One Shot

15 2 0
                                    


AOLFMBF - AN OPEN LETTER FOR MY Beastfriend

  By: ChackkaBey

_____________________


Date: March 13, 20--


Hi bessy! ^^


Third year high school tayo nang magkakilala. Ngayong fourth year naman nang maging Bestfriend kita. Sino ba naman kasing hindi. Eh lagi tayong magkatabi ng seats dahil magkasunod lang ang first letter ng surname natin: Samson at Tuazon. Dahil dun lagi na tayong magkasama. Sabi nga nila nagiging magkamukha na daw tayo eh hahaha lugi ako pag nangyari yun. Syempre joke lang. Alam kong ikaw ang mas maganda sa ating dalawa kaya nga laging ikaw ang muse ng section natin eh. Ang swerte ko dahil bukod sa sikat ang bestfriend ko, matapang pa. Naalala mo ba nung Intrams? Haha hindi ko makakalimutan yun dahil nung araw na yun napag alaman kong idol kita. Biruin mo, apat na babae nakaya mong awayin dahil sa binubully nila ako dahil daw pinagsisiksikan ko yung sarili ko sayo. Alam mo bang nakakatouch yung sinabi mo sa kanila nun. "Kahit maging pangulo ako ng bansang ito. Ipagtatanggol ko parin siya at hinding hindi ko kakalimutan dahil siya ang bestfriend ko" -yan ang sabi mo haha nakakatuwang isipin yun. Pero nakakalungkot dahil nasaan na yung sinabi mo? Ano ng nangyari sa atin? Akala ko ba bestfriend kita? Pero bakit sabi mo nung isang araw, kinaibigan mo lang ako dahil gusto mo ang boyfriend ko. Sinabi mo lang na bestfriend mo ko para maimpress sayo yung boyfriend ko. Kaya pala ipinagtanggol mo ko nun kasi alam mong nandodoon at nanonood yung boyfriend ko. Kaya pala mas gusto mong ikaw lagi ang kasama ko at hindi yung boyfriend ko kasi nagseselos ka. Alam mo bang break na kami nung araw na sinabi mong hindi mo naman talaga ako bestfriend. Sabi niya may mahal na daw siyang iba. Pinangalanan pa nga niya eh. Sabi niya si Danielle na daw ang mahal niya. Bess ikaw yung Danielle diba? Ibig sabihin bess ikaw na yung mahal niya. Congrats sayo bess kasi mahal ka na ng boyfriend ko na matagal mo ng gusto. Sabi niya sa akin nawala na daw yung pagmamahal niya sa akin kasi daw hindi ko na daw siya binibigyan ng oras, nagsorry ako sa kanya bess kasi alam kong kasalanan ko. Tama siya hindi ko na siya nabibigyan ng oras. Hindi ko na siya laging nakakasama kasi gusto mo ikaw lagi kasama ko. Hindi ko siya nakakatext pag free ako kasi lagi kang tumatawag dahil sabi mo inaaway ka na naman sa inyo kaya kinocomfort kita. Minsan nga gusto ko magalit sayo kasi hindi ko na nakikita yung boyfriend ko dahil lagi mo kong hinihila kung saan saan pero ayoko. Okay lang na mawala sa akin yung boyfriend ko wag lang ikaw kasi bestfriend kita eh. Mas madaling makahanap ng boyfriend kesa sa bestfriend. Asan ka na ba bestfriend? Miss na miss na kita.

From:

Your bess <3

__________________

Date: March 20, 20--

Hi Bessy.

Nakita kita nung isang araw na papasok sa canteen. Ang saya saya mo nga eh. Nakaakbay pa sayo yung ex ko. Kayo na pala? Kelan naging kayo bess? Wala na akong alam tungkol sayo. Pero alam mo bess, tinitigan ko kayo habang kumakain sa canteen. Bagay pala kayo. Ang cute niyo pa tignan kasi ang sweet sweet niyo sa isa't isa. Sinusubuan mo siya, ganun din siya sayo. Halos lahat nga ng student sa canteen nakatingin sa inyo. Yung iba tumitingin din sa akin pero nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko kayo kahit parang sasabog na yung dibdib ko sakit. Masaya ako para sa inyo kasi yung dalawang importante sa buhay ko, masayang magkasama. Pero nagulat ako kasi tumingin ka sa direksyon ko. Nakita mo pala ako bess. Lumapit ka sa akin habang nakangisi kaya lalo akong nagulat. Bakit ganyan ka na bess? Talaga bang hindi mo ko tinuring na bestfriend? Kahit friend man lang? Pinamukha mo pa sa akin na kayong dalawa na ni Jacob. Tinapunan mo pa ako ng juice na hawak mo at kinuha mo yung spagghetti na kinakain ko para itapon din sa mukha ko kaya nagtawanan yung mga tao sa canteen. Alam mo bang umiyak ako nun pagtapos ng ginawa mo. Bukod kasi sa napahiya ako, dun lang nagsink in sa utak ko yung mga sinabi mo. Hindi mo nga pala talaga ako tinuring na kaibigan noh. Pero ayos lang atleast natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Nga pala bess yung final test natin sa Physics, English, Trigo pati narin sa History kahapon na kinopya mo sa akin na pinakopya ko sayo. Hinulaan ko lang yung mga yun. Kaya pasensya na kung lahat yun mali at magiging dahilan ng hindi mo paggraduate sa March 23. Nainis kasi ako bigla nung maalala ko yung ginawa mo nung isang araw kaya nung sinabi mong kokopya ka sa akin, kumuha ako ng isang answer sheet para ilagay dun yung mga hula hulang sagot na ipapakopya ko sayo. Goodluck nalang sa next school year mo sa high school ulit. Wag ka mag-alala ipagdadasal ko na lang na sana, mabait yung pagkokopyahan mo ng mga tests sa next school year mo as fourth year highschool ulit. Take care always and see you in hell beastfriend.

Sincerely yours,

Your bitchfriend [-,^]


____________________

A/N:

Thanks for reading.

Don't forget to leave your comments for your reactions.



-END-

🎉 Tapos mo nang basahin ang An Open Letter For My Beastfriend (COMPLETE) 🎉
An Open Letter For My Beastfriend (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon