'Forever exist but you have to work for it!' Pinagtitiyagaan at punaghihirapan upang makuha ito. Bakit sinasabi ng ilan na walang FOREVER? Sila ba yaong mga taong hindi pa nararanasang magmahal? Sila ba yaong mga nabigo sa unang pag-ibig? Nabigo sa pagkamit ng pangarap, posisyon sa eskwelahan, at ranggo sa silid-aralan? Totoo ang pagbabago ay hindi natin maiiwasan. Dito pumapasok 'yung ideya na walang FOREVER. Bakit kaya mayroong nagsasabing mayroong FOREVER at WALANG forever? Saan nga ba nag-ugat ang salitang iyan.?
No'ng pinauso ng isang kilala sa telebisyon ang salitang 'walang forever' ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga kabataan. Epektong baguhin ang mga pananaw ng bawat isa. Napapaisip. Maiisip nila ang kabiguan sa nakaraan. Hanggang sa sila na ay matangay ng kanilang damdamin at isipan. Tuluyang mapaplitan ang kanilang pananaw sa pag-ibig. Kung hindi man sa pag-ibig, basta may kaugnayan sa buhay ng tao.
Isa ka ba sa mga taong simula nang nagkaisip ay hindi pa nararanasang umibig? May dalawang bagay lamang 'yan kung bakit. Marahil, ang una, mailap ka sa mga taong nagbibigay sa'yo ng motibo. Ikalawa, mapili ka. Mayroon kang hinahanap na katangian na hindi mo makita sa mga taong nagbibigay ng pagsinta sa'yo. Alin man sa dalawa ay naglalayon pa rin na nagmamahal ka. Ikaw ba ay nabigo sa unang pag-ibig? Kung nabigo ka ma'y kahanga-hanga ka, sapagkat nakaya mo pa ring bumangon at harapin ang bukas. Hindi ka nagpakulong sa kabiguan mo kundi lumaban ka. At dahil lumaban ka naging matatag ka. Hindi mo masasabing nagmamahal ka kung ni minsan ay hindi mo pa nararanasang mabigo at masaktan. Hindi mo masasabing nakabangon ka kung hindi mo pa nararanasang madapa. Nabigo sa pagkamit ng pangarap? Alam nating lahat na tayo lamang ang kumokontrol sa ating buhay. Kung nabigo man tayo sa pagkamit ng ating inaasam ay may ilan na rason. Marahil hindi natin pinagbuti, hindi pinagsikapan at hindi sineryoso. Ilan lamang yan sa mga posibleng rason. H'wag nating isisi sa ibang tao ang mga bagay kung saan tayo nabigo, kundi sa ating sarili mismo. Minsan, tinanong na ba natin ang ating mga sarili? Sinuri at tinimbang na ba natin kung bakit nabigo tayo? Magsisimula mismo tayo sa ating sarili, sapagkat tayo ang gumagawa ng mga bagay-bagay - ikabubuti o ikasasama. Nabigo man, ngunit may pagkakataon pa rin tayong ipagpatuloy kung ano ang nasimulan. Makakaya pa rin nating abutin ang ating mga pangarap.
Sa pagkamit ng isang posisyon sa eskwelahan at pagkakaroon ng ranggo sa silid-aralan ay parang pag-ibig yan. May posibilidad na mapasayo at mapanatiling sa'yo o kaya'y mawawala rin ito. Tulad na nga ng aking nabanggit, ang ating mundong ginagalawan ay hindi konsistent. Maraming nagbabago at pagbabago. Kung nais mong manatili sa'yo ang isang bagay ay marapat na "PAHALAGAHAN" at "PAGHIHIRAPAN." Kung mayroon mang nawawala at hindi nakukuha kahit ibinigay mo na ang lahat-lahat na mayroon ka - puso't kaluluwa. H'wag mapapako roon kundi itanim lamang sa puso't isip na maging positibo. Dagdagan pa ang ibinigay na pagtitiyaga at higit sa lahat magtiwala sa sarili na sa kabila ng kabiguan makakamit din ang tagumpay at saya.
Kung ating susuriin at titimbanging mabuti mayroong FOREVER talaga. Tao o tayo ang pipili kung paano narin ito panghahawakan - sa isang relasyon, sa isang posisyon at ranggo sa loob ng eskwelahan, at sa pangarap. Hindi tayo pwedeng umasa lamang sa nararamdaman kung patungkol ito sa pang-FOREVER-kind-of-love. Ang ating pandamdam o nararamdaman ay nagbabago. Madalas, nagtatagal ang isang magkarelasyon dahil piniluli nilang manatili sa isa't isa kahit nakita na nila 'yung kapintasan o kahinaan ng bawat isa. At kahit nabawasan na ang pagmamahal nila sa isa't isa, mas pinili pa rin nilang ipaglaban kung ano ang itinanim nila sa kanilang relasyon. Dito pumapasok na mayroong FOREVER kung pipiliin mong manatili, h'wag sumuko at ipaglaban ito.
Ngayon, mag-iiwan ako ng isang katanungan dahil naniniwala pa rin ako na respetuhin ang bawat pananaw ng bawat isa. Kayo ang makakasagot kung naniniwala ba kayo sa FOREVER o Hindi?
BINABASA MO ANG
Kung Nagmamahal Ka May FOREVER!
FantasyIsang katanungan ang bumubulaga sa mga kabataan sa ngayon. Ang salitang patok na patok at naririnig saan mang sulok at saan mang lugar. Ang katanungang iyan ay 'Kung mayroon bang FOREVER o wala?' Ating tunghayan ang kwento o paglalahad tungkol sa us...