Akala ko kaya ko,
Akala ko balakid lang na sibrang daling lagpasan... Magtiwala ka lang.
Ngunit nakailang ikot na ang kamay ng orasan,
Ang ritmo ng paghinga ko ay tila para paring nasasagasaan."Magtiwala ka lang," sabi mo
Pero wag mo naman akong piliting manilawa muli sa pangako mo,
Dahil gusto kong malaman mo na hindi pa ako tapos iubo ang natitirang tubig sa lalamunan ko, simula nung huli mo akong lunurin.
Lunurin sa mga pangako mong tila hindi matapos mapako.Hindi ko alam kung ikaw ang bawat umagang sumisibolo sa bawat pagasa o ang makapigil hiningang paglubog ng araw.
Kung ikaw ang nakakaenganyo simula o ang nakakalungkot na pagtatapos ng istorya... Na nagsasabing... Tapos na... Kaya tama na...Ang sakit isipin na ang pagmamahalan natin ay parang isang mapanganib na tulisan,
Hindi pa naguumpisa ang giyera... sugatan na tayo't duguan.Na sana hindi nalang natin tinuldukan ang ating istorya,
Kung puede lang palitan ng tatlong tuldok o higit pa.
Para malaman mo at nila na hindi pa kita binitawan,
Binitin lang tayo saglit ng tadhana.
Dahil may darating pang masmagandang kabanata.© 2016 _IdEst. All Rights Resereved.
YOU ARE READING
Scattered Thoughts
PoesíaHi! This page is about my never ending slash chaotic thoughts about life. Within this area I will probably express it by poetry, short story etc. ****** All rights reserved. This book or parts thereof may not be reproduced in any form, stored in any...