Stunt #2

393 25 5
                                    

My Publicity Boyfriend, Park Chanyeol

written by: eyamazing

Stunt #2

First Scene

Pagdating ko sa bahay, agad kong ni-research ang EXO. Ang gwapo pala talaga nila. Pero mas gwapo sila sa personal kaysa sa picture.

Marami rin akong nalamang mga facts tungkol sa kanila.  

Si Suho ang leader nila tapos si D.O. ang ganda ng boses. Si Kai ang dancing machine (nakita ko ang mga videos niyang sumasayaw at shocks! Naiinlove ako sa kanya! >.<), si Baekhyun and lead vocalist at si Sehun ang maknae. Jongina! Kaya pala ganun makaasta ang Bihon na 'yun kasi bunso siya! Spoiled -_____- 

Si Chanyeol naman ay kilala bilang "Happy Virus" kasi nakakahawa talaga ang kasiyahan niya. Kapag tumawa siya, matatawa ka din. Yung madadala ka talaga. Katulad nung naramdaman ko kanina nung kausap ko siya. Yung pagtawa niya ay parang virus, nakakahawa. Siya rin ang main rapper ng EXO-K.

Nalaman ko rin ng 12 silang lahat at hinati sila sa 2 grupo. Isa para sa Korean market (EXO-K) at isa para sa Chinese market (EXO-M). Sina Luhan, Kris, Chen, Xiumin, Lay at Tao ang members ng EXO-M. Hindi na ako masyadong nagresearch tungkol sa M dahil hindi ko pa naman talaga sila nakikita in person. Saka nalang kapag nangyari na 'yun.

Nanood din ako ng ilang videos nila. Si Baekhyun at Chanyeol ay super close. Tinatawag pa nga silang "BaekYeol". Sobrang saya nila kapag magkakasama sila. Napanood ko rin ang Happy Camp kung saan nag-suot sila ng sisiw na costume. Kailangan mahuli ni Sehun (mother hen) ang nasa dulong chick (Chanyeol). Tawa ako nang tawa ng natumba si Chanyeol dahil nasira 'yung parang handle sa likod ng costume.

Madami pa akong napanood na mga videos nila. Mukha na nga akong stalker eh, at parang isang teenage fangirl dahil tumitili ako kapag pinapanood ko ang mga MV's at live performances nila.

Okay, inaamin ko. ANG HOT, GWAPO AT TALENTED NILA!!

Well, whatever. Basta 'yun lang 'yun.

Matapos kong magresearch (or mag-stalk) tungkol sa kanila ay nagbihis nalang ako ng pambahay.

Ginawa ko ang mga daily rituals ko, tulad ng panonood ng TV. Syempre, nasa balita naman ako. Number 1 na naman daw ang kanta kong "Everything Has Changed" sa Billboard 200, maka-cast daw ako sa isang bagong teleserye kasama sina Kimmy Chui at Garland Anderson, at marami pang iba.

Well, normal na para sakin ang ganitong buhay.

Pinatay ko ang TV at mahimbing na natulog.

- - - - - - - - - - - - - -

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko.

Ano'ng oras na ba?!

Ang aga-aga tapos tawag nang tawag ang taong 'to sakin?! Gosh.

"Hello?!" iritadong sagot ko. Wala ako sa mood ngayon lalo na't nadistorbo ang beauty sleep ko.

"Shianne." sabi nung tao sa kabilang linya. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at patuloy lang ako sa paghikab.

"Oh?" matamlay kong sagot.

Antok na antok pa talaga ako. T_______T

Lord, isumpa niyo po kung sino man 'tong gumiba sa beauty sleep ko. T_____T

"It's Chanyeol. Andito ako sa labas ng bahay niyo. Kanina pa ako tawag nang tawag wala naman sumasagot."

Agad akong napadilat at napatayo sa kama ko. "ANO?!"

My Publicity Boyfriend, Park Chanyeol (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon