10 Years Ago
"Aray huhuhu" nakasalampak ako ngayon sa may damuhan habang umiiyak dahil ang hapdi ng sugat ko. Nakakainis naman kasi yung batang bumangga sakin di man lang nagsorry hmp!
Ang sakiiit T_T
"Anong iniiyak-iyak mo dyan?" napalingon ako at nakita ko si Ate Mik na papalapit sa akin.
"Ate Mik! huhu nadapa po ako ang sakit ng sugat ko huhu" iyak ko sa kanya.
"Lampa mo kasi" pumunta siya sa harapan ko at hinipan yung sugat ko. "Di kaya binunggo kasi ako kanina nong bata kaya nadapa ako!" sumbong ko sa kanya at wala pa rin akong tigil sa pag-iyak kaya hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan niya ang mga luha ko. "Shh tahan na wag ka ng umiyak ok? Gagamutin natin yan" tumango ako sa kanya at tumahan na. "Lika sakay ka sa likod ko" bigla naman akong na excite. Gusto ko yun!
"Sige sige sakay ako sa likod mo" natawa siya bigla at umupo patalikod sakin kaya pumasan ako agad.
"Ang bigat mo" reklamo ni Ate Mik ng binaba niya ako sa may sala nila pero di ko pinansin kasi nakita ko si Ral pababa ng hagdan.
"Raaaalll" tawag ko sa kanya at lumapit siya sakin "Hala anong nangyari sa tuhod mo Princess?" Lumuhod si Ral at tinignan ang sugat ko sa tuhod. Napangiti naman ako kasi ang sweet niya tapos tinawag niya akong princess hihi.
"Nadapa kasi ako kanina tapos yung batang bumunggo sakin di man lang nagsorry! Ang bad niya Ral" nakapout pa ako habang nagmamaktol sa harap niya. Natawa naman siya at kinurot ng marahan ang pisngi ko. "Haha ang cute mo!" mas lalo akong ngumuso at inirapan siya hmp! "Wag kanang magsungit dyan lika gamutin natin yang sugat mo" hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang kusina. Pero binitawan ko ang kamay niya ng maalala ko si Ate Mik kasi nakalimutan kong mag thank you.
Bumalik ako sa kung saan siya nakatayo at ngumiti. "Thank you Ate Mik! The best ka talaga" at hinalikan ko siya sa pisngi.
Present
"Bilis Ral ang bagal mo talaga kahit kailan" nandito kami ngayon sa school at hinihila ko ang pagong at matakaw kong bestfriend papuntang gym. Paano ba naman kase kanina tumambay kami sa canteen kasi ginugutom daw siya tapos walang katapusang kwentuhan ang ginawa namin kaya di ko napansin ang oras.
"Kung makapagsalita ka kala mo ang bilis bilis mo ah" maktol naman niya pero patuloy ko parin siyang hinihila. "Gutom pa ko Meg" Bahala siya dyan baka di na kami aabot kung magtatalo pa kami.
"Saan ba tayo pupunta?" seryoso di ba niya alam na may game ang ate niya ngayon? "Sa gym stupid nakalimutan mo ba na ngayon magsisimula ang laro ng ate mo?"
"Ngayon ba yon?" Kitams haynako puro pagkain kasi ang nasa isip. "Oo at kanina pa nagsimula yon" biglang nanlaki ang mata niya at tumakbo at ngayon ako naman ang hinihila niya tss.
"Patay tapos na!" hinihingal kaming dalawa nong makapasok kami sa gym at sa kasamang palad ay ang pagkapanalo nalang nila ang naabutan namin. "Ikaw kase eh ang bagal mo na ang takaw mo pa!" bulyaw ko sa kanya. Di tuloy ako nakapanood huhu gusto ko talaga manood ng volleyball game kahit di ako marunong basta nakakaexcite kasi tapos yung player kasing galing ni Ate Mik star player kaya siya kaya idol ko iyon kahit masungit haha.
As in masungit talaga siya yung tipong kapag nasa bahay nila ako kung irapan ako parang may ginawa akong malaking kasalanan tapos pag nagiging sweet kami ni bestfriend bigla nalang nambabara ewan ko ba dun at kapag dito sa school dedma parang di ako kilala tss. Maganda nga pangit naman ang ugali.
"Sorry na Princess" at niyakap yakap ako ng hinayupak na ito at si ako naman kinikilig oo gaya sa mga cliché bestfriends stories inlove ako sa kanya, inlove ako sa bestfriend ko at gaya din doon ang reason kung bakit ako nahulog sa kanya at bakit di ko masabi sabi hay. Kikiss niya sana ako sa cheeks ng may sumigaw.
"Raylee!" Si Ate Mik papalapit siya sa amin at hindi ko alam kung bakit galit na galit ang mata niya habang nakatingin sa akin. Oops andyan na ang tigre haha mainit na naman ang dugo sa akin. "Congrats ate!" bati naman ni Ral habang naka akbay sakin.
Tumingin sa akin si Tiger at umirap kaya inirapan ko rin tse sungit!
"Oh! hintayin mo ko dito sabay tayong uuwi!" bigla niyang hinagis kay Ral yung gym bag niya kaya sinalo ng isa natanggal tuloy ang pag akbay niya sakin hmp! haha ang lande. "Sabi ni Mama wag ka na daw mag lakwatsa dahil magdidinner tayo ngayon" dagdag pa niya. Eh paano na yong movie date namin?
"Luh mag sisine kami ni Meg ngayon eh" sagot naman ni Ral tapos tumingin sakin. "Di okay lang baka pagalitan ka ni tita next time nalang tayo manood" at ngumiti ako sa kanya ng medyo pilit eh alangan namang pilitin ko siya diba? At saka bestfriend lang ako di girlfriend.
Ngumisi naman sa akin si Tiger kaya sinamangutan ko siya. Alam kong alam niyang may gusto ako sa kapatid niya at alam ko ring di niya ako gusto para kapatid niya pero papakisamahan ko pa rin siya kasi diba magiging future sister-in-law ko siya kaya dapat magkasundo kami. *flips hair* hihi
Pauwi na kami at nandito ako sa backseat ng sasakyan ni Ral. Asar sa frontseat dapat ako uupo kaso si Tiger ang mag dadrive ha ayokong makatabi yon baka kainin ako. Pft sana di niya mabasa ang isip ko kasi for sure mabibeastmode yun sa tawag ko sa kanya hahaha well bagay naman.
Napapangiti ako dito sa mga pumapasok sa isip ng mapatingin ako sa front view mirror at bahagya pa akong nagulat kasi nakatingin sa akin si Ate Mik at nagkatitigan kami don. Ang ganda ng mata niya.
Natauhan ako nong tinawag ako ni Ral kaya nag iwas ako ng tingin. What the hell? "May problema ka ba?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya "Ha?"
"Ay maganda sana kaso bingi. Sabi ko may problema ka ba? Tulala ka eh" inirapan ko siya pero kinilig ako ng konti kasi maganda daw hihi enebe. "Wala! Inaantok lang ako" sagot ko nalang.
BINABASA MO ANG
She's Gay for Me
Short StoryShe's girly. She wears dresses, skirts, stilletos and always have a make up on(but I like her bare face, she's more pretty). She even love pink! At hindi ko na rin mabilang kung ilan ba ang naging boyfriends niya. She's mean lalo na sa akin and I do...