PROLOGUE

4 1 1
                                    

TITLE: Happily Ever After
WRITER: KwentoNiLolo
DATE WRITTEN: 04-29-2016
DATE FINISHED: <ongoing>

- - -

Bata pa lang ako sobrang hilig ko na talaga sa mga fairytales. Yung tipong iniimagine ko na ako yung princess, tapos makikilala ko yung prince charming ko. Tapos dadating yung kontrabida pero bandang huli, happy ending ang mangyayari. Lagi kasi akong binabasahan ni mama ng fairytales bago ako matulog dati kaya sobrang nahilig ako sa mga fairytales.

Kabisadong-kabisado ko na nga yung flow ng story ng mga yan eh, lahat nga ata pare-parehas ng ending eh, na laging may kontrabida o dikaya naman may karibal tapos nagkakatuluyan ang princess at ang prince sa huli.

Nung bata ako, sobrang paniwalang-paniwala talaga ako na laging may happy ending...

Pero ngayon, tinapos ko na ang pagka-hilig ko sa fairytales na yan.

Tumatak na sa utak ko na hindi laging masaya ang ending simula ng nangyari ang lahat ng bagay na pinagdaanan ko sa family ko, sa mga kaibigan ko, sa sarili ko at sa lovelife ko.

Nakakapagod din pala talagang masaktan at umasa na maayos pa ang lahat. Nakakapagod na paulit-ulit mo nalang iisipin na "Okay lang ako, kaya ko pa to, maaayos pa ang lahat." kahit alam mong imposible na.

"...and they live happily ever after."

Nakakasawa na ding pakinggang tong linyang to na halos lahat ng fairytales ay makikita mo sa lahat ng ending. Paasa tong linyang to eh. Wala naman pala talagang ganyan sa totoong buhay.  Pati ba naman fairytales, paasa na!

Pero sa sobrang ka-bitter-an ko na sa buhay ko, dumating naman tong lalaki na nakapag-pabago sa pananaw ko sa buhay.

Tiniis niya lahat ng ka-dramahan ko sa buhay, pinapakinggan niya ako, tinutulungan niya ako, pinapayuhan niya ako, kinocomfort niya ako at naiiintindihan niya ako.

Yung mga tumatak sa utak ko na ka-dramahan ko, nawala.

Dahil sakanya. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako sumaya ulit.

Dun ko na naisip na, ang sarap palang wala kang iniisip na problema, wala kang kinikimkim na galit at walang lungkot na bumabalot sa isip at puso mo.

Ang sarap sa feeling na masaya ka...

Ang sarap sa feeling na inlove ka...

Ang sarap sa feeling na alam mong may nagmamahal sayo...

Ang kailangan mo lang talagang gawin ay maniwala sa sarili mo at sa mga pinaniniwalaan mo. Kalimutan ang malulungkot nangyari sa nakaraan. At pahalagahan at i-treasure ang nangyayari sa kasalukuyan. Kasi ito naman talaga ang mahala, yung nangyayari ngayon. Sabihin na nating mahalaga din ang nakaraan pero ito nalang ang isipin mo, di mo na mababago ang nakaraan pero pwede mong planuhin ang gusto mong mangyari sa kasalukuyan na alam mong tama at magiging masaya ka at ang tao sa paligid mo.

Happily Ever AfterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin