TC4 11

18 2 0
                                    

"It Serves as a Mystery!"




Nagmistulang misteryo sa mga pulis ang mga nangyari sa amin, sobrang daming natakot sa Baguio dahil sa patayan, baka raw kasi buhay pa yung serial killer na hindi ni alam na ako ang gumawa nun

Sa likod ng magandang mukha na ito, imposible na ako ang paghinalaan, sa kasikatan ko palang wala talaga


Sikat ako pero mas lalo akong sumikat kasi ako lang ang bukod tanging nakaligtas sa insedenteng iyon, napaka karumaldumal ang aking nagawa, para akong naging mabangis na hayop, dapat pinatay ko na lang sila ng isang beses hindi yung binigyan ko pa ng iba't-ibang kamatayan

Wala namang silbi ang lahat ng plinano ko kasi namatay naman si Ashton dahil sa katangahan ko, sana'y narinig ko man lang ang opinyon o salita n'ya bago s'ya mamatay, eto ay dahil sa pagkait ko sa kanya na magsalita dahil alam kong may maririnig nanaman akong masasakit na salita mula sa kanya











Wala akong napala sa kanya, parang naitapon lahat ng plano ko, at wala ring idinulot na saya sa'kin


Gabi gabi nila ako hindi pinapatulog, kahit bumalik na ako sa America ay sadyang sumusunod sila, bumubulong sila ng "sumuko ka na!", nagresign ako sa aking trabaho at sumalang sa counseling dahil iba talaga ang naranasan ko, kahit isang minuto hindi sila nawala sa tabi ko, pakiramdam ko andyan lang sila at binabantayan ako

Minsan nga, pag nagluluto yung cook namin tapos napadaan ako sa kusina para uminom ng tubig tapos nakikita kong gumagamit s'ya ng kutsilyo at karne ang tinataga, bigla na lang nagfaflash back ang utak ko, bigla na lang may pumapatak na luha sa mga mata ko, agad ko namang sinesante ang kusinerong iyon, ayaw na ayaw kong naaalala ang insedenteng iyon

Sa kabila ng lahat, sobrang kapal ng mukha ko dahil nagsimba pa ako

Minsan nga nangumpisal ako sa pari pampabawas man lang ng konsensya, at sinabi kong Father nakapatay po ako ng 5 tao? Ang tagal n'ya hindi sinagot at pagbukas ko sa kan'ya ay inatake pala ang matanda sa sobrang kaba at 6 na ang napatay ko

Sa kabila noon, ako ang bida at kinaaawaan ng mga tao dahil sa nangyaring patayan sa Baguio, tingin nila isa akong himala sa langit na hindi nila alam na makasalang mula sa impiyerno

Sumikat ako ng hindi ko ginusto, dati 'pag naaalala nila ang pangalan ko ang naaalala nila ay maganda ngayon ang naaalala nila ay "ang biktima ng patayan sa Baguio" at yung iba 'Da Lucky One pa nga

Alam ko nasa Ten Commandments na bawal pumatay, nito ko lang narealize ang mga ginawa ko, sisingsisi ako dahil hindi lang kaibigan ko at mahal ko ang nawala pati na rin ang dati kong sarili, ilang beses na akong nagparaya sa kanila at ngayon 'di ko man lang nagawa sa kanila ang magparaya para sila ay sumaya, ilang beses akong nagbabalik loob kay Lord pero sana magparamdam man lang s'ya o magbigay man lang ng sign na pinapatawad n'ya na ako


Ilang beses kong sinubukan na lumabas, pero parang wala eh, 'pag lalabas ako, nagtitinginan sila sa'kin, para silang naaawa, sawa na ang tenga kong makarinig na kung ano-ano! Masakit sa loob kong marami na ring tumatanggi sa'kin, na noon pinag-aagawan ako, siguro karma ko yun at malugod ko itong tatanggapin, kung susumahin nga ang lahat ng mga kasalanan ko kulang pa 'yon, nakapatay ako! At 5 lima pa iyon, 'di ko man lang naisip na mayroon silang pamilyang nagmamahal, siguro inggit ko na lang yun kaya ko sila pinatay, sa talambuhay ko walang nagmamahal sa'kin, maagang namatay ang aking pamilya at itinakwil naman ako ng umampon sa'kin dati, hinanap ko ang mga tiyahin ko pero hindi sapat ang pagmamahal nila mas sapat parin ang pagmamahal ng magulang, isa akong taong uhaw sa atensyon, nagawa kong pumatay dahil sa kainggitan ko sa pagmamahal na natatanggap ng aking mga kaibigan....

'Di ko alam pero may bumulong sa isip ko na pumatay ako, nagngangalit ang mga kamay ko kaya napilitan akong pumatay, nasaniban ako ng isang kaluluwang mahilig pumatay


May isang gabing naiisip ko na nasusunog na ang kaluluwa ko sa impiyerno, napaiyak lang ako at nagdadasal

Alam kong sobrang taas ng puntos ko sa impiyerno lahat ng nagawa kong mabuti sa kapwa ay naging masama simula nung pumatay ako, kakalungkot eh ano, Alam mo na kung 'san ka tutungo 'pag namatay ka na......

At tanggap ko na iyon, eto ako ngayon naghihintay na mabayaran ko sa diyos ang mga kasalanan ko pero pa'no......













Kung ano-anong alibi ang pinagsasabi ko sa pulis, dahil wala naman silang matatanong kung hindi ako lang diba, kung ano-anong lumabas sa bibig ko, na s'ya naman nilang ikinaawa sa akin, kita ko sa mga mata nila ang awa, at eto nagpapanggap akong traumatic person, hinuhuli ko ang pagkakataon na titingin sila sa akin at sabay kong ipinapatak ang aking luha, syempre pa traumatized lang kasi wala talagang suspect


Kung kayo ay nagtataka kung bakit hindi napagbintangan ang mga taong iniwan ko roon, ay ito ay dahil hindi nag match ang finger prints sa kutsilyong inilagay ko, yung bagay na yun lang napalpak kung gawa sa lahat ng nangyari, para hindi nila ako matestingan ng finger prints, tinanggal ko ang balat ng kamay ko, nag prostetiques ako ng kamay na iba ang finger prints na talagang parang totoo lang, ilang taon ko na itong ginagawa kasi alam kong araw-araw akong pinupuntahan rito ng pulis, handa lang ako sa pangyayari

That time my death penalty na sa Pilipinas, sobrang saklap dahil naririnig kong ang gagawin sa serial killer na 'yun ay bibitayin at bago bitayin ay ikukulong 10 taon at babarilin ng patalikod pero walang piring


Sabi ko sa sarili ko ayaw kong mamatay at makulong, pero sabi ng kabilang banda ng utak ko, "kung takot ka? Bakit mo nagawang pumatay?" Tapos ako ngayon ang ayaw mamatay ngayon, natatakot akong mamatay at makulong, 'di ako handa d'yan kahit alam ko na, na ito ang pwede kong kabayaran sa diyos




Nung narinig ko ang mga sinabi ng pulis, natakot ako ng sobra, 'di ako makatulog, grabe ang parusa, kasi ang rumaldumal daw ng pagkapatay sa apat, kaya dapat lang daw katumbas noon ang parusa sa killer, ilang buwan akong nagkulong sa kwarto, kahit alam kong ligtas na ako kasi ang tingin nga ng tao sa'kin ay ang bida sa krimeng iyon, 'di ako pinapatulog ng konsensya ko!





Tanong ko lang sa mga nakapatay na, nakakatulog pa ba kayo?










Until nalaman ko ang big secret sa buhay ko……………













To be continued………………


"The Connected 4" (A Friendship Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon