Chapter 1

36 1 0
                                    

"Si jude!?" "Ang Pogi ...?" "Diba...?" "How do i look?.. Ano?"

*Murmurs Everywhere.

Yes! Si jude ang famous hottie ng school! Super sikat yan kase bukod sa MAYAMAN NA Baseball, Swimming at football player, eh nasa theatro pa yan! :") Anak sya ng dean! (At pasikretong pinag nanasaan ko!) Hahahahaha! Sino ba kasing hindi mag nanasa sa katawang mala Zac Effron! Chinito pa! San ka pa ? edi kay FAFA JUDE na! Yes, i call him fafa jude! saka nyo na malalaman kung gano ako kabaliw jan in the rest of the story. Ako si Joyce Sacapiano, Ang infamous student from CBA Department!

--------

"Hoy Joyce!" Nagulat ako nang may tumusok sa tagiliran ko! "Ayy! Kunehong gago!" pag mumura ko! *Mga bata Dont try this at home! :") Sa labas nalang para di kau pagalitan. de joke lang BAWAL MAG MURA! Bad yon! Rated:SPG >:). "Ano ba! Jhennalyn! sinabi nang!" nasigawan ko tuloy sya ng wala sa oras. Minsan kasi tong bestfriend ko may pag ka praning? Wait Wait di Lang pala praning AUTISTIC na ata! "Iniwan mo ako sa room! Tayong dalawa ung pinag lilinis tapos, Ayan ka! Lumabas narinig mo lang yung name ni jude! HOY ANO BA!!" sigaw nya sakin. "Bingi ka ba Joyce!?" Sadyang wala Lang talga akong balak pansinin si jhenn ngaun focus ako kay jude! Perooo.

^.^ Kinawayan ko, di ako pinansin! At pagtapos nun narinig ko ang malakas na tawa ni jhenn! Alam ko na yan! Nang iinsulto na yan. kaya yumuko nalang ako papasok ng room at pinagpatuloy ang paglilinis ko.

"Anyare teh? nga nga ka? Bwahahahaha." Pang aasar ni jhenn nang makapasok na kami sa room. sa inis ko nilapag ko yung bag ko sa upuan. "Pinansin ka? HAHAHAHAHA" taena, isa pan asar neto sisibatin ko na to gamit ung broom na hawak ko! alam nyo kung di ko lang bestfriend to matagal ko na tong ci-nunjuring! 

"Will You please Shut up?" Pasigaw ko sakanya. (O diba english yon, American Expression ;P)

"Ay ang taray naman. umi- english ka na ngayon ha?"

"Eh, ano naman ngayun? sya nga pala di nako sasama mamaya!"

"Ayy! O sige iwanan ako sa ere? ganun?" Tinaas nya pa yung kanang kamay nya.

"Nawala na yung mood kong umalis, dahil sa pang aasar mo." Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap, "Bestfriend naman eh! to kamo parang di mabiro" Panglalambing nya, ABA dinadaan nya nanaman ako sa puppy eyes and pouted lips nya. Syempre JOKE LANG na di ako sasama, syempre pang blackmail ko lang sakanya yun para tumigil na sya sa pang aasar. HAHAHAHA :D.

"Oh sige na pala hindi na kita aasarin. Sama ka na ha? Tara tapusin na natin to." Mabilis na sagot nya, at ako naman nag mistula nang bato di na rin ako naka sagot. ano pa bang sasabihin ko eh sasama naman talaga ako! YIPEEEEEE! EXCITED NA MEEEEEE! XD

it's almost 6:30pm nang matapos kami maglinis pauwi na sana kami nun, Halos nasa gate na nga kami eh kaya lang kung hindi ba naman ako ubod ng tanga, Nakalimutan kong hindi ko pala dala ung bag ko! naiwan ko sa room! -_____- kaya hayuuuuun. tumakbo na ko pabalik sa Room!

You'll be mine or i'll be yours! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon