Never Gone (Part 1)

14 0 0
                                    

Ngayon pa lang ako nakatapos ng isang buong story. 😂 wala e pag inatake ng katamaran wala na. Hahaha. Masakit sa ulo ako magsulat pero i hope you'll enjoy reading. Haha. Pagtyagaan nyo na yung amateur. 😅😅

NEVER GONE
Part 1

I'm East, East Clyde Lewis.
Head Chef and Manager working at one of my family's own Hotel and Restaurant.
28 yrs. old. Happily married to my college sweetheart, my beloved Rhian Claude Tan.
The sad thing is, she's not with me now, she's in a place quite far from where I am. But it doesn't matter, Love isn't about being always physically together, actually, I believe that being apart makes our relationship stronger.

Before I left for work, I did my daily habit, I took my laptop and started typing.

Everyday, I make it sure that I never fail sending her Emails no matter how busy I am.

Date:03/24/16
Recipient:rhianclaud_tan@hotmail.com
Sender:Lewis_EastClyde @hotmail.com

Message Body:

"I bet you'll be really glad with my surprise for you today.

Guess what? I finally got our dream house. Mamaya, magsisimula na akong ilipat yung mga gamit dun.

Grabe. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na nabili ko na yung bahay na pinapangarap lang nating dalawa noon.

Pareho lang nung pakiramdam nung una kong nagamit yung dream car natin, yung nung lumapag na yung unang yapak ko sa France, sa Japan, sa Australia at sa lahat ng mga lugar na pangarap lang nating puntahan noon pati yung nung natapos na yung pangarap mo na sarili mong flower garden sa Baguio.

Naaalala ko pa yung sinabi mo noon, nagalit ka nung sinabi kong hindi ko kailangang mag aral noon at magtrabaho ngayon dahil may pera naman kami.

"You can't be a dependent spoiled brat forever."

Haha. Ansunget mo. Natatandaan mo pa? Yan yung sinabi mo sakin nun. First time nating magkausap nun dahil sa activity na pinagawa ni Ma'am Susie satin. Remember? 1st year, 2nd Sem. Speech and Oral Communication Subject natin yun, pinartner tayo ni mam sa mga di natin ka close to talk about each other's lives to see how efficient English speakers we are, wherein I ended up being paired with you.

Nailang ako nung nalaman kong ikaw yung partner ko. Kasi naman mukha kang masunget. Haha. Tapos si Charmaine, yung bestfriend mo, yun lang yung nakikita kong kausap at kasama mo lagi.

Although, noon pa lang, madalas na kitang tignan dahil ewan, para sakin, kakaiba ka, you dress boyish pero hindi ka nagmumukhang tomboy, ancutecute mo pa din tignan kaya nga pag bago yung prof at di ka pa kilala, napapagkamalan ka laging high school na naligaw sa college department. Hahaha. I never imagined na possible na makita sa isang tao yung pagiging cute at astig at the same time. Idagdag pa yung mysterious aura mo dahil ancold lagi ng mata mo and andalang mong ngumiti.

There's something on you na wala sa ibang babae. Hindi ka naman kikay at never kang nagpacute katulad ng ibang babae pero andami mo pa ring admirers, anhaba ng pila. Pero ni isa, walang nagtatangkang manligaw sayo nun.
Natatakot maybe, at kahit nung umpisa hindi ko inaamin sa sarili ko, isa naman talaga ako dun sa mga lalaking nahulog sayo ng wala ka man lang ginagawa, effortless. But since mukhang anhirap mo ireach out, dahil bukod sa madami akong kaagaw, masyadong mataas ang level mo compared sakin, bukod sa social status, wala na kong iba pang maipantatapat sayo. You're popular on the whole college dahil laman ka ng indoor competetions ng school, sas cultural events, sa pagsusulat, pati visual arts, Dean's lister, Student Council Officer ka pa. Sabi nga nila, ayaw mo lang magtry ng outdoor activities like dancing and sports pero kaya mo naman. On the other side, I'm just a douchebag. Tama ka, isa akong spoiled brat na nakadepende lang sa mga magulang ko. Nakatapos ako ng elementary at high school ng dinadaan lang sa pera nila daddy para lang di ako maging kahihiyan ng pamilya. I never took my studies seriously back then.

Sa totoo lang, isa si Ma'am Susie sa mga pinakaayaw ko na prof but I'm thankful na dahil sakanya, nagkaroon ako ng chance na makilala ka. Hindi naging maganda yung naging pag uusap natin sa activity na yun, kasi naman, haha, i admit, masyado akong mahangin, sa sobrang kagustuhan kong masulit yung opportunity na yun para makausap ka, ginawa ko lahat para magpaimpress sayo. Yun nga lang, sumobra. Haha. Nayabangan ka sakin and I really pissed the university's Ice princess that time to the point na nagkataasan na tayo ng boses arguing and defending our own opinions. Ang ending? For the first time, the perfect Rhian Claude Tan got scolded by a professor and was kept under disciplinary action for misbehaving in front of a professor inside the class.

Inis na inis ako sa sarili ko nun dahil na DA ka dahil sa kalokohan ko. We're asked to stay inside the Disciplinary Room after they confiscated our cellphones. Pero sorry na dahil pinagpatuloy ko pa din yung pangaasar sayo nung nandun na tayong dalawa. Ikaw naman kasi. Ancutecute mo mapikon. haha. Nakakadugo ka ng ilong kausap sa tatas mo sa English pero ewan ko ba, kahit na galit na galit ka na sakin nun kinikilig pa din ako. Napakaabnormal ko talaga. Haha.

Nung natapos na yung last class ng 6pm pinuntahan na tayo nung guidance counselor at kinausap, then, she asked us to sign a waver na nagsasabing pag inulit pa natin yun masususpend na tayo, she took out a box kung san nya tinago pansamantala yung phones natin. Nun ko lang napansin na pareho pala tayo ng unit ng phone, nauna kasi akong pumirma. After mo pumirma, nagsorry ka dun sa guidance counselor tapos dalidali mong kinuha yung isang phone at tumakbo palabas, sinundan kita ng tingin at bago ka tuluyang makalabas, lumingon ka pa, haha. Oo kinilig ako nun. Lumingon ka pa talaga para lang irapan ako sabay takbo. Hahahaha. Sobrang cute mo nun. That very moment, I admitted to myself na nababaliw na ako.
Nababaliw na ako sayo, Rhian Claude Tan.

But then, di pa pala dun natatapos ang swerte ko, after a whole day with you, may bonus pa. Haha.

Kasi yung phone na naiuwi mo, sakin yun, yung naiwan sakin, yung sayo. Nagulat pa nga ako nung nabukas ko, may pincode kasi, pareho nung sakin. Nung binuksan ko lang yung messages, dun ko lang narealize na nagkapalit tayo. Haha. Andami mo ng text gamit yung phone ko. We agreed to meet the following day para magpalit ng phone.

That day, humingi na ko ng tawad sayo, nung una ayaw mo pang maniwalang sincere ako at baka pinagtitripan lang kita. Pero buti na lang napapaniwala kita. Haha. God! Napakahirap mo kaya iconvince. Hahaha. Pero worth it naman. Nakasabay pa kita maglunch nun, sabi ko ititreat kita bilang peace offering ko sayo. Andami kong nalaman tungkol sayo nun.

Makulit ka pala, madaldal, sabi mo talagang napapagkamalan ka lagi na masunget pero ok lang sayo kesa naman sabihan ka ng Feeling close. Nalaman ko din na magkabirthday tayo. Kaya pala nung inenter ko yung pincode ng phone ko sa phone mo, nabukasan, kasi birthday mo din yung pincode na ginagamit mo.
101387

NEVER GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon