Never Gone (Part 3)

66 0 0
                                    

NEVER GONE
Part 3

Pagdating ko sa resto kung saan ako nadeploy, nabigla ako sa mga dapat gawin. I didn't expected na ganun pala kabigat yung trabaho. Sobrang nakakapagod, dagdag pa yung depression na di kita nakakausap. Magkausap man tayo, twing gabi na lang, hanggang 4pm lang yung ojt mo pero hanggang 9pm yung sakin kaya wala din. Swerte na pag umabot ng isang oras tayong magkausap. Mas matagal pa yung paghihintay mo kesa sa pag uusap natin pero okay lang sayo, sabi mo nun, ang importante, nagkausap tayo. Nung minsang sobrang pagod ako, pagkauwi ko sa dorm nakatulog na ako agad at di na kita natext o natawagan.
Kinabukasan paggising ko, andami mong text at missed calls, alas kwatro ka na nakatulog sa kakahintay mong magrespond ako. Alalang alala ka na baka may di magandamg nangyari sakin. Nung tinawagan kita, ikaw pa yung nagsorry dahil nakatulog ka at di mo kamo nahintay yung response ko. Wala akong masabi. Kasalanan ko na, ikaw pa humihingi ng tawad. Mahigit isang buwan tayong ganun. Hanggang sa nakunsensya ako nung nakita ko yung post sa fb ng ka ojt mo na picture nyo, anlaki na ng pinayat mo, halatang halata sa mata mo na lagi kang puyat dahil sa paghihintay sakin. Pakiramdam ko ang kapal ng mukha ko, pagod ka din naman sa ojt mo, dagdag pa yung sakit mo sa puso na kahit di naman ganun kalala e nakakadagdag pa din sa hirap mo dahil mas madali kang mapagod, tapos napupuyat ka pa dahil sakin.

Kaya bago ako pumasok nun, tumawag ako at sinabi kong wag mo na kong hintayin, na magpahinga ka na lang at mag iwan na lang tayo lagi ng message kahit na di agad mareplyan.

Pauntiunti parang nakasanayan ko na nun na di ka laging kausap. Yung mga katrabaho ko yung lagi kong kakwentuhan. Naging malapit ako sa isa sa mga katrabaho kong babae na nag o ojt din dahil may buddy system doon at sya yung naassign na partner ko, pero di ko naman yun nilalagyan ng malisya nung una at lagi kong pinapaalala sa sarili ko yung pangako nating dalawa.

Nirespeto mo yung desisyon ko kahit na ayaw mo, pero twing mag iiwan ka ng message, laging nobela, andami mong kwento, andami mong paalala, nothing less from my princess. Habang ako, sa pagmamadali ko, ay mali, sa katamaran ko, makapag good morning lang ako o goodnight ok na. Pero nagreklamo ka ba dun? Hindi. Kahit na nga Cge lang yung text ko at sobrang late reply pa, mabilis pa sa kidlat yung nobela mong reply. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sakin non, mahal kita pero ramdam na ramdam kong lumalayo na yung loob ko sayo, at aminado ako na dahil yun sa nababaling yung atensyon ko kay shiela, yung buddy ko sa trabaho. Para syang kambal mo, sa kakulitan at pagiging masayahin walang wala kayong pinagkaiba, yun nga lang, tamad syang mag aral, umiinom at mahilig pumarty.

January 8,2008. tuwang tuwa ka nung tumawag ka nun dahil alam mong day off ko. Birthday ng Daddy mo, alam ko yun syempre. Pero birthday din nun ni Shiela. Kaya kahit na pwede naman akong umuwi nun, nagdahilan ako sayo na may malaking event sa pinag o ojt han ko kaya kailangan kong magstay. Transparent kang tao. Madali kang basahin, kaya even behind ng masigla mong

"No, it's fine babe, work first before me diba? Marami pa namang ibang araw. In the first place, para yan sa future natin right? So it's perfectly fine I swear. Just make sure you get enough rest, eat on time and wag magpuyat ha. Galingan mo sa trabaho mahal ko. Kayangkaya mo yan. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ka ng abnormal mong girlfriend. I LOVE YOU SO MUCH."

Damang dama ko pa din yung lungkot mo.
Nung nabasa ko yan. Yung naramdaman ko, hindi katulad nung saya at kilig na nararamdaman ko before, what I felt that time was guilt. Pero wala. Nasabi ko na, di ko na mababago yung desisyon ko, mas pinili ko si shiela over you.

Later that day, behind the guilty feeling, pumunta pa din ako kila shiela. Kaya ko naman uminom pero sobrang dalang kong gawin yun, twing may okasyon lang sa bahay o kaya sa inyo, tsaka ayaw mo din na umiinom ako. Pero pinagpilitan ni Shiela na pagbigyan ko sya dahil birthday nya naman kaya napainom ako.

Hanggang sa tipsy na si Shiela, dikit na sya ng dikit sakin, nahihilo na ko nun, my sight have started getting blurry na din. Pero aware pa naman ako sa mga nangyayari, oo aware ako at deep inside gusto ko yung ginagawa nya kaya hindi ko man lang yun pinigilan, hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo. Pumayag ako, nagpalandi ako dahil tangina malandi din kasi ako. Para kaming magkarelasyon kung gumalaw ni shiela that night, wala na, nadala na ako, nakalimutan ko ng may girlfriend ako. Her parents even asked me to spend the night there dahil sobrang lasing ko na. Pinatulog nila ako nun katabi ng kuya ni shiela.

Kinaumagahan,umuwi na ako agad dahil may pasok na sa resto. Pagdating ko sa dorm hindi ko mahanap yung phone ko, kaya tinanong ko kay shiela through facebook, tama naman ako ng napagtanungan dahil nasa kanya pala talaga, di ko na kasi matandaan kung san na napunta yun nung gabing yun. Yun nga lang, sabi nya, di pa nya madadala dahil magrereport sya sa school regarding sa ojt nya at di sya makakapunta sa resto for some days. Naibalik nya naman after a week. Lowbat na kaya di ko na nabuksan agad.

Pagkauwi ko, chinarge ko agad at halos ibalibag ko yung phone ko sa mga nakita ko sa fb nung nag online ako. Im such a jerk.

Andami mong message at missed calls, pero yung voice message mo, yun yung nagpaguho sa mundo ko.
Umiiyak ka nun, rinig ko pa yung mga hikbi mo noon sa voice message.

"Babe, anong nangyari? Nagpromise ka diba? Nagpromise tayo. Na ako lang, na ikaw at ako lang. Mahal sino sya? Bakit ganun? Anong nangyari? Ansakit mahal, sobra, sobrang sakit, parang pinagpirapiraso yung puso ko, mali, parang dinurog yung puso ko. Pero mahal, anong magagawa ko? Wala na di ba? Talo na ako agad sa laban na di ko man lang alam na nag eexist pala. All this time akala ko kasama kitang lumalaban, yun pala, ako na lang yung lumalaban para sa relasyon natin na nakalimutan mo na. Pero mahal, diba umpisa pa lang, sinabi ko na sayo noon, na kung dumating yung time na hindi ka na masaya sa akin, iwan mo ako, find your happiness, I'll rather choose to let you go kahit na hindi ko kaya kesa nasakin ka pero di ka naman masaya. Mahal ansakitsakit, pero wala na, wala na kong magagawa, but just to let you know, mahal, ako, I sticked to our promise, ni minsan hindi ako tumingin sa ibang lalaki, nilalapitan nila ako oo, there were plenty of them, pero kilala mo ako, ikaw at si Daddy lang ang lalaki sa buhay ko. Mahal, tumupad ako. Kinaya kong malayo sayo dahil sabi mo kayanin ko para sayo, para sa ikatatatag natin, para sa kinabukasan nating dalawa.
I endured it all mahal, yung layo, yung kawalan mo ng time, yung pagkabusy mo, yung coldness mo, yung pagdadahilan mo na nag o overtime o pumapasok ka kahit na alam ko namang di totoo dahil daddy ni Charmaine yung owner nung pinag o ojt han mo kaya kahit papaano monitored kita pero yung schedule mo lang naman yung tinatanong ko sa kanila dahil may tiwala naman ako sayo, gusto ko lang malaman yung mga time na free ka dahil ilang beses kong in attempt na isurprise ka pero lagi kang nagdadahilan kaya di na natutuloy, lahat yun mahal, tiniis ko, kinaya ko, kasi umaasa ako na pagkatapos naman ng lahat ng yun magkakasama na tayo ulit. Each day all I think about was you pero you're not doing the same pala. Ayaw kitang pakawalan, ayaw kitang mawala, cause that will be the worst decision I'll ever make. Pero para sayo, for the sake of your happiness, I'll let you go and leave me. But I'm sorry kasi hindi mo ko mauutusang tigilan ang mahalin ka. I'll never ever gonna stop loving you, you're my first and my last, my one and only true love. Hayaan mo ko, to still love you even just from afar. Mahal na mahal na mahal na mahal kita."

NEVER GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon