Unang Kabanata
Pakiramdaman ang kapaligiran, pakinggan ang bawat himig na iyong naririnig, buksan ang mata sa mga bagay-bagay na nangyayari na iyong nakikita at isa-puso ang nais iparating ng poong maykapal dahil siya lamang ang tanging may alam ng maaaring mangyari sa ating buhay ngayon at magpakailanman. Ako si Tamara ang nagiisang………..
Nagsimula ang kwento sa dressing room ng modelong si Allysa, pababa si Frecious sa hagdan dala ang mga gamit ni Allysa.
"Ate ito na po yung gamit niyo para sa photo shoot niyo mamaya."
Ang sabi ni Frecious
"So? Anong balak mong gawin diyan? Papabitbit mo ba sa akin yan? Kaya nga may P.A. diba, malamang lagay mo dun sa van. Minsan nga iiwan mo yung katangahan mo sa bahay niyo."
Bungad ni Allysa
"Ang ayos-ayos po ng tanong ko eh."
"So iiyak na ko? Pakielam ko kung maayos tanong mo, gagamitin mo kasi yung utak mo kapag magtatanong ka para maayos ka ring masasagot. Tanga-tanga."
"Sige po ilalagay ko na po yung gamit niyo sa van mo. (pabulong) maganda nga wala namang modo."
"Ows? Bubulong ka pa eh.. Halika nga dito."
Lumapit naman si Frecious
"(sinabunutan si Frecious) Ikaw kung hindi dahil sa akin hindi makakakain ang pamilya mo, hindi makakapag-aral ang mga kapatid mo at higit sa lahat hindi ka magmumukhang tao kung wala ako. Kaya kung ayaw mong masira ang pangarap mo at ang pangarap nila sayo, aba! Umayos ka. (tinulak palayo si Frecious) umalis ka na dito. Baka ibato ko sa iyo yung blower na ito."
"Opo." (umiiyak palabas)
Masama ang loob ni Frecious. Hindi niya matanggap ang ginagawa sa kanya ni Allysa. Pero ito lamang ay kanyang kinikimkim dahil sa kanya lamang umaasa ang kanyang pamilya. Pinalaki si Frecious ng kanyang mga magulang ng kung anong meron dapat tanggapin, may takot sa diyos, marunong tumanaw ng kabaitan ng iba at higit sa lahat pinalaking masayahin, mabait at may pangarap na gustong makamtan sa kanyang mga pagsusumikap na ginagawa. Kabaligtaran naman siya ni Allysa na lumaking mayaman naibibigaay ang kanyang mga gusto, dahil siya ay lumaking walang ama, siya ay naging palasagot at hindi masunurin sa kanyang ina na nagpapakahirap para magkaroon siya ng magandang buhay.
Pareho silang may itsura, matalino pero mas masipag at masunurin si Frecious. Pero hindi sa dahil siya ang nagsisilbing bida ditto, hindi siya ganoong mapagbigay, hindi yung literal na madamot yung tipong kapag siya ang nasa tama pinaglalaban niya kung ano ang nararapat, hindi niya pinagtatakpan ang mga maling Gawain ng iba kahit siya na ang maaaring masira sa paningin ng iba. Hindi siya sobrang bait tuad ng mga bida sa pelikula, drama, at teleserye.
(tuloy pa rin sa pag-iyak) "magulang ko nga hindi ako masaktan ng ganun eh. Naalala ko tuloy yung sabi ni tatay na kapag naaagrabyado ka nang amo mo, aba magkusa ka nang umalis sa bahay na iyon." Pero dahil sa mahal ko sila titiisin ko na lang, sa akin lang sila umaasa eh.
Habang masamang masama ang kanyang loob
Napansin siya ni Tamara, pinsan ni Lulu na kapwa katrabaho ni Allysa.
(inabutan ng panyo si Frecious ni Tamara) "Eto oh. Bakit ka ba umiiyak? Tignan mo tuloy pumapangit ka, modelo ka rin dito noh?"
"Salamat (inabot ang panyo) Okay lang ako. Wag ka mag-alala tska hindi ako modelo dito P.A. lang ako ni Allysa."
"Allysa yung mataray na model dito? Ano gusto mo resbakan ko. Haha joke lang, hindi ako ganun."
Makikita mo sa mga mata ni Frecious na siya ay balisa at parang pinagbagsakan ng mundo dahil sa ginawa sa kanya ni Allysa. Mabuti na lang andiyan si Tamara na nagsilbing kaibigan at nalalabasan ng loob ni Frecious.
Lumipas ang anim na buwan.
"FRECIOUS." (pasigaw na parang may giyera sa lakas ni Allysa)
Agad-agad siyang pumunta.
"Bakit?" Ang tanong niya.
"Pakikuha nga yung lipstick ko. Eto oh ihuhulog ko." Ang bungad niya kay Frecious.
Kinuha naman ni Frecious yung lipstick na kaya naman ni Allysa at ibinigay ito sa kanya.
"Ito po oh."
Habang inaabot niya to kay Allysa kumuha naman si Allysa ng pulbos at inipon sa kamay niya.
"Eto pa oh." Sabi ni Allysa at sabay ibinuhos sa mukha ni Frecious ang pulbos
Matapos ito ay gawin sa kanya hindi na siya nakapagtimpi at kinuha ang isang basong tubig na nasa mesa lamang ni Allysa at ibinuhos sa mukha ni Allysa.
"How dare you?" Sagot ni Allysa.
"How dare you mo mukha mo." Ito ang matapang na sagot ni Frecious.
Sa inis ni Allysa halos magmuka na siyang demonyo sa galit. Sa sobrang galit sinapak niya si Frecious sa mukha at lubhang napuruhan ang ilong niya. Nagdudugo ito, hindi nanaman nakalaban na si Frecious dahil sa sobrang sakit ng ilong niya. Hindi pa nakontento si Allysa hinablot niya yung blower at ibinato kay Frecious buti na lamang naiwasan niya ito. Pero hindi pa tapos palabas na sana si Frecious ng pinto pinalo naman siya sa may likod at napabagsak siya sa sakit.
"Ate tama na po parang nabalian ata ako ng buto sa likod. Pasensya na po tsaka ang simple lang naman po ng away natin eh. Maaayos pa po ito." Ang tugon ni Frecious..
"Wala akong pakielam." Ang sagot ni Allysa.
Umalis sandali si Allysa at doon na siya nagkaroon ng pagkakataon na humungi ng tulong, ang unang taong pumasok sa isip niya ay si Tamara at isinigaw niya ang pangalan nito.
"TAMARA." Pero hindi naman siya narining nito. Bumalik si Allysa na nakatago ang kanang kamay sa likod.
"Sisigaw ka pa. Tanga tayo lang ang nandito sa studio. Kaya wala ka nang mahihingan pa ng tulong." Ang sabi ni Allysa at sabay inilabas ang kutsilyo niya na aambang sasaksakin si Frecious.