My Publicity Boyfriend, Park Chanyeol

2.5K 43 15
                                    

My Publicity Boyfriend, ParkChanyeol

written by: eyamazing

PROLOGUE.

Hanggang ano ba ang pwede mong gawin para sumikat? 

Hanggang kailan ka magpapanggap sa harap ng camera?

Hanggang kailan ka manggagamit ng tao para mas lalong umangat ang iyong kasikatan? 

Hanggang kailan ka magsisinungaling sa mga tao na okay na okay pa rin ang pamilya mong kilalang-kilala sa showbiz?

Hanggang kailan mo matatago na nasasaktan ka rin pala at kailangan mo rin ng isang taong makakaintindi sayo?

Kaya mo bang magpakatotoo na ngayon?

Kaya mo na bang sabihing, "Hindi ako perpekto. Kailangan ko din kayo.?"

O patuloy ka pa ring magpanggap bilang isang Shianne Clark na perpekto at walang problem sa buhay?

- - - - - - - - - - - - - - -

"Sino siya?" tanong ko sa kakapasok lg sa kwarto na si Claryze. May kasama siyang isang matangkad na lalaki, may pagka-wavy yung buhok, may suot na glasses na walang lense at palong yung tenga. 

"Shianne, ito si Chanyeol. Kilala mo naman siguro siya diba?"  

"Hindi. Itatanong ko pa ba kung sino siya kung kilala ko siya? God, Claryze! Common sense please!"  

Hindi ko na siya tinatawag na Manager, Ate, Noona, Unnie or anything. 2 years older lang naman ang tanda niya sakin at parang magkapatid na rin kami niyan. 

"Naku, wala ka naman sa mood! Bahala ka diyan! I-entertain mong itong si Chanyeol. Get to know each other." sabi niya at tinulak si Panyeol sakin. Teka? Tama ba? Panyeol pangalan nun diba?  

"Maiwan ko na kayo. May meeting pa ako." pagkatapos nun ay lumabas na siya sa pinto. 

Hinarap ko ang palong na dinala ng grumpy old Claryze na yun. 

"Panyeol, right?" tanong ko sa palong. 

Ginulo niya ang buhok niya. "Uhm, it's Chanyeol.

"Ah." yun nalang ang nasabi ko at umupo sa sofa sabay on ng TV. 

"I'm Chanyeol. You're Shianne, right? Shianne Clark?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya sakin. 

Unli ba toh? Ilang beses ba sa araw na toh kailangan sabihin na Chanyeol ang pangalan niya?! -______- 

Tiningnan ko lang ang kamay niyang gusto makipag-shake hands sakin. 

"Yeah. Now, move." sabi ko. Nakaharang kasi siya sa TV. 

Narinig ko ang buntong hininga niya at umupo siya sa tabi ko. 

"This is gonna be hard. Kasalanan ni Xiumin 'toh." narinig kong bulong niya. Napailing nalang ako. 

Bahala ka sa buhay mo, Chanyeol ka. Basta kailangan kita ngayon. Kailangan kita as my publicity boyfriend.

A/N: New story ko po! Hindi ko pa po alam kung magiging short story siya or long. May naisip na po kasi akong plot for the whole story pero hindi ko pa nasusulat. Sana po suportahan niyo ang story ko. Thankyou! Saranghaeyo. :">

-eyamazing <3

Dedicated to jonaxx kasi mahal na mahal ko siya. Ibalik mo si Wade Sexy Rivas!!! Huhuhu T_______T

#xoxo

Picture/gif ni Chanyeol at Kris sa gilid. Ewan ko ba't nasama si Kris. XD

My Publicity Boyfriend, Park Chanyeol (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon