Chapter 20 (Last Time) PART I

9 0 0
                                    


A/N: I know its been almost a year after my last update but here, I am knocking on your doors once again to witness the first part of the Finale of Gabrielle and Erika


Gab's POV

I'm so happy na kasama ko siyang nag-lalakad pauwi even though I'm still hurting on what, I saw a while a go

Nakangiti tuloy ako habang tinititigan ko sya parang nag-karoon ako ng instant flashback sa lahat ng nangyari saakin throughout my summer review class. Those funny moments that we shared together including the times na pinapakilig nya ako tuwing ngumingiti sya.

"Gab" mahina nyang sinabi

Napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa kanyang mahinang pag-tawag

"Erika may problema ba?" tugon ko naman sakanya

"Di mo ba napapansin na umaambon na?" nakangiti nyang sinabi

Hindi ko na pala napansin lahat nang nangyayari sa paligid dahil kanina pa ako nag-nanakaw ng tingin sakanya. Agad ko namang iniangat ang aking muka upang kompermahin kung umaambon nga ba talaga

(Plok! Plok! Plok!)

Nataranta ako sa mabilis na pag buhos ng patak ng tubig sa ulan. Unti-unti ko nalamang hinila si Erika sa silong na malapit saamin

Napalingon naman ulet ako sakanya dahil halatang nag-pipigil ito ng tawa habang nakasilong kami sa waiting shed. Pinagmamasdan ko lang ang buhos ng malakas na ulat at ang mga sasakyang dumadaan dahil wala ni isa samin ang nag-sasalita

"Ang tahimik mo" basag ko sa katahimikang nararanasan namin

Iniangat naman nya ang kanyang kamay at umiling iling ito na parang may mali sa mga nasabi ko

"Ang tahimik mo" ulit ko kasabay ng pag tapik ko sa kanyang balikat

Napalingon naman ito at binigyan ako ng matamis na ngiti na tila may iniisip itong malalim, nakita ko namang huminga ito ng malalim kasabay ng ingay na binibigay ng malakas na ulan.

"Dalawang linggo nalamang pasukan nanaman ulet" pag-uumpisa nya

Napatango nalamang ako dahil di ko alam ang aking sasabihin

"4th year na pala tayo sa pasukan tapos within a few moths mag-kakaroon na nang mga entrance examination sa mga malalaking mga university sa Manila" patuloy nya

"Hala oo nga! Di ko naisip 'yun" magalak kong sagot

Unti-unti nanamang bumalik ang katahimikan sa aming paligid, Napalingon nalamang ako sa aking gilid ng hindi man lang sya nag-bigay ng kanyang reaksyon sa mga nasabi ko. Hindi ko lubos maisip na umiiyak lang ako kani-kanina at halos desidido pa akong sukuan ang nararamdaman ko sakanya.

Alam kong nag-katitigan kami kanina habang pinapanood ko syang nakangiti kasama nung lalaking inalayan sya ng kanta at bulaklak. Oo masakit na makitang may ganoon palang klase ng eksena sa totoong buhay.

"Ano plano mo?" basag ko ulet sa katahimikang bumabalot sa paligid

"Kukuha nalang siguro ako ng pre-med na course sa college tapos pag-papatuloy ko nalamang 'yun kung kakayanin" sagot nya habang nakatingin sa malayo

"Ahhh hindi kase yun yung ibig kong sabihin" nauutal kong sinabi

Napalingon naman kaagad ito saakin at bigla naman itong natawa

"Hahaha, Ano ba ibig mong sabihin? Kala ko kase related parin doon sa tanong mo kanina 'yung huli mong tinanong" ani nya habang nakatingi sa akin

Liningon ko naman sya at biglang bumilis ulit ang tibok ng aking puso. Tahimik lang akog tinititigan sya habang ganun rin sya saakin, tila hinahantay nya ang aking sasabihin. Umiwas naman ako ng tingin nang ma-realize kong kanina pa pala ako nakatingin sakanya

"Aaaah......" panimula ko

"Kayo na ba nung lalaki kanina?" pikit mata kong sinabi

Pilit kong hindi pinapakinggan lahat ng mga tunog sa paligid kahit patuloy parin ang pag-bagsak ng malakas na ulan sa kalangitan. Oo ang tanga nung tanong ko pero mas mabuti nang malaman ko para di ako umasa sa wala, 'di rin naman ako dapat umasa dahil sa simula palang alam kong ako na talo dito dahil sa dami ng kanyang manliligaw.

Pagkakatanda ko pa binalaan pa ako ni Nianne na magiging mahirap lahat ng gusto kong mangyari kung susubukan kong ligawan si Erika. Hayyy nako! bakit ba ganito ang aking iniisip? Wala naman na dapat akong pakialam kung ano ang isasagot nya dahil kahit di nya ako gusto alam kong maraming babae dyan ang nag-kakandarapa saakin.

"Tungkol ba ito kay Axel?" nangangatog nyang sinabi

Dinilat ko na ang aking mata sa pag-kakapikit nito, I nodded slowly while looking a way. Narinig ko naman ang pag-hinga nito ng malalim bago nag-umpisang mag-salita

"Wala 'yun Gab kaibigan lang kami, sa totoo nga gustong-gusto kong tumakbo kanina dahil hiyang hiya ako sa pinag-gagagawa ni Axel"

"Namumula na ako habang kinakantahan nya ako kanina tapos idagdag mo pa 'yung mga nag-sisigawan at nanonood sa ginagawa nya kanina sa resort, Kung sa iba gusto nila 'yung ganong bagay well saakin I'm not a fan of public surprises" mahinahon nyang sagot

"Pero ang pinag-tataka ko lamang Gab ee bakit mo ako piniringan kanina at iniwan sa park? Kasabwat ka ba ni Axel? At kung di ka nya kasabawat...." Putol nya

"Bakit ka nawala nalang bigla? Nakita pa kitang tumatakbo palayo, hinahantay ko ngang lingunin mo ako kaso dere-deretso ka lang palabas ng resort" patuloy nito

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sagot nya o maiinis dahil iniisip nyang kasabwat ko 'yung kupal na Axel na iyon. Hindi ko rin mawari kung sasagutin ko pa ba 'yung tanong nya o hindi?

"Gab" mahinang pag-tawag nya sa aking pangalan

A/N: So how was it guys?

You Stole My Heart Away Erika Lazaro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon