1st Encounter: Meeting the spawn of Satan

40 0 0
                                    

Author's Note: first attempt to write a tagalog fiction romance story. Ahaha. Nagtry naman ako dati kaso hindi ko matapos tapos. Feel free to criticize my work. Wag lang po sana masyado kasi mala-marshmallow ang heart ko, makagawa pa kayo ng smoores. !Σ( ̄□ ̄;)on with the story! ☆☆☆☆

================================

Napabuntong hininga si Mia.

Bakit nga naman hindi? Umagang umaga palang, makikita niya agad ang sarili sa salamin. Hindi naman siya pangit. Nagkataon lang na puro pimples ang kanyang bilugang mukha na ang iba sa mga ito ay namimintog pa sa ahem nana. Nagkataon lang din na ang kulot niyang buhok na sinukuan na ng mga bading na parlorista sa lugar nila. At nagkataon lang din naman na ang nakababata niyang kapatid ay sobrang kabaliktaran niya.

Siya nga pala si Mia Madrigal, 25 taong gulang, scriptwriter ng mga dramarama sa hapon, at isang tumatagingting na NBSB. Aminadong chubby at mahilig kumain, sa taas niya na 5'2 ay nagmumukhang kasing taas lang ni PGMA. Aside doon at sa buhok niyang isinumpa, marami pa siyang maaring ipintas sa kanyang sarili.

'Bakit naman kasi naging mas bata pa si Mikka sa akin?' lihim na himutok ni Mia habang pilit na sinusuklay ang tila may buhay na buhok niya, 'kung ikukumpara natin sa isang usual na storya, dapat ang nakakatanda ang maganda. Yung tinitingala. Yung minamahal ng lahat. Bakit naman kasi ako pa naging panganay sa aming dalawa?'

"Good morning ate!" biglang sumilip sa awang ng banyo si Mikka, ang nakababatang kapatid ni Mia. Kung siya ay chubby at may sinumpang afro hair, eto naman ay mala-model sa ganda. Sa edad na 23, nagkanobyo na at pila-pila ang mga manliligaw nito. Kahit naman si Mia ay tuwang-tuwa pag nakikita ang kapatid. Mapupungay na mata, may katangusan na ilong, medyo mapupulang labi na bihira lang patungan ng lipstick, may kaliitang mukha, mahaba at tuwid na buhok. Matalino, maganda, matangkad, mabango at mabait. Ang kanyang purr-fect na kapatid na si Mikka Madrigal.

"Morninggg," ngiti na lang ni Mia sa kapatid. Hindi naman kasalanan ng kapatid niya na masalo nito ang magagandang genes ng mga magulang nila. Sadyang nagkataon lang na bukod sa hindi na nga siya nabiyayaan ng kagandahan sa pisikal na anyo, hindi rin siya naglalagay nang effort sa sarili.

"Anak tumawag pala yung producer ng Hundred Days. Nasaan na daw yung script para next month?" salubong sa kanya ng nanay niya pagbaba niya sa kusina, "'siya nga pala sabi ng mga amiga ko, kilig na kilig daw sila dun sa pagtatagpo ni Jake at Andie". Eto pala ang nanay ko, si Mrs. Alilei Madrigal, source ng kahiligan ko sa pagbabasa ng romance at kagandahan ni Mikka.

"Mahal, hindi ka pa nasanay sa mga amiga mong fans ng mga drama sa telebisyon," sabay higop ng kape ng tatay kong si Miguel Madrigal. Sa kanya naman nang galing ang pangalan namin ni Mikka. At sa kanya rin nanggaling ang hilig ko sa pagsusulat, "magpapahatid ka ba sa station ngayon anak? Idadaan ko rin si Mikka doon at may photoshoot siya ng 9am".

'Shoot. Hindi ko pa napprint yung hard copy' "Mauna na kayo Pa. Magagalit si Mam Tess pag soft copy lang binigay ko sa kanya eh".

"I insist hija. Tutal matagal na rin nang huli kitang ihatid sa station8," sabay usod ng tasa ng kape sa tabi ko.

"Ate! Binuksan ko na laptop mo at yung printer! Anong file name nung ipprint mo?" narinig kong pasigaw na tanong ni Mikka mula sa taas. Nagpanic tuloy ako at tumakbo pabalik sa kwarto ko. Pag-akyat ko ay nakita kong sinusubo ni Mikka ang papel sa printer. Ngumisi na lang ako sa kapatid ko at tinaboy na ito pababa kila Mama. Wala naman na talaga akong mahihiling na iba sa pamilya ko. Super supportive sila sa ginagawa ko plus alam kong mahal na mahal nila ako. Kaya nga sa edad kong ito eh minsan ko lang naiisip kung bakit ako walang boyfriend.

"Are you ready na ba iha?"

"Opo Pa! Coming!"

---------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All About HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon