Ikalawang Kabanata : Tamara

39 2 0
                                    

Tamara masaya akong naging kaibigan kita kahit sa maikling panahon. Alam kong mapagkakatiwalaan kita. Kahit anong mangyari sa akin masama man ito o hindi nararamdaman ko ang init nang iyong pagmamahal sa akin kahit hindi naman kita kamag-anak. Kaya maaari ko na ring masabi o maituring ka na isang Best Friend ko. Marami ang nagsasabi na umalis na ko sa poder ni Allysa pero ikaw lang ang katangi-tanging tao na nagsabi sa akin na "Tandaan mo na laging nasa puso ang kabutihan wala sa labas." Hindi ko man naintindihan ito pero alam ko ang nais mong iparating sa akin na wag ako umalis dahil sa ako lamang ang inaasahan sa pamilya namin. 

"Ang sabi ni Frecious kay Tamara."

"Naku ikaw naman wala yun wag ka magalala nandito lang ako sa tabi mo. Hindi man kita maipagtanggol kay Allysa pero ito tandaan mo wag kang susuko. Mawawalan lang ng saysay ang lahat ng paghihirap mo kung susuko ka lang rin. Basta lagi mo lang isa-puso yung sinabi ko sayo, basta nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari."

Noong sinasabi ito ni Tamara napatigil siya dahil sa biglang tumayo at umalis si Frecious sa harap niya. Nagtaka siya pero ang unang sumagi sa isip niya ay tinawag nanaman siya ng bruha niyang amo. Kaya tumayo na lang at naglakad siya papaunta sa kwarto nila. Pero ang tanong na naglalaro sa isip niya, "Bakit hindi ko naman narinig ang sigaw sa kanya ni Allysa?". Inisip na lang niya na baka binigyan lang siya ng oras para lumabas. Kaya segundo, minuto at oras ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita si Frecious.

"Ano na kayang nangyari dun, halos minuminuto eh lumalabas yun sa kwarto nila." Ang tanong ni Tamara sa sarili niya.

Kaya minabuti na niyang puntahan si Frecious sa kwarto nila. Pero bigla siyang tinawag ni Lulu ang pinsan niya, dahil sa magsisimula na ang photoshoot ni Lulu. Maraming oras din ang naubos sa paghihintay niya sa photoshoot na iyon. Gusto na niyang lumabas, para puntahan si Frecious. Pero hindi niya maiwanan ang pinsan niya, tapos na ang photoshoot at ang gawi ng magpinsan pagkatapos ng nakakapagod na photoshoot ay pupunta sila sa mall, spa, parlor, restaurant, arcades, etc. Basta lugar kung saan sila maaaliw. Sumakay sila ng kotse at...

"Couz, bakit parang yung mukha mo hindi maipinta?" Ang tanong ng pinsan niya kay Tamara.

"Hindi wala to. Siguro gutom lang ako kaya ganun, tara unahin muna natin sa resto bago tayo pumunta sa mga gusto mong puntahan." Ang tugon nito.

"Ah. Sige." 

Hindi maipinta ang mukha ni Tamara, gusto na niya talaga umuwi. Pero paano yung pinsan niya halos ganun na lang sila magkaroon ng bonding dahil once a week lang photoshoot ng magpinsan. Kaya hindi madalas ang pagsasama nila sa ganitong paraan. 

"Hay nako Tamara pwede ba magpakasaya ka munang araw na ito, kung may oras pa mamaya eh di puntahan mo siya, kung wala edi bukas. Maraming oras. Grrrrrr!" Ang ibinubulong niya sa isip niya.

Panandaliang nakalimutan ni Tamara ang iniisip niya. Nagpakasaya sila ng pinsan niya, kumain sila, naglaro sa mga arcades, nanuod ng movies, namili ng mga bagong damit, etc. Naubos ang buong araw nila sa mall, pati na rin ang pera nila. Isang libo na lang ang natira sa kanila. Umisip si Lulu ng mga pagkaka-abalahan ngayong gabi na masaya at budget friendly dahil sa gusto nila itong ubusin ngayong gabi.

"Saan magandang pumunta couz?" sabi ni Lulu.

"Ikaw saan mo ba gusto pumunta? Basta ako sasama lang ako."

"Kung magpunta kaya tayo sa bar?"

"Nako Lulu, Tumigil ka nga. Mas mabuti nang umuwi na lang tayo." 

Pagkaraang sabihin niya ito, biglang pumasok sa isip niya si Frecious.

"Oo, umuwi na lang tayo." Ang nakangiting tugon ni Tamara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon