Never Gone (Part 6)

1 0 0
                                    

NEVER GONE
Part 6

Dalawa na sa mga pangarap natin yung natupad noon mahal.

March 30,2008.
Yung time na matutupad yung pangatlong pangarap natin.
March 29 palang ng gabi di na ko mapakali, panay ang tawag ko sa mga dati mong classmates na landscape architecture para siguraduhing okay na yung pinaayos ko sa kanila.
they know how good you are at napamahal ka na din sa kanila kaya naman di ako nahirapan na kumbinsihin silang tulungan ako nung nalaman nilang para sayo yun.

Kaso mahal,
Andaya mo.
Di mo hinintay na makarating tayo ng baguio.
Kaya pala nung bago tayo ulit bumyahe dahil nagstop over tayo para kumain, yinakap mo ako ng sobrang higpit, kissed me, looked sincerely into my eyes and told me you love me so much tapos nagpaalam kang matutulog ka muna hanggang makarating tayo sa pupuntahan natin.
Nagsalita kapa nun habang nakapikit ka.

"Mahal make sure you always check your email for messages ha."

Habang nasa byahe I cant stop staring at my beautiful wife who's in the driver's seat.
Naisip ko nun, grabe, sobrang swerte ko sayo, mali, sobrang blessed ko na nilagay ka ni Lord sa buhay ko.
di ko mapigilang ngumiti nung marating ko na yung gate na binuksan ng dad mo at nakita ko na sa loob yung mom mo, si mama, tsaka sa papa, si Charmaine, si Sheila, yung batchmates natin pati mga professors.

Kaso mahal.
Bakit?
Bakit di ka na gumising?
Sabi mo matutulog ka lang saglit hanggang makarating tayo dun sa pupuntahan natin.
Mahal andun na tayo.
Ayun na yung pangarap mo.
Bakit mahal?
Sabi mo di ka bibitaw.
Sabi mo di mo ko iiwan.
Sabi mo kahit kailan di ka mawawala sa tabi ko.
Mahal.
Bakit?

Anhirap tanggapin. Lahat kami di makapaniwalang wala ka na.
Lagpas 6 months na pero sariwang sariwa pa din yung sugat na naiwan sa puso ko nung araw na yun.
Yung araw na yakapyakap kita at pinipilit na gisingin ka, hindi ko alam kung bakit pero ansakit tignan, yung mahal ko, nasa bisig ko, wala ng buhay. Pero may isang bagay na hindi makakalimutan ng lahat ng naroon, yung ngiti kung saan ako nahulog, even at you're very last second living, you're still wearing it, that genuine smile, hawakhawak mo din that day yung kasunduan na pinirmahan natin bago tayo magstart ng OJT.

October 13,2008. Birthday natin yun mahal. Sabi ko kina mama ayokong magcelebrate. Para san pa? Wala ka na. Wala ng dahilan para makaramdam ako ng saya, napakatanga ko kasi. Kung sana inalagaan kita ng tama, kung sana di ako nagpakakampante sa twing sinasabi mo noon na okay ka lang, siguro di bumalik yung sakit mo, siguro kasama kita ngayong birthday ko. Nagkulong lang ako sa kwarto buong araw. Nung gabi na, hindi ko alam kung bakit pero naisipan kong bigla na magopen ng email ko. Nung huli kong binuksan yun, nung nagsend pa ako ng blueprint ng bahay na ipapagagawa ko para satin. February pa yun.
To my surprise. Andami ko palang namiss basahin na emails.
My tears fell down automatically. Simula pala noong araw na iniwan mo kami, up to the day today, bawat araw may message na dumadating sa email ko galing sayo. Malamang scheduled messages yun. Grabe. Para akong tanga noon na tumatawa habang umiiyak. Napakautak mo talaga kahit kailan mahal. Binasa ko lahat at mukhang ginawa mo lahat yun para tulungan ako to get through each passing day na wala ka na.

Simula noon, araw araw ko ng chinecheck yung email ko para basahin yung scheduled messages mo, nirereplyan ko yung mga yun, oo anlakas makamukhang tanga pero ano bang paki nila.

March 24,2009 saktong hatinggabi, dumating yung message mo para sa araw na yun.

Date: March 24,2009
Recipient:Lewis_EastClyde@hotmail.com
Sender:rhianclaud_tan@hotmail.com

Hi mahal! Musta gising? Hm, sana maganda. :) it's our day today.
HAPPY 1ST WEDDING ANNIVERSARY MY BELOVED HUSBAND.
Maraming maraming salamat sa lahatlahat. Napakablessed ko dahil dumating ka sa buhay ko. Mahal inaantok na ako. Haha. Kasi naman pang 360 na message na to. Hindi ko naman na kailangan pang isaisahin lahat ng gusto ko pang sabihin. Alam mo naman lahat na yun diba? Mahal pasensya ka na, ito na yung huling message na masesend ko sayo. Di na kaya ng powers ko e. Tsaka mamayang konti uuwi ka na. Ayokong maspoil tong plano ko. Haha. Magback read ka na lang mahal twing namimiss mo ako. Wala e. Tinatamad ng magtype tong asawa mo. Hahaha. Sorry na mahal. Aaah. Basta. Mahal. Kahit anong mangyari wag na wag mong kakalimutamg mahal na mahal na mahal kita. Im always here for you. Lagi kitang babantayan. Tutuparin ko yung pangako ko sayo na di kita iiwan, I'll always be with you, hindi man physically pero yung pagmamahal ko hinding hindi mawawala yun. I LOVE YOU SO MUCH BABE KO, PRINSIPE KO, MAHAL KO, ASAWA KO. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA AT WALANG MAKAKAPIGIL NUN KAHIT KAMATAYAN PA. I LOVE YOU. I LOVE YOU. I LOVE YOU.

Tulad ng lagi kong sinasabi kahit nung di pa tayo close, IBA KA TALAGA.
Haha. Yung bahay na pinlano kong ipatayo way back February 2008, ipinatuloy ko na last year, October 13,2015.
At gaya ng sabi ko, magsastart na kong maglipat ng gamit dun mamaya. Pero syempre pupuntahan muna kita dyan sa garden natin sa baguio.
Haha. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi bumibili pa ko ng flowers lagi para ilagay sa puntod mo tapos pag andun na ko marerealize ko bigla na napapaligiran ka naman dyan ng sandamakmak na bulaklak. Panigurado kung nakakapagsalita at nakakagalaw ka pa tatawanan mo ako tapos kukurutin mo yung pisngi ko gaya ng lagi mong ginagawa noon sabay ngiti at halik sa noo ko. See you mahal. Papunta na ko dyan. Kasama ko yung dalawang anak natin, dati gustonggusto mong mag alaga ng aso kaso bawal kasi may asthma ka pero dont worry, Im taking very good care of Claude and Clyde, haha. Ayan sinunod ko yung gusto mo na yung 2nd name natin pareho yung ipapangalan sa mga anak natin. HAPPY 8TH WEDDING ANNIVERSARY MAHAL KO. Thank you for always being with me the whole time. Thank you for always keeping your promise. Tama ka, YOU'RE NEVER GONE. I LOVE YOU SO MUCH."

NEVER GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon