✔
"Resch....Josh's here" sigaw ni Art na mukang walang lakad"Yeah...i'm coming" sigaw ko pabalik
Nag suot lang ako isang Faded jeans at plain brown na croptop. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Art naka halukipkip sa may gilid. Mukang may kausap sya sa phone. Nahagip din ng mata ko ang gwapong lalaking nakangiti sa sofa. Kaya maraming nahuhumaling sa kanya bukod sa good-looking e maganda rin ang personality
"Goodmorning, Resch"
Ang Ganda ng ngiti nya "Goodmorning, josh. Let's go?
"Yeah....let's go" atsaka ako dumiretso kay Art para magpaalam na but he seems very busy kaya sinenyasan ko nalang sya
"Art seems so busy. Tara na?" Ngiti ko kay josh
"Uh okay. Let's go" sabi nya ngunit hindi ko maabutan ang mga mata nya.
Nauna akong maglakad sa kanya patungong garahe pero dahil sa matangkad sya at mahahaba ang legs nya ay nauna parin syang makarating sa kotse atsaka ako pinag buksan ng pinto.
"Thanks"
Tumango lamang si josh atsaka umikot papuntang front seat. Hindi naman kalayuan ang school namin kaya mabilis din kaming nakarating doon.masyado ata kaming maaga, halos wala pang tao sa loob ng campus.
"Sabi ni via late na daw sya mag eenrol" sabi ko para naman may pagusapan kami.
"Yeah...she told me that too." Sabi nya pero sa hallway pa rin ang mata nya. Maybe he have some secret, huh?
"Did your dad ask you about the son of mr. Nakpil, Resch?"
"Nope.why?" Halos nakalimutan kong sya nga pala ang kasama ko nung gabing iyon. I almost forgot him.
"Nothing. he'll transfer here " really? But hell i care, right?
"Uh oh? Really? Batchmate natin sya?" tanong ko kay josh na ngayon ay na sa akin na ang mata nya. Tinitigan nya ako na parang mababasa nya ang iniisip ko through my eyes.
"Ahead sya ng 1 year. " oh? College na sya? Ipinagkibit balikat ko nalang iyon.
Sabay kaming kumuha ng enrolment form. Nauna akong matapos sakanya kasi may sports sya may ilang forms pa syang ni-fill up. Ng natapos na sya ay dumiretso kami sa building ng dati naming teacher nung grade six. Tuwing nag eenrol kami ay dumederetso kami sa kanya. Nakasanayan na namin napakabait nya kasi.
"Hi ma'am. I miss you" ngiti ko sa kanya binati rin sya ni josh. classmate ko si josh nung grade six.
"Oh kayo pala. Imissyou more, Kariescha" naaalala ko si mommy sakanya. The way she called my name. hindi rin kami nagtagal kay ma'am.
"Josh can you just drop me at the coffee shop doon sa unahan ng subdivision?" I'm craving for my favorite.
"You sure? Medyo malayo pa ang bahay nyo doon.
"Yeah..i'm fine. Besides i can always call Art." Sabi ko habang kinakabit ang seatbelt.
Pagkadating namin sa coffee shop ay nagpaalam na ko sakanya meron din ata syang pupuntahan. Pumasok ako sa cafe at humarap sa counter
"Yes, ma'am?" Tanong ng cashier iba ito kesa sa dati maybe nag day off yung dati
"Can i have one frappe? Vanilla" Sabi ko
"What's your name ma'am?
"Resch..."
Umupo ulet ako sa may tabi ng bintana. May isang kotseng nag park sa may cafe lumabas doon ang isang perpektong lalaki. Oh the perfect leander nakpil. Ngayon ko lang na pansin ang features ng mukha nya. He have this long eyelashes na nag papaangat lalo sa kanyang dark brown eyes. He's perfect jaw line. He's pouty lips na nahiya ang maninipis kong labi. Naputol ang pag papantasya ko sa mukha nya ng dumating na ang order ko
