15

17 0 0
                                    

Uuwi na ako .hindi na ako magtetext kay julen ayokong mag alala at maabala pa sya .

pinagtitinginan na ako doon eh.Ang mga mata pa naman ng tao ngayon ay mapanghusga.

Hanggang ngayong naglalakad ako pinagtitinginan parin ako kasi naman yung mga luha sa mata ko patuloy paring tumutulo. Siguro nasa isip nila ngayon baliw na ako.

-*-*-*-

Pag kauwi ko sa bahay may nag vi-videoke pa-__-akala ko peace dito mas maingay pa pala

~Maaari ba muna natin tong pag-usapan
Sa dami rami na ng ating pinagdaanan ~

Pagkapasok ko sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko.

Grabe naririnig ko hanggang dito yung kanta.

Packing tape yan pa talaga yung kanta ?nananadya ba si kuyang nagvi videoke ?-__________-

*sigh*

~Ngayon mo pa bang maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan~

Naiyak na naman ako .hindi talaga tumitigil sa pagluha yung mga mata ko.

"ANO BA YAAAAAAN!!!"

Sabay higa ko sa kama.

~Masikip sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas pinanghihinaan ng wagas~

Sa hindi ko malamang dahilan napalingon ako sa closet ko .

At doon ko nakita ang alaala namin .

~pwede bang pag-isipan wag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa~

Nagflashback yung panahon na nagdate kami kasi naman hindi ko na sya nakakasama sa school

Yung araw na yun nakita ko ang flaws nya.

Naiyak na naman ako.

"*sniff* akalain mo yun *sniff * takot ka pala sa horror booth *sniff * ha-ha-ha *sniff *"

Sa picture na ito kaming dalawa lang

Yung mga panahon na masaya kami

Yung mga panahon na kami pa

At

Yung mga panahon na ako pa ang mahal nya..

~Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati ~

Hindi ko na nakayanan napahagugol na ako sa sobrang sakit ng puso ko.

Pumikit ako.Sa pag pikit ko nakita ko na naman ang lahat ng mga happy memories namin .

~ May pag-asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y nag bago na
Ikaw at ako ay alaala nalang kung susuko kana ~

Yung mga masasayang pagsasama namin .

Yung pagmamahal na akala ko magtatagal .

Sa isang iglap nagbago at naglaho lahat

'kalimutan mo na ako'

Naalala ko ang sinabi nya

'kalimutan?'

Pano kita makakalimutan kung ang mga tanong ko ay hindi mo sinasagot ?

Hindi mo kasi alam na ang mga sagot mo sa mga tanong ko ang magiging dahilan para tuluyan na kitang kalimutan ..

Bakit Ikaw??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon