Chapter 2

65 3 0
                                    


  Chapter 2 : The Beginning Part 2


After 18 years............



" Jinx !! " Tumatakbong tawag  ko sa makulit na ito.  Arrrggghhh..nako naman oh, kahit kailan pahamak itong batang ito. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na siya iniwan eh, yan tuloy ako pa malalagot. 

Tumigil siya saglit at humarap sakin sabay labas ng dila. Then tumakbo ulit papunta sa playground.


"What the!" I uttered silently and  looked down. Kalma lang Ainee, mahaba pasensiya mo diba, sabi ko isip ko. Tumingala na ako ngunit wala na siya sa paningin ko. Habang hinahanap ko ang makulit na batang iyon bigla kong narinig ang sigaw ni Mother Superior. Shit! kailangan ko ng mahanap iyong babaitang yun. 

TING! Aha! hahahaha alam ko na kung paano. Pumunta ako malapit sa padulasan at sinimulan ang plano ko.

"Ceeeeny..." I called  in a creepy tone. While walking around.

"CEeenyyyy.." I called her again. Jinx Ceeny kasi ang una niyang pangalan. At ayaw na ayaw niyang tinatawag na ganoon.

"Where Are Youu, HIIIIHHii" Abat naman talagang hindi lumalabas huh. Tignan natin ang susunod kong gagawin.

"Maggagabi na, paparating na sila. Nakakatakot ang mga mukhang na--" Hindi ko pa man natatapos naputol ako ng sigaw niya.


"Ahhhhh, Noooo! " Sigaw nito na halatang natatakot at lumabas sa pinagtataguan niya. Dali-dali itong lumapit saking at yumakap sa bewang ko. 


HAH! A victory smile slowly formed in my lips. Tinignan ko siya na hindi pa rin bumibitaw sa pagkayakap niya sa akin. 


Tininanggal ko ang pagkakayakap niya at yumukoako upang pantayan ang kanyang basang mukha. Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking hinlalaki.


"O ano, magiging pasaway ka pa ba?" tanong ko sa kanya.


"Hi-Hindi na po ate" humikbing sagot niya. Bumuntong hininga na lamang ako at inalok ang aking kamay na siya namang kinuha niya.


Naglakad na kami pabalik ng orphanage. Nadatnan namin si mother superior na nakaabang sa gate. Nako, lagot na talaga. Habang papalapit kami, unti-unti  kong nakita ang galit na mukha ni sister. Lumunok ako, bago nagsalita.


"Pa-pasensiya po talaga Mother Superior" Kinakabahang sabi ko. Ngunit hindi pa rin siya kumikibo, bagkus ay malamig na tinignan niya lamang ako.


Humigpit naman ang hawak sa akin ni Jinx na halatang natatakot sa mukha ni  Mother Superior. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, sa wakas nagsalita na siya.


" Pumasok na kayo" mahinahong sambit niya sa amin ni Jinx at tumalikod. Wooh! Nakahinga ako ng maluwag dun ah, akala ko pa naman kung ano ang sasabihin ni Mother Superior.

Sumunod naman kami at nang makapasok na loob ng orphanage, nagpaalam na si Jinx kay mother Superior at dali-daling lumakad papunta sa kanilang kwarto sa itaas. Nilingon ko si Mother Superior at magpapaalam na sana ako ngunit nabigla ako nang magsalita siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon