpapatuloy kong maglakad mayroon na naman akong nakitang hindi pangkaraniwan, isang lumpong mag-aaral naman ngayon, sadyang nakakagulat talaga na tinatanggap ang mga katulad nila dito sa paaralang ito. Isa na naman sa mga taong huhusgahan ng mga makikitid ang utak. Tumigil ako sandali upang pagmasdan siya, tinutulungan lang siya ng ibang mag-aaral na makalakad, nang mapatingin siya sa akin, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang ngumiti siya ng pagkalapad lapad sa akin. Naguluhan ako dahil sa ngiti niyang iyon, 'yung ngiti niya ay para bang wala siyang dalang mabigat na problema, parang ayos lang 'yung kalagayan niya. Nakakagulat lang na sa kabila ng kalagayan niya ay may lakas pa siya ng loob na ngumiti. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

Free Thinker #OpeningLineContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon